BASTA KOMPORTABLENG BIYAHE, OK ANG TAAS-PASAHE SA LRT -1

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA TEKA, tumaas na ba ang sahod mo, Igan … bumaba na ba ang konsumo mo sa kuryente, sa tubig at ang pamasahe — sa bus, jeep, tricycle –mataas pa rin. Ay, ang hirap talaga ‘pag taga-Metro Manila ka, o kung promdi ka, pero daily wage earner ka sa National Capital Region (NCR), ang laki ng gastos. Eto ngayon ang isang balita — good ito sa LRT 1 management, pero kay Daily Wage Earner (DWE), ito ay bad news. ‘Yung dating minimum na P15, magiging…

Read More

KUYA PIWA LIM, BAGONG PAG-ASA NG TAYABAS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA bawat lungsod o bayan, dumarating ang pagkakataong kinakailangan ng tunay na pagbabago — isang lider na hindi lamang marunong mangako kundi handang magsakripisyo, makinig, at maglingkod nang buong puso. Sa lungsod ng Tayabas, lalong umiigting ang pagnanais ng mga mamamayan para sa isang lider na may malasakit, may pananaw, at may tapang na isulong ang tunay na kaunlaran. Sa darating na halalan, unti-unting lumilinaw sa sambayanan ang sagot: si Anthony “Kuya Piwa” Lim. Hindi na bago sa marami ang pangalan ni Kuya Piwa. Kilala…

Read More

ALBUERA MAYORALTY CANDIDATE ROLAN KERWIN ESPINOSA, DALAWANG IBA PA PINAGBABARIL HABANG NANGANGAMPANYA SA LEYTE

ISINUGOD sa pagamutan ang Mayoralty candidate ng Albuera, Leyte na si Rolan Kerwin Espinosa matapos barilin ng hindi pa kilalang gunman habang nangangampanya, Huwebes ng hapon. Kabilang sa nasugatan ang running mate nito na si Mariel Espinosa Marinay at isang babaeng menor de edad na tinamaan ng ligaw na bala. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Albuera Municipal Police Station, PMajor Angelo Sibunga, dakong alas-04:30 ng hapon pinagbabaril ang grupo ni Espinosa habang nangangampanya sa Barangay Tinag-an. Sa ulat, isang tama ng bala ang tinamo ni Espinosa na agad naman…

Read More

ROQUE MULING HINAMON SI PBBM SA HAIR FOLLICLE TEST

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HAMON ang naging tugon ni dating Presidential spokesperson Harry Roque sa pagturo sa kanyang mastermind ng ‘polvoron’ video laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Inulit ni Roque ang hamon na sumailalim ang Pangulo sa hair follicle test upang patunayan na hindi siya gumamit ng droga. Sa isang Facebook live kamakailan, iginiit ni Roque na wala sa tamang pag-iisip si Marcos dahil sa akusasyong gumagamit siya ng cocaine. “Hindi po ‘yan conclusive pero alam n’yo sa batas ang tawag diyan is yung totality of evidence and mayroon…

Read More

MALABON MAYOR KINASUHAN SA OMBUDSMAN SA P139-M BASURA SCANDAL

SINAMPAHAN ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval kaugnay ng P139 milyong kontrata sa basura mula sa pribadong kompanyang hindi naman ginawa ang kanilang obligasyon. Batay sa demanda ni Editha Nadarisay, residente ng Malabon, bago pa siya nagsampa ng kaso, siya at ang mga residente ay nagpadala ng open letter kay Sandoval dahil sa pagtambak ng basura sa kanilang paligid sa matagal na panahon na naging sanhi ng pagkakasakit ng kanilang mga anak subalit hindi inaksiyunan ng alkalde. Sinabi pa ni Nadarisay at…

Read More

ASYLUM BID NI ROQUE SA NETHERLANDS MAPUPURNADA – SOLON

KINONTRA ng isang mambabatas sa Kamara de Representantes ang paniniwala ni dating presidential spokesman Herminio ‘Harry’ Roque Jr. na pinalakas ng House Tri-Committee ang kanyang asylum bid sa The Netherlands dahil sa sinasabing ‘polvoron video’. Sa imbestigasyon ng komite nitong Martes, isiniwalat ng dating kasamahan nina Roque na si Vicente Bencalo ‘Pebbles’ Cunanan na si Roque ang may pakana sa polvoron video na bahagi umano ng planong pabagsakin si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Itinanggi man ni Roque ang alegasyong ito, sa kabilang banda’y makakatulong umano ito sa kanyang asylum…

Read More

JINGLE NI MOCHA USON PINAG-INITAN DIN SA KAMARA

BAGAMA’T nasita na ng Commission on Elections (Comelec) at nangakong hindi na gagamitin ni Micha Uson ang kanyang jingle na ‘Cokie ni Mocha’, pinag-initan pa rin ito ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan. Dahil hindi nagustuhan ng grupo ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang anila’y sexually suggestive campaign jingle, tila nilektyuran ang dating assistant secretary ni dating pangulong Rodrigo Duterte. “The use of sexually suggestive campaign jingles and materials only reinforces the harmful objectification of women’s bodies and reduces them to sexual objects rather than dignified human beings…

Read More

1 PANG KANDIDATO PINAGPAPALIWANAG SA BASTOS NA KOMENTO

INISYUHAN ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order si Davao de Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga, kandidato sa pagka-gobernador. Si Gonzaga ay pinagpapaliwanag tungkol sa kanyang naging komento sa mga kababaihan at kanilang private parts sa panahon ng kanilang campaign rallies. Binanggit ng poll body sa show cause order ang pahayag ni Gonzaga sa iba’t ibang campaign stops kung saan binanggit niya ang tungkol sa pagiging bihasa ng kababaihan sa sex, at sa pribadong bahagi ng isang biyuda. Hiniling din niya sa isang miyembro ng konseho na halikan…

Read More

4 SUNDALO TIMBOG SA GUN BAN

PAMPANGA – Apat na aktibong sundalo ang inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kaugnay ng nationwide gun ban na kasalukuyang ipinatutupad sa ilalim ng Omnibus Election Code sa bayan ng San Simon sa lalawigan noong Martes. Inaresto ang mga ito habang nakasibilyan at naka-off duty, ayon sa public information officer ng Police Regional Office 3 (PRO3). Bandang alas-2:40 ng hapon, inaksyunan ng mga tauhan ng San Simon Municipal Police Station ang ulat mula sa isang concerned citizen na kinilalang si…

Read More