SEN. VILLAR NAKISIMPATYA SA PAGPANAW NG SANTO PAPA

SUMULAT si Sen. Cynthia Villar sa Book of Condolence bilang parangal sa Kanyang Holiness Pope Francis nitong Lunes, Abril 28, sa Apostolic Nunciature, Taft Avenue sa Manila. Siya ay tinanggap ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown. Nitong Sabado, April 26, inihimlay na sa kanyang huling hantungan ang lider ng Simbahang Katolika na si Santo Papa Francisco sa Saint Mary Major Basilica. Pribado at simple ang isinagawang seremonya gaya ng kanyang kahilingan. (Danny Bacolod) 307

Read More

COCO MARTIN, LITO LAPID UMIKOT SA QC

MULING nagkasama sina Supremo Senador Lito Lapid at Actor/Director Coco Martin sa isinagawang motorcade sa ilang palengke sa Quezon City nitong Linggo, April 27. Nagsama rin sina Lapid at Martin sa motorcade sa Cavite matapos mapatay ang karakter ni Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo, isang araw bago ang campaign period. Mainit naman ang pagsalubong ng mga residente sa lungsod sa pag-iikot ng dalawang action superstars ng Batang Quiapo. “Nakakataba ng puso ang mainit na pagsalubong at pagyakap sa akin ng mga kababayan natin dito sa Quezon City. Ang pagmamahal at…

Read More

MGA WARAY NAG-ALAY NG MISA SA LIBING NI POPE FRANCIS

HINDI man nakadalo sa libing ni Pope Francis sa Rome, Italy noong Sabado, nag-alay na lamang ng dasal at misa ang mga Waraynon sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez. Idinaos ang misa sa tarmac ng New Daniel Z. Romualdez Airport, ang kaparehong lugar kung saan nagdaos ng misa si Pope Francis noong 2015 ilang araw matapos hagupitin ng Bagyong Yolanda ang lalawigan na kumitil ng maraming buhay at nagdulot ng milyon-milyong pinsala. Ayon kay Speaker Romualdez nang matapos ang misa, “ang pagbisita ng Santo Papa noon ay nagbigay hindi lamang…

Read More

PERMANENTE, MALINIS AT LIGTAS NA EVACUATION CENTERS ISINUSULONG NI GO

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dedicated evacuation centers lalo na sa mga disaster-prone areas. Sa motorcade sa Cainta, Rizal sinabi ni Go na mahalagang matiyak ang pagkakaroon ng infrastructure projects na pakikinabangan ng publiko sa panahon ng krisis. Una nang igniit ni Go ang kahalagahan ng long-term solutions para matugunan ang problema sa flood-prone areas sa bansa. Ayon kay Go dapat ay mayroong accountability, transparency, at gawing prayoridad ang mga flood control projects na makatutulong sa mga komunidad na madalas maapektuhan ng pagbaha. Si…

Read More

MANANG IMEE, CAMILLE EKIS KAY DIGONG

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG nakuha nina senatorial candidate Imee Marcos at Camille Villar ang matamis na ‘Oo’ ni Vice President Sara Duterte, dedma naman sa kanila si dating pangulong Digong. Ang inaasahan kasi matapos itaas ni VP Inday ang mga kamay ng dalawa ay mapapasama na sila sa senatorial candidates ng dating pangulo. Nauna na kasing binuo ang tinaguriang DuterTen. Kaso nga lang, sa DuterTen o Duter10 plus 2 ng matandang Duterte ay hindi pala kabilang ang dalawang galing sa ‘Alyansa’ ng administrasyon. Ang gulo naman kasi ng magtatay…

Read More

PAGBUBUKAS NG SIMBAHAN PARA SA LAHAT

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO BILANG isang bansa na napakaraming Katoliko, hindi na nakagugulat na marami ang naapektuhan sa pagpanaw ni Pope Francis kamakailan. Kaya nga noong bumisita siya sa bansa noong 2015, talaga namang napakaraming Pilipino — hindi lamang mga Katoliko — ang tumutok, nagbantay, nag-abang, at umasang makasisilay sa kanya. Itinalaga bilang Santo Papa noong 2013, namuno sa loob ng 12 taon si Pope Francis at nagbigay ng panibagong mukha sa Simbahang Katoliko dahil sa kanyang kababaang loob at pagiging bukas sa kahit na sinong tao. Para sa…

Read More

OPERASYON NG BI LABAN SA CHINESE, LEHITIMO O HULIDAP?

BISTADOR ni RUDY SIM MUNTIKAN nang magkaroon ng mis-encounter sa pagitan ng mga tropa ng Philippine National Police at ng ilang abusadong grupo umano ng mga Muslim na ahente ng Bureau of Immigration noong nakaraang Huwebes, makaraang magpaputok ng matataas na kalibre ng baril nang kanilang arestuhin ang isang bigtime Chinese businessman sa Lungsod ng Pasig. Sinabi ni NCRPO chief, Brig. General Anthony Aberin, ang pagdampot ng mga armadong kalalakihan sa isang Chinese na inakalang kidnapping kasunod ng pagpapaputok ng baril, ay nagdulot ng takot sa publiko dahil umano walang…

Read More

ANG PAGKAKAIBA NG MAGKAPATID NA MARCOS AT ANG PAG-ENDORSO NI VP SARA KAY SEN. IMEE

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng maiinit na usapin tungkol sa pulitika, muling bumulusok sa ating kamalayan ang isyu ng pagkakaiba raw ng magkapatid na Marcos—si Senator Imee Marcos at si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kaya sa kabila ng mga hidwaan at hindi pagkakasunduan sa mga nakaraang buwan, hindi nakaligtas sa atensyon ng publiko ang pag-endorso ni Vice President Sara Duterte kay Senator Imee Marcos sa kanyang reelection bid. Binigyang-diin ni VP Sara Duterte na magkaibang tao sina Imee at BBM, isang pahayag na nagsisilbing paglilinaw sa…

Read More

DuterTEN PARA SA PAGLILINGKOD NA MALINIS, TAPAT – ATTY. RODRIGUEZ

BINIGYANG-DIIN ni senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez ang isinusulong na pamamahala ng Duterte senatorial slate sa kanilang pagbisita sa Karuhatan, Valenzuela. Ayon sa dating executive secretary ng Marcos Jr. admin, mahalagang gamitin ng taumbayan ang kanilang lakas sa pagboto ng tama ngayong midterm election. Paalala niya sa mga botante, piliin ang mga kandidatong tunay na may malasakit at paninindigan gaya ng DuterTEN Slate, na suportado ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte, at isinusulong ang isang pamahalaang malinis, matapang, at para sa tao. Si Rodriguez, numero 56 sa balota, ay matagal…

Read More