THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NGAYONG Fire Prevention Month, aktibong-aktibo ang Bureau of Fire Protection (BFP) at mga ka-partner ng ahensya, sa pagpapaalala sa publiko ng panganib na dala ng sunog at pagpapalaganap ng kaalaman para maiwasan ito. Sa kampanya ng BFP na tinatawag na “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa,” isinusulong ang mas pinaigting na mga programa at polisiya upang maprotektahan ang buhay, ari-arian, at kabuhayan ng bawat Pilipino. Sa ating bansa, ang buwan ng Marso ang itinuturing na “fire-prone” season dahil sa pagsisimula ng mainit na panahon,…
Read MoreAuthor: admin 3
PAG-PADLOCK SA OPISINA NI REP. NOGRALES PINAIIMBESTIGAHAN
NAALARMA at ikinabahala ni Rizal District IV representative Fidel Nograles ang ginawang pagpapasara sa kanyang tanggapan sa R&R Wet and Dry Market sa Greenview sa Barangay San Isidro, Montalban, Rizal noong nakaraang Marso 11, 2025. Si Congressman Nograles ay dumating sa kanyang district office upang makipag-ugnayan at alamin ang pangangailangan partikular ng mga senior citizen na nagtungo sa kanyang opisina, subalit nabigla siya nang makitang naka-padlock ang dalawang gate nito. Sa pagdating ni Nograles sa lugar ay agad niyang tinungo ang mga tao, lalo na ang mga nakatatanda na nakapila…
Read MoreFAKE NEWS IKINABABAHALA NG NAKARARAMING PINOY
LUMITAW sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group, may 59% ng mga Pilipino ang kinokonsidera ang paglaganap ng fake news sa social media na isang seryosong usapin, habang 20% naman ang nagsabi na hindi ito seryoso. May 21% ng mga respondent ang hindi sigurado ukol sa kabigatan o pagiging malala ng isyu. Samantala, 62% ng mga respondent ang nagsabi na ang usapin ng fake news sa mga pahayagan, radyo at telebisyon ay “seryoso,” habang 18% ay ipinagpapalagay na ito ay “not serious.” May 21% naman…
Read More100K WARAY NAGPAKITA NG SUPORTA KAY PBBM, ALYANSA
PAGPAPAKITA ng suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa mga kandidato sa pagkasenador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang pagdalo ng nasa 100,000 Waray sa campaign rally sa Tacloban City noong Biyernes. Iginiit naman ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isang anak ng Leyte at pangunahing kaalyado ni Pangulong Marcos, ang kahalagahan ng panalo ng mga kandidato ng Alyansa upang magpatuloy ang mga reporma ng administrasyon. “Ang pagkakaisang ipinakita ng ating mga kababayan dito sa Eastern Visayas ay patunay na buo ang suporta natin sa liderato ni…
Read MoreSURVEY: ERWIN TULFO NANGUNGUNA PA RIN
SI ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo pa rin ang nangunguna sa pagka-Senador base sa pinakabagong senatorial survey. Ayon sa Tugon Ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Pebrero 22-28, si Tulfo pa rin ang numero uno na may 100% na awareness at 66% na voting preference. Ang dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development ay patuloy sa pag-arangkada bilang top choice ng mga Pilipino. Patunay rito, ang pananatili niya sa mataas na ranggo sa iba pang naunang survey mula sa mga kilalang ahensya tulad ng Social…
Read MorePAGLABAS NG EO NI MARCOS PARA SA PAGTAAS NG ALLOWANCE NG SUNDALO, PINURI NI ROMUALDEZ
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglalabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Executive Order (EO) No. 84 upang ipatupad ang desisyon ng Kongreso na itaas ang subsistence allowance ng mga sundalo sa P350 kada araw mula sa P150. “This is a well-deserved increase for our brave and dedicated soldiers who tirelessly defend our country. It is a concrete manifestation of our commitment to improving their welfare and recognizing their sacrifices for our nation,” ani Speaker Romualdez, na nagsulong ng naturang dagdag na allowance para sa…
Read MoreFPJ PANDAY BAYANIHAN NANANATILING MALAKAS BATAY SA PULSE ASIA SURVEY
NAKUHA ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang suporta ng hindi bababa sa 2.86% ng mga rehistradong botante, batay sa pinakabagong Pulse Asia survey na isinagawa mula Pebrero 20-26, 2025. Ito ay nagbibigay ng katiyakan sa party-list ng dalawang upuan sa Mababang Kapulungan kung ginanap ang halalan sa panahon ng survey. Ang FPJ Panday Bayanihan partylist ay pinangungunahan ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado, Mark Patron, ikalawang nominado, at Hiyas Dolor, ikatlong nominado. Ang pinakabagong resulta ng survey ay nagpapakita ng kahanga-hangang pag-akyat ng FPJ Panday Bayanihan sa kagustuhan ng mga…
Read MoreHIRIT NA TRO NINA DIGONG, BATO TABLADO SA SC
SA isang burado nang post, hindi pinaboran ng Korte Suprema ang hiling nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bato dela Rosa sa pamamagitan ng kanilang mga abogado, na maglabas ng Temporary Restraining Order para pigilan ang pamahalaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC). Batay sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, denied ang prayer for TRO at petition for certiorari nina Duterte at dela Rosa. Inihain ang petisyon bago pa man makalipad ang dating Pangulo noong Martes ng gabi. Gayunman, pinagkokomento ng SC ang Respondents sa…
Read MoreEMPLEYADO BUKING SA TANGKANG PAGPUSLIT NG MARIJUANA
CAVITE – Hindi nakaporma ang empleyado ng isang cold storage facility nang mabuking sa tangkang ipasok na pinatuyong dahon ng marijuana sa bayan ng Carmona sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Hawak na ng Carmona Component City Police Station (CCPS ang suspek na si alyas “Rocky”. Ayon kay Margie Bautista, Lady guard ng METS Cold Storage sa Brgy. Bancal, Carmona City, nagsasagawa siya ng body search sa lahat ng mga pumapasok sa naturang kumpanya nang biglang nalaglag ang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuna mula sa bulsa ng pantalon ng suspek…
Read More