UMAKYAT na sa labindalawa ang naitalang election related killings, 12 araw bago ang gaganaping May 2025 midterm election, ayon sa datos ng Philippine National Police. Habang umakyat naman sa 35 ang validated election-related incidents na naitala ng PNP. Hindi pa kasama sa bilang ang nangyaring pamamaslang sa isang dating barangay chairman na number 2 nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Party-list, na nilikida noong Lunes ng gabi sa Sampaloc, Maynila dahil hindi pa ganap na natutukoy ang motibo sa pamamaril ng riding in tandem gunmen. Sa datos ng PNP, mula…
Read MoreAuthor: admin 3
SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BATANGAS IIMBESTIGAHAN ‘KALTAS’ SA EDUCATIONAL AID NG LALAWIGAN
NABABAHALA ang Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa estilo ng pagkaltas sa educational assistance ng mga estudyante ng lalawigan. Kaya naman, nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang committee on Education, committee on Appropriations at committee on Youth ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw (Miyerkoles) ukol sa ibinulgar na anomalya ni Board Member Alfredo Corona. Sa kanyang privilege speech, kinondena ni Corona ang sistema ng pagkaltas ng educational assistance sa mga estudyante ng lalawigan. Tinutukoy ni Corona ang trending video na pinost ng Facebook page na Whamosnette, kung saan nakita sa payout ng mga…
Read MoreAMYENDA SA RTL DINIINAN NI ABALOS
ISINUSULONG ni dating Interior Secretary at ngayo’y kandidatong senador Benhur Abalos ang mas matinding suporta para sa mga magsasaka, kasabay ng panawagan na baguhin ang Rice Tariffication Law (RTL) para palakasin ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na matiyak ang sapat at abot-kayang suplay ng bigas. “Ang laban ng magsasaka ay laban din ng bawat Pilipino. Kung maayos ang presyo ng palay, maayos din ang presyo ng bigas sa ating mga hapag. Hindi pwedeng isa lang ang iniintindi—kailangan sabay ang suporta sa magsasaka at sa mamimili,” giit ni Abalos.…
Read MoreCAMILLE VILLAR NAGPASALAMAT SA SUPORTA NG BOHOL
PINASALAMATAN ni Senatorial millennial candidate Camille Villar si Tagbilaran Mayor Jane Yap sa pag-endorso sa kanyang senatorial bid noong weekend, na nagpalakas pa ng hindi natitinag na suporta ng Bohol sa kanyang pagtakbo sa darating na eleksyon ngayong Mayo. Sa pagsali sa Saulog Festival sa Tagbilaran, Bohol noong weekend, nagbigay-pugay si Camille Villar sa kanilang patron na si St. Joseph, the Worker, na sa tingin niya ay inspirasyon para sa kasipagan, katapatan, at matibay na pananampalataya. “Ngayong araw po, inaalay po natin ang ating pagdiriwang kay St. Joseph the Worker…
Read MoreLALAKI PATAY SA PAYOUT NG AYUDA SA MARIKINA
NAMATAY umano sa atake sa puso ang isang lalaki na kabilang sa benepisyaryo ng payout ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa Marikina Sports Center. Isinugod ang lalaki sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center kung saan siya binawian ng buhay. Nabatid na namatay sa cardiac arrest ang lalaki dahil sa sobrang pagod at init. Ayon sa mga saksi, hindi agad nabigyang pansin ang lalaki dahil inuna pa ng mga coordinator ni Quimbo na pagbawalan ang mga tao na…
Read More106 TRABAHO Party-list, TOP 3 SA WR NUMERO SURVEY
DALAWANG linggo bago ang halalan, namayagpag ang 106 TRABAHO Party-list bilang Top 3 sa Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na inilabas ng WR Numero Research (WRN) para sa Metro Manila. Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng TRABAHO Party-list, bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN. Tinangkilik din ang 106 TRABAHO maging sa Mindanao kung saan ito ay napabilang sa Top 5 party-list. Sa national cluster, umangat sa ika-13 pwesto ang 106 TRABAHO mula sa ika-50 na dating pwesto. Ang nasabing…
Read MoreMAG-ASAWANG SANDOVAL KINASUHAN SA GOOD FRIDAY CAMPAIGN
SINAMPAHAN ng reklamo sa Commission on Elections ang mag-asawang sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at former congressman Ricky Sandoval kasunod ng pangangampanya umano ng mga ito kahit Good Friday sa kalagitnaan pa man din ng prusisyon sa Brgy. Dampalit. Sa reklamong inihain ni Darren David, taxpayer at lehitimong residente ng Malabon, noong Biyernes Santo, Abril 18, mismong sina Mayor Sandoval at ang mister nitong si Ricky ang namimigay ng campaign leaflets at iba pang materyales sa pangangampanya habang nagaganap ang prusisyon sa barangay. Sa personal na paghahain ng reklamo…
Read MoreISKO NAPANATILI PANGUNGUNA SA MAYNILA
NANGUNGUNA pa rin si dating Manila mayor Francisco ‘ Isko Moreno’ Domagoso sa survey para sa natitirang dalawang linggong kampanya bago ang Eleksyon 2025 sa bansa. Ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research, napanatili ni Domagoso ang kanyang commanding lead sa karera para sa Manila City Mayor. Isinagawa ang survey mula April 20 hanggang 23 at nailabas noong Martes, April 29 na nagpapakita na may 63% vote preference si Domagoso sa buong Maynila. Nauna si Domagoso sa kanyang mga kalaban, kung saan si incumbent Mayor Honey Lacuna ay nagrehistro lamang…
Read MoreLATEST TOP 20 SENATORIAL SURVEY RESULT INILABAS NG TANGERE
INILATHALA ng Tangere ang pinakahuling top 20 Senatorial Survey result na isinagawa nito sa mga petsang Abril 22-25. Ang survey na isinagawa nationwide ay nilahukan ng 2,400 respondents. Nakuha nito ang sentimyento ng mga botante mula sa NCR (12 percent), Northern Luzon (23 percent), Southern Luzon (22 percent), Visayas (20 percent), at Mindanao (23 percent). Mayroon din itong ±1.96 percent margin of error at a 95 percent confidence level. 449
Read More