TULUY-TULOY ang pagpapadala ng lokal na pamahalaan ng San Juan, Batangas ng mga seasonal farm worker (SFW) sa South Korea, na kung saan matagumpay na naisagawa ang pre-departure meeting para sa ika-lima at ika-anim na batch ngayong taon. Limampu’t anim na SFW ang nakatakdang ipadala sa Miyerkoles sa susunod na linggo (Abril 16) matapos talakayin sa pagpupulong ang mahahalagang tagubilin mula sa lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan at paghahanda sa ibang bansa. Kabilang dito ang mga ipinagbabawal na gawain, mga dapat dalhin at pag-angkop sa kultura, klima at…
Read MoreAuthor: admin 3
CAMILLE VILLAR INENDORSO NG ONE CEBU
BUONG suporta ang ibinigay ng One Cebu (1-Cebu) sa pamumuno ni Gov. Gwen Garcia sa senatorial bid ni Camille Villar sa darating na 2025 midterm polls noong Miyerkoles. Itinaas ni Garcia ang kamay ni Camille Villar, na nagpapahiwatig ng hindi natitinag na suporta ng gobernador, na pinalakas pa ng 31-malakas na alkalde na bumubuo sa lokal na partidong One Cebu, na nangingibabaw sa pampulitikang tanawin sa lalawigan. “Ako ay nagpapasalamat, at kasabay nito, nagpakumbaba sa suporta ni Gov. Gwen Garcia at ng mga alkalde na lumabas para salubungin kami,” sabi…
Read MorePAG-EPAL NG MGA KANDIDATO BINABANTAYAN NG COMELEC
PATULOY na binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang insidente ng pasimpleng vote-buying at ginagawang pag-epal ng mga kandidato sa mga graduation sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa pulong-balitaan ngayong araw (Huwebes), sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na may lead na sila sa insidente ng namimigay ng coupon sa Aklan. Umaasa ang poll body na makikipagtulungan ang publiko at ipararating sa kanila ang ganitong mga insidente upang mabilis nilang maaksiyunan. Nagbabala rin ang COMELEC sa mga kandidato na huwag umepal o gamitin ang dadaluhang graduation ceremony…
Read MoreHIGH VALUE TARGET PATAY, 4 PDEA AGENTS SUGATAN SA ENGKWENTRO
PATAY ang isang high value drug personality habang apat na ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency ang sugatan nang mauwi sa engkwentro ang inilatag na buy-bust operation ng anti-narcotics unit ng pamahalaan sa Barangay San Antonio, Parañaque City. Ayon sa isinumiteng ulat kay PDEA chief Director General Isagani Nerez, matapos ang isinagawang case build-up laban sa ilang bigtime drug personalities, naglunsad buy-bust operation sa loob ng Goodwill 3 Village, Brgy. San Antonio, Parañaque City noong Miyerkoles ng gabi ang mga tauhan ng PDEA NCR RO katuwang ang local police. Subalit…
Read MoreTSINOY PINAG-IINGAT SA KIDNAPPING
HINIKAYAT ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga Chinese-Filipino sa Pilipinas na maging mapagmatyag sa kanilang paligid at agad iulat ang anomang kahina-hinalang aktibidad. “Yung kidnapping nararamdaman din yan. Pag may nararamdaman, dapat nirereport kaagad. Halimbawa, yung may nakikita na silang sasakyan, nirereport na kaagad sa pulis yan. Tapos magti-take note ng plate number,” ayon kay PAOCC Director Undersecretary Gilbert Cruz sa ginanap na Meet the Manila Press forum. Sinabi ni Cruz na ang kidnapping ay kadalasang may kasamang pagbabanta. “Pag ‘yung may mga threat, dapat nirereport din. Doon…
Read MoreHEPE NG PNP-AKG SINIBAK
SINIBAK sa pwesto ang bagong promote na hepe ng Anti-Kidnapping Group na si Police PBGen Elmer Ragay. Inihayag ni PNP Public Information Chief PCol Randulf Tuaño, na pinalitan si Ragay ni Police Col. David Poklay na dating Chief Directorial Staff ng CIDG. Sa ulat, hindi nakuntento si PNP chief General Rommel Francisco Marbil sa kanyang trabaho. Matatandaan, nitong nagdaang Pebrero ay dinukot naman ang 14-anyos na Chinese student sa Taguig City at kalaunan ay na-rescue. Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Brig Gen Jean Fajardo, bumuo na ng…
Read MoreERWIN TULFO TULOY SA PAMAMAYAGPAG SA BAGONG SENATE SURVEY
ISANG buwan bago ang Halalan 2025, patuloy na namamayagpag ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas candidate na si Erwin Tulfo sa survey ng mga kandidato sa pagka-Senador. Sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Marso 18 hanggang 24, napanatili ni Tulfo ang pangunguna na may 100% awareness at 61% voting preference na nagtalaga sa kanya sa rank 1-2. Tabla sila ni reelectionist Senador Bong Go sa unang pwesto. Nasa pangalawang pwesto ang independent at kapatid ni Erwin Tulfo na si Ben Tulfo. Sumusunod sina Tito…
Read MoreTAONG GOBYERNO PWEDENG MASUSPINDE SA LIKE, SHARE SA SOCMED
IPINAGBABAWAL sa inilabas na memorandum ng Civil Service Commission (CSC) sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na lumahok sa partisan political activity kabilang na ang pagla-like, pagsi-share bukod sa iba ng social media posts sa panahon ng campaign period para sa May 12, 2025 polls. Ang mahuhuling lalabag sa Memorandum Circular 3-2025 o Reminder Not to Engage in Partisan Political Activities During the Campaign Period of the 2025 Midterm Elections ay masususpinde ng isang buwan hanggang anim na buwan para sa first offense at masisibak sa serbisyo para sa…
Read MoreBAWAL BASTOS LAW WALANG KUWENTA?
MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT PARANG walang sumeseryoso sa Republic Act (RA) 11313 o Safe Space Act na mas kilala bilang Bawal Bastos Law, dahil naglipana pa rin ang mga bastos tulad ngayong panahon ng kampanya para sa midterm election. Ang batas na ito ay unang inimplementa noong October 2019 at ang inatasang mag-implementa nito ay ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Local Government Units (LGUs) at Philippine National Police (PNP). Malamang ay alam nina ni Atty. Christian Sia at Misamis Oriental Governor Peter Unabia ang batas na…
Read More