PARAYNOS HINDI NA PAPAYAGAN NG PNP, DILG NA MAKAPASOK SA URDANETA CITY HALL

BASE sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), hindi na papayagan makapasok sa city hall ang magpinsang Urdaneta City Mayor Julio Parayno Jr. at Vice Mayor Jimmy Parayno. Ito’y matapos kordonan ng mga tauhan ng PNP at DILG ang luma at bagong city hall ng Urdaneta City, Pangasinan para tiyaking hindi na makapapasok ang magpinsan sa city hall. Kaugnay ito ng kautusan ni DILG Secretary Jonvic Remulla kay DILG region 1 director Jonathan Leusen base sa desisyon ng Malakanyang na 1 year suspension laban sa magpinsan…

Read More

DPWH INURIRAT SA PAGBAGSAK NG TULAY SA ISABELA

HUMINGI ng sagot si Senador Alan Peter Cayetano sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung paano hinahawakan ng ahensya ang mga palpak na kontraktor, proseso ng inspeksyon, at iba pang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng publiko. “Hindi lang itong bridge ang pinag-uusapan natin dito. We don’t want faulty generalization here. We have to get to the bottom of this. Yung intention ng bridge na ‘to is to really transform the countryside. Gateway ito, napakagandang project, but now it’s a symbol of our failure as a government,” sabi…

Read More

4 TULAK NASILO SA P3-M SHABU

APAT na indibidwal na umano’y tulak ng ilegal na droga ang arestado sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4, at nasamsam ang mahigit P3 milyong halaga ng umano’y shabu sa Makiling Street, Barangay 497, Zone 49, Sampaloc, Manila. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Tisoy”, 32; “Moymoy”, 29; “JM”, 24, at “Loloy”, 25, pawang mga residente ng Sampaloc, Manila. Ayon sa ulat ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU, kay Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac,…

Read More

P340-M DROGA HULI SA 2 BIG TIME DRUG DEALERS

TINATAYANG umabot sa P340 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska mula sa dalawang hinihinalang big time drug dealers sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Muntinlupa City, ayon kay Usec. Isagani Perez, PDEA Director General, kahapon. Ayon kay PDEA Director Laurefel P. Gabales, chief, Public Information Office, inilunsad nitong Biyernes ng umaga ng magkasanib na puwersa ng PDEA at PNP ang buy-bust operation sa South Green Heights Village, Barangay Putatan, Muntinlupa City. Sa nasabing drug sting operation ng mga awtoridad,…

Read More

FEJODAP SUPORTADO SI ISKO

SUPORTADO ng malaking grupo ng transportasyon ang kandidatura ni dating mayor Isko Moreno -Domagoso at Chie Atienza para sa nalalapit na 2025 midterm election. Sinabi ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Rodelio Sotto, ang matatag na liderato, maayos na pamamahala, at dedikasyon sa publice service ang dahilan ng kanilang pagpapahayag ng suporta. “Nakita naman po natin na ang Maynila ay nawala na po ang gobyerno. Sala-salabat po ‘yung traffic sa kanto, ang Divisioria nagiging dugyot talaga,” ayon sa grupo. Nasaksihan din umano nila…

Read More

Sa ipinatupad na drug war RESPONSIBILIDAD NG PNP, AFP PANANAGUTAN NI DIGONG

DUMATING na ang sinasabing panahon na pananagutan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang responsibilidad ng mga tauhan ng Philippine National Police at maging ng Armed Forces of the Philippines sa inilunsad na war on drugs ng Duterte administration. Ayon kay FRRD sa kanyang facebook post, patuloy siyang magsisilbi sa bayan, naninindigang sa kanyang binitawang salita sa mga pulis at militar na gawin lamang nila ang kanilang trabaho at siya ang mananagot para sa kanila. Sa inilabas na Facebook video ng dating Pangulo bago siya lumapag sa The Hague: “For…

Read More

SOLIDARITY/PRAYER RALLY NG PRO-DUTERTE KASADO NGAYONG SABADO

MAGSASAGAWA ng malaking solidarity/prayer rally ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong Sabado ng hapon, Marso 15. Ang prayer rally para sa pagkakaisa ay isasagawa ng mga nakikisimpatya at mga tagasuporta ng dating pangulo mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang mga dadalo ay magtitipon-tipon at magmamartsa patungo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Magsasagawa rin ng motorcade patungo sa nasabing venue ngunit ang hindi makakasama sa motorcade ay pinayuhan na dumiretso na lamang sa Liwasan bandang alas-3 ng hapon. Samantala, pinaalalahanan ang mga makikiisa sa solidarity/prayer…

Read More

P4.5-M LOTTO JACKPOT IBINULSA NG TAGA-BULACAN

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya mula sa lalawigan ng Bulacan makaraang mahulaan nito ang winning combination ng 6D Lotto na binola, Miyerkoles ng gabi sa Mandaluyong City. Inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager, Melquiades Robles, na nahulaan ng mananaya ang winning combination na 05-08-01-06-07-04 na may premyong P4,522,085.00. Sinabi ni GM Mel Robles, na nabili ang maswerteng tiket mula sa Brgy. Matungao, Bulakan, Bulacan. Tatlong indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P40,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon ng 6D Lotto. (TOTO NABAJA) 273

Read More

HONEYLET HINDI NA KAKASUHAN NG PINUKPOK NA PULIS

KAMPO CRAME, Lungsod Quezon — Hindi na magsasampa ng kasong ‘direct assault’ ang miyembro ng Special Action Force (SAF) laban sa domestic partner ni dating presidente Rodrigo Duterte na si Cielito ‘Honeylet’ Salvador Avanceña. Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nilinaw na personal na desisyon ng nasaktang pulis dahil sa kanyang pananaw ay bahagi ang naganap sa hazard ng kanyang trabaho. Sa pagpapatupad ng arrest warrant kay Duterte mula sa International Criminal Court (ICC), napaulat na hinampas ni Avanceña ng kanyang cellphone ang…

Read More