PINANGUNAHAN ng tambalang Yorme Isko Moreno-Chi Atienza at 5th district Congressman aspirant Amado Bagatsing ang pagsasanib ng pwersa ng KAAGAPAY, KABAKA at KABABAIHAN, tatlong malalaking organisasyon sa Maynila sa ginanap na Sportsfest meeting sa Ninoy Aquino Stadium kahapon, March 16, 2025. Ang pagsasanib na ito ang isa sa mga highlight ng programa. (BP) 260
Read MoreAuthor: admin 3
MELAI IBINANDERA TRABAHO PARTY-LIST SA ‘VOTE-RICH’ MALABON
MAGHAPONG ibinandera ni Melai Cantiveros-Francisco ang TRABAHO Party-list, bilang 106 sa balota, sa pag-ikot nito sa buong Malabon nitong Linggo, ika-16 ng Marso. Lulan ng motorcade kasama ang nominee ng TRABAHO na tubong Malabon, sinuyod nila ang 21 barangay na may rehistradong botante na hindi bababa sa 233,868, ayon sa datos ng COMELEC noong nakaraang eleksyon. “Alam niyo po ba na ang first nominee ng TRABAHO na si Atty. Johanne ay taga-Malabon po? Siya po ang magiging boses natin sa opisina [ng Kongreso],” pagbibida ng celebrity advocate. Nakipagpalitan ng pagbati…
Read More1 KILO NG SHABU NASAMSAM, 4 KATAO HULI NG PDEA
NASA isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, ang nasamsam sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at local police na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na hinihinalang bigtime drug personalities sa Quezon City. Ayon sa ibinahaging report ni PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, apat na pinaniniwalaang high value target ang nadakip ng kanilang mga tauhan sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA RO NCR-QCDO, katuwang ang PNP, sa Barangay E. Rodriguez Sr., Quezon City nitong nakalipas na linggo. Kinilala ang mga…
Read More‘LUFFY’ GANG MEMBER TIMBOG SA BI
ISA pang hinihinalang miyembro ng notoryus na “Luffy” gang na nauugnay sa iba’t ibang panloloko sa kanilang bansa, ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI). Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga ahente ng BI Fugitive Search ay inaresto ang 33-anyos na si Natsuki Kimura sa Ayala Avenue sa Makati City, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Board of Commissioners ng bureau noong Marso 2023, para sa kanyang deportasyon sa Japan, dahil sa pagiging undesirable alien nito. Si Kimura ay isa lamang sa maraming hinihinalang…
Read MoreRAPE SUSPECT SA 2 BATA NATUNTON SA SORSOGON
ARESTADO ang suspek sa panggagahasa sa dalawang bata sa Marikina City nang matunton sa pinagtataguang lugar sa lalawigan ng Sorsogon. Kinilala ni PCol. Villamor Tuliao, district director ng Eastern Police District (EPD), ang suspek na si alyas “Buboy,” 39-anyos, at tinaguriang ika-7 sa most wanted persons ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Batay sa imbestigasyon, palaging pumupunta sa bahay ng suspek ang dalawang batang biktima upang makipaglaro sa anak nito. Sinamantala umano ng suspek ang pagkakataon at minolestya ang 8-anyos at ginahasa naman ang pinsan nitong 7-anyos. Nang mabuking…
Read More3 BATANG BABAE SEX SLAVE NG AMA
ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na ginawa umanong sex slave ang tatlo niyang anak na batang babae sa kanilang bahay sa Parañaque City. Ayon sa ulat ni NBI Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin kay NBI Director Jaime Santiago, inireklamo ng nakatatandang kapatid na lalaki ng mga biktima ang suspek noong Marso 6 hinggil sa pang-aabuso sa mga bata na may gulang na 11, 9 at 5. Ayon sa salaysay ng kapatid na lalaki, nagsimulang halayin ng kanilang ama ang magkakapatid noong taong…
Read More328 CORRECTIONS OFFICERS NAGTAPOS SA COCBC
MATAGUMPAY na natapos ng nasa 328 Corrections Officers ang kanilang Corrections Officer Custodial Basic Course (COCBC) sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Corrections National Training Institute (CNTI) Parade Ground sa New Bilibid Prisons, Muntinlupa City kahapon. Pinangasiwaan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang oath taking ng Class 2024-02 DASIG Tikas, which stands for “Disiplinadong Aksyon na may Sinsiridad at Integridad Gabay sa Tungkulin ng Institusyong Koreksyon at Alay sa Sambayanan – para sa Bagong Pilipinas.” Ang CNTI ay gumagawa ng kabuuang 1,008 graduates…
Read MorePRUTAS, KAMOTE NABIGYAN DIN NG CONFI FUNDS NI INDAY
HINDI lamang katunog ng tsitsirya at pangalan ng cellphone ang recipient o nakatanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte kundi prutas, kamote at isang gang. Ito ang natuklasan ng House prosecution panel na patuloy na sumusuri sa mga pangalan na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa Commission on Audit (COA) na recipient ng confidential funds ng Pangalawang Pangulo. “Una, may chichirya at cellphone. Ngayon, may prutas at kamote na. At higit sa lahat, mukhang ‘Dodong Gang’ na ito! Hindi lang…
Read MoreMarcos, iba pa, namumuro sa kaso GRAND CONSPIRACY SA ‘PAGDUKOT’ KAY DU30
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) POSIBLENG maharap sa kasong kriminal sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., National Security Adviser Eduardo Año, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at DILG Secretary Jonvic Remulla matapos ibunyag mismo ng huli ang kanilang partisipasyon sa paghuli at pagsurender kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ibang bansa. Ayon kay Atty. Raul Lambino, maituturing itong isang “grand conspiracy” kung saan sangkot mismo si Marcos Jr. at kanyang mga gabinete sa isang ilegal at planadong operasyon upang sapilitang alisin si Duterte sa bansa. Iginiit ni Lambino na mismong mga pahayag…
Read More