NAHAHARAP sa patung-patong na kaso sa tanggapan ng Ombudsman ang mga lokal na opisyal ng bayan ng Mangatarem sa Pangasinan na kinabibilangan nina Mayor Ramil Ventenilla, Vice Mayor Michael Mon Rosette Punzal at Municipal accountant Kenaz Bautista. Ito ay matapos silang ireklamo ni Ricardo Bachar Luciano, Jr. Kabilang sa kasong isinampa laban sa tatlo ay Malversation of Public Funds dahil umano sa misappropriation with consent at kapabayaan, technical malversation, paglabag sa local government code at tax rules, paglabag sa government accounting manual code ng Pilipinas, paglabag sa procurement law at…
Read MoreAuthor: admin 3
NANGUNGUNANG ABACA PRODUCER SA MUNDO BINISITA NI CAMILLE
MULING iginiit ng millennial senatorial candidate na si Camille Villar ang kanyang suporta sa lokal na industriya ng abaca sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Catanduanes, ang abaca capital ng Pilipinas, kamakailan. “Congratulations po sa pagiging ‘world’s top producer of abaca’, at dahil dyan ay buhay na buhay ang inyong ekonomiya at kabuhayan,” ani Camille. “Talagang proud po tayo sa industriya na yan dito sa inyo dahil sa abaca ay tinatawag na ‘world’s strongest fiber’,” aniya pa. Ang Pilipinas ay nananatiling nangungunang producer ng pinakamatibay na hibla sa mundo, na…
Read MoreNOMINEE NG BUMBERO PARTY-LIST INAMBUS
TINAMBANGAN ng mga hindi pa tukoy na mga suspek ang dating chairman at nominee ng Ang Bumbero Partylist na si Leninsky Bacud. Nangyari ang pamamaril sa P. Guevarra St., Brgy. 435, Zone 44, Sampaloc, Manila bandang alas-6:00 ng gabi ngayong Lunes, April 28. Ayon sa mga saksi, nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek at nakipagbarilan pa sa pulis na residente sa lugar. Dinala sa pinakamalapit na ospital at inaalam pa ang kondisyon ni Bacud. Sa palitan ng putok ay tinamaan ng bala ang ilang sasakyan sa lugar. Nagsasagawa na ng…
Read MoreSANDY CAY DISPUTED TERRITORIES ‘DI SAKLAW NG CHINA – PHIL. NAVY
MARIING pinabulaanan ng Philippine Navy ang pahayag ng China na naokupa o nakubkob na nito ang Sandy Cay na tinatawag nito bilang Tie Xian Reef sa disputed waters o pinagtatalunang karagatan sa South China Sea. Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the West Philippine Sea, layon ng pahayag ng China na ilayo ang atensyon ng publiko sa mga alegasyon ng Chinese spies at troll farm na kinuha ng Chinese Embassy sa Manila noong 2023. “Tsineck natin kasama ang Coast Guard, ang Navy, ang AFP, ang BFAR,…
Read MoreFake FB account gamit sa kampanya LIMAY EX-MAYOR INIREKLAMO SA COMELEC
PORMAL na sinampahan ng reklamong ‘election offense’ sa Commission on Elections (Comelec) si dating Limay, Bataan, mayor Lilvir ‘Ver’ Roque dahil sa patuloy na paggamit ng ‘fake account’ sa social media. Sa 15-pahinang reklamong isinampa sa Comelec main office sa Maynila nitong Abril 22, inireklamo ni Raymond dela Fuente, residente at botante ng Limay, si Roque nang paglabag sa Comelec Resolution 11064, na gumagabay sa kampanya gamit ang social media at RA 9006 (Fair Election Act). Nakasaad sa reklamo, ang ginagawa ni Roque ay malinaw na paghamak sa kapangyarihan ng…
Read MoreBUONG ‘ALYANSA’ SLATE HUMATAW SA BAGONG OCTA SURVEY
UMARANGKADA sa winning circle ang 11 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa pinakahuling survey ng OCTA Research na isinagawa nitong Abril 10-16. Nanguna mula sa hanay ng senatorial slate na ineendorso ni Pangulong Bongbong Marcos si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na rumanggo ng 1-2 at may voter preference na 61.2%. Kapwa naman pang-11-19 sina dating Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos at Senate Majority Leader Francis Tolentino na may voter preference na 28.8% at 27.7% ayon sa pagkakasunod. Pasok din sina dating Senate President Tito Sotto…
Read MoreKALIGTASAN NG MGA PINOY SA ABROAD, APELA NG AKO-OFW
DAPAT tiyakin ang seguridad ng mga Pilipino na nagkakaroon ng pagtitipon sa ibang bansa. Ito ang apela ni 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap matapos ang malagim na insidente sa selebrasyon ng Lapu-Lapu Day sa Vancouver, Canada kung saan 11 sa kababayan natin ang nasawi at marami ring nasugatan. Ani Umandap, dapat agad makuha ng mga nasawing Pinoy ang katarungan at suporta para sa mga biktima at kanilang pamilya. Ang ganito umanong uri ng trahedya sa isang pagdiriwang ng ating kultura at bayanihan ay hindi katanggap-tanggap na pangyayari…
Read MoreMGA LEHITIMONG EMPLEYADO SA PASIG CITY HALL DAPAT IBALIK
HINILING ng grupo ng mga residente ng Pasig City na ibalik ang lahat ng lehitimong empleyado ng Pasig City Hall na anila ay inalis sa pwesto at pinalitan ng mga taga-Quezon City nang maupo sa pwesto si Mayor Vico Sotto noong 2019. Ginawa ang panawagan matapos magreklamo ang ilang residente at business owners sa naranasan nilang hindi maayos na serbisyo sa Pasig City Hall. Ayon sa Samahan ng mga KOoperatiba sa Pasig (SAKOP), kung maibabalik sa kani-kanilang pwesto ang mga lehitimong empleyado ay mas masisiguro ang de kalidad na serbisyo…
Read MoreDALAWANG LINGGO BAGO HALALAN, ERWIN TULFO NANGUNA SA PINAKABAGONG SENATORIAL SURVEY
DALAWANG linggo na lang bago ang May 12 election, nangunguna pa rin si ACT-CIS Party-list Representative at Alyansa para sa Bagong Pilipinas candidate Erwin Tulfo para sa Senado. Nagkamit si Tulfo ng 100% awareness at 61.2% voting preference rating sa pinakabagong Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Abril 10-16 na naglagay sa kanya sa rank 1-2. Lamang si Tulfo ng 15.8% sa voting preference rating sa kandidatong sumunod sa kanya. Ani Tulfo, “Nagpapasalamat po ako sa ating mga kababayan sa patuloy nilang pagsuporta sa akin lalo…
Read More