P4.9-M KETAMINE NASABAT NG PDEA

TINATAYANG 984 gramo ng hinihinalang ketamine ang nasabat sa interdiction operation sa pangunguna ng PDEA Seaport Interdiction Unit – Port of Manila, kasama ang Bureau of Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, sa Surface Mail Exchange Department (SMED) ng Philippine Postal Corporation sa 2nd Bonifacio Drive, Port Area Manila noong Lunes, Abril 4. Ang nasabing operasyon na isinagawa dakong alas-9:20 ng umaga, ay nagresulta sa pagkakadiskubre sa abandonadong parcel na naglalaman ng white powdery substance na hinihinalang ketamine na P4,920,000 ang halaga. Ayon sa ulat na isinumite ng PDEA RO NCR,…

Read More

3 PNP OFFICIALS SA BARMM PINASISIBAK NG COMELEC

PINASISIBAK ng Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) ang tatlong mataas na opisyal nito sa Bangsamoro Autonomous region of Muslim Mindanao (BARMM). Kabilang dito ang Regional Director na si PBGen. Romeo Macapaz, PCol. Eleuterio Ricardo Jr., hepe ng Maguindanao Del Norte at PCol. Ryan Bobby Paloma, hepe ng Maguindanao Del Sur. Hiniling ang pagpapatanggal sa tatlong mataas na opisyal ni Comm. Aimee Ferolino, chairperson ng Gun Ban and Security Concerns Committee. Ito ay ipinaabot kay PNP Chief General Rommel Marbil at inaprubahan ng Comelec En Banc. Ayon…

Read More

Kahit negatibo sa paraffin test 7 PULIS SA PAMAMARIL KAY ESPINOSA ‘DI PA LUSOT

NEGATIBO sa paraffin test ang pitong pulis na persons of interest sa pamamaril kay Albuera, Leyte Mayoralty candidate Kerwin Espinosa, ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Randulf Tuaño. Sa isinagawang press briefing Martes ng hapon sa Kampo Crame, sinabi ng opisyal na hindi porke negatibo sila sa paraffin test ay lusot na sila sa kaso dahil maraming pamantayan na maaaring magnegatibo kahit nagpaputok ng armas. Kabilang dito ang pagsusuot ng gloves, paghuhugas ng kemikal upang maalis ang gun powder burns sa kamay at ang pagsusuot ng long…

Read More

TRABAHO PL KAISA NG PUBLIKO SA PAGDIRIWANG NG PALM SUNDAY

NAKIISA ang TRABAHO Party-list sa pagdiriwang ng Araw ng Palaspas matapos maging abala sa kanilang mga sortie noong Linggo. Sa opisyal na Facebook Page ng 106 Trabaho Party-list, bumati ito ng “Isang pinagpalang Linggo ng Palaspas po sa inyong lahat”. Bukod sa pagbati, mayroon ding mensahe ang grupo kaugnay ng adbokasiya nito para sa mga manggagawang Pilipino. “Habang iwinawagayway po natin ang palaspas, atin pong pagnilayan kung paano natin mas masusuportahan ang ating mga manggagawa at kung paano tayo makabubuo ng makatarungang ekonomiya,” isinulat ng TRABAHO. Sang-ayon sa diwa ng…

Read More

MGA NASA LIKOD NG PEKENG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS NA NANINIRA SA MGA PARTY-LIST NOMINEE, PANANAGUTIN NG PNP

HAHABULIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga indibidwal na nasa likod ng pananakot, pagpapakalat ng black propaganda, at paninira sa mga kandidato gamit ang social media platforms. Pahayag ito ni PNP Anti-Cybercrime Group Chief Brig. Gen. Bernard Yang matapos maghain ng reklamo si ATeacher party-list nominee Virginia Rodriguez laban sa ilang indibidwal na gumagamit ng pekeng Facebook at Tiktok accounts para siya ay siraan maging ang kinabibilangan niyang Party-list group. Sinabi ng PNP na malaki ang epekto ng ganitong mga aktibidad sa electoral process ng bansa kaya dapat itong…

Read More

PUSO SA SERBISYO: MAYOR GATCHALIAN SUPORTADO SENATORIAL BID NI CAMILLE VILLAR

NAKAKUHA ng suporta si Camille Villar sa kanyang senatorial bid mula kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa kanyang pagbisita sa lungsod noong Lunes ng umaga. Sa pag-endorso sa senatorial bid ni Camille Villar, binanggit ni Gatchalian na ang mga kabataan ay naging mga pinagkakatiwalaang lider ng henerasyong ito, na ginagawang mas inklusibo, at dinamiko ang serbisyo publiko sa gitna ng pagbabago ng panahon. “Hindi hadlang ang edad para makapaglingkod tayo kahit sa matataas na puwesto sa gobyerno. Bago ang mga ito (mga puwesto) ay nakalaan sa kakaunti lang, pero ngayon,…

Read More

KALUSUGAN, KARUNUNGAN AT KABUHAYAN ISUSULONG NG MAHARLIKA PL

INILAHAD ng ikalawang nominee ng Maharlika Party-list na si Alvin Sahagun, presidente at chairman din ng Maharlikang Pilipino party, ang pagsusulong ng kanilang layunin sa pamamagitan ng Kalusugan, Karunungan, at Kabuhayan na maghahatid ng isang bagong pag-asa para sa bawat Pilipino. Ayon kay Sahagun, nabuo ang Maharlika Party-list upang maging boses ng karaniwang mamamayan—mga manggagawa, guro, magsasaka, at pamilyang nangangarap ng mas maayos na buhay. Aniya, sa pamumuno ng kanilang unang nominee na si Gng. Rosalie Quizon Balcon, isang matagal nang tagapagtaguyod ng pagbabago sa komunidad, binuo nila ang isang…

Read More

500K PIRMA NG SUPORTA BINIGAY SA FPJ PANDAY BAYANIHAN PL

NASA larawan sina (L-R) Volt Claveria (NCR Cluster Head), Kag. Robert Alejandro (NCR Cluster Head), Ricky Mallari (Lead Convenor), Brian Poe Llamanzares, (FPJ Panday Bayanihan Partylist’s First Nominee), Mabel Que (Pangasinan Provincial head), Sheena Prince (NCR Supporter), at Elmo Gellegani (NCR cluster Head). NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan ng isang masiglang kampanya ng pagpirma na naglalayong itaguyod ang adbokasiya ng yumaong Fernando Poe Jr. (FPJ) sa larangan ng pampublikong serbisyo. Ang inisyatibo, na pinangungunahan ng Volunteer Poe Kami Movement, ay…

Read More

PANGILINAN LAW DAPAT NANG AMYENDAHAN

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT UNANG ipinatupad ang Republic Act (RA) 9344 o “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” na kilala rin bilang Pangilinan Law noong March 2006 at mula noon bawal nang disiplinahin ang mga kabataan sa pamamagitan ng pisikal at verbal pamamaraan. Natalian ang kamay ng mga guro sa pagdidisiplina sa kanilang mga estudyante sa loob ng eskwelahan. Hindi sila pwedeng kurutin kapag sila ay makulit at hindi sila pwedeng pagalitan kapag sila ay nagiging pasaway. Maski ang mga magulang ay hindi pwedeng paluin ang kanilang mga anak,…

Read More