HINDI dapat palagpasin ng ating mga kababayang overseas Filipino worker ang muling pagboto ngayong Mayo 12, 2025 para sa midterm election. Ang mga OFW ay nabigyan ng pagkakataon na makaboto online dahil sa ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) na Online Voting and Counting System o (OVCS). Ibig sabihin, maaari na silang bumoto kahit nasa loob lamang sila ng kanilang bahay o pinagtatrabahuhan. Sinabi ni 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap na kailangan makapag-enroll muna ang mga Pinoy worker na nakatira at nagtatrabaho sa ibang bansa para magamit…
Read MoreAuthor: admin 3
TRABAHO Partylist sa mga LaguNanay: WALANG IWANAN LALO NA SA KABABAIHAN
“WALA po dapat napag-iiwanan, lalung-lalo na ang kababaihan.” Ito ang hamong iniwan ni TRABAHO Partylist nominee Ninai Chavez sa kanyang kapwa kababaihan sa San Pedro, Laguna nitong ika-10 ng Marso. Kasabay ng National Women’s Month, ang mga binansagang “LaguNanay” o mga nanay ng Laguna ay nagdiriwang ng kanilang ika-7 anibersayo sa pangunguna ng kanilang kinatawan sa Kongreso, Ann Matibag. Pinuri ng TRABAHO ang programang ito ni Cong. Matibag dahil isa itong napakagandang halimbawa upang maipakita ang kakayahan at kahalagahan ng kababaihan sa ating mga lokal na pamayanan. Bukod sa mga…
Read MoreSOFRONIO, SINTUNADO SA SOCIAL MEDIA
BISTADOR Ni RUDY SIM HINDI ikinatuwa ng mga supporter ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang naging tono ng mang-aawit na si Sofronio Parojinog Vasquez III sa social media, kasunod ng patutsada nito sa pagkakaaresto ni Digong. “Deserve” ang unang lumabas sa official Facebook account ni Sofronio sa gitna ng pagsubaybay nating lahat sa mga makapigil-hiningang kaganapan noong Martes, na nauwi sa paghahatid sa dating pangulo sa hukuman ng ICC sa Netherlands. Hindi ito nakalusot sa mga netizen at agad umani ng batikos ang 32 taonggulang na singer para sa kanyang…
Read MoreSM North EDSA Busway Concourse!
Opisyal ng binuksan ang SM North EDSA Busway Concourse! Ang makabagong pasilidad na ito ay isang mahalagang interchange station sa EDSA, na nagbibigay ng mas madali at maayos na daan para sa iba’t ibang opsyon sa transportasyon at SM North EDSA. Ang proyektong ito ay mula sa Department of Transportation (DOTr) at SM Prime, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang Quezon City Government, ang concourse na ito ay naglalayong mapabuti ang karanasan sa pag-commute ng bawat mamamayan. 540
Read MoreHONEYLET KAKASUHAN SA PAMUMUKPOK SA PULIS
SASAMPAHAN ng kaso ng isang babaeng pulis na nakatalaga sa Special Action Force (SAF) ang common law wife ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Honeylet Avanceña. Sa isinagawang press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nakalabas na ng ospital ang policewoman at nagpapagaling na ito makaraang pukpukin ng cellphone sa ulo sa kasagsagan ng naganap na tensyon sa paghuli ng ICC sa dating pangulo. Kasong direct assault ang isasampa ng Philippine National Police (PNP) kay Avanceña. Nag-ugat ang insidente nang igilid…
Read MoreVLOGGER NA SI MAHARLIKA TATAMBAKAN NG KASO
WALANG sasantuhin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga vlogger at trolls sa social media na lumilikha ng pekeng balita at maling impormasyon. Partikular na tinukoy ni NBI Director Jimmy Santiago sa idinaos na Meet the Manila Press Forum sa Orosa St., Manila na sasampulan ng pangil nito ang bantog na vlogger na si Maharlika na walang puknat umano ang kalokohan gamit ang social media. Tiniyak ni Santiago na santambak na kaso ang sasalubong kay Maharlika sakaling dumating ito ng Pilipinas mula sa Amerika dahil sa pagpapakalat ng pekeng…
Read MoreNAWAWALANG SLOVAKIAN NATIONAL, NATAGPUANG PATAY SA AKLAN
NASA state of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng isang Slovakian National na nauna nang naiulat na nawawala sa Malay, Aklan. Kinilala ang biktima na si Michaela Mickova, 23-anyos, na natagpuang walang pang-ibabang saplot sa abandonadong chapel sa Brgy. Balabag, Malay, Aklan. Sa ngayon, ipinaalam na ng Malay Municipal Police Station ang pagkasawi ng dayuhan at tinitingnan kung ito ay hinalay. Nakipag-ugnayan naman ang mga awtoridad sa embahada ng Slovakia hinggil sa insidente at sa pamilya ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (TOTO NABAJA) 212
Read MoreDOJ RESOLUTION SA REKLAMO VS VP SARA DUTERTE, INAANTABAYANAN NG NBI
INAANTABAYANAN pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang desisyon ng National Prosecution Service sa inihain nilang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte. Ang pahayag ng NBI ay kaugnay sa binitiwang salita ni Vice President Duterte laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Sa “Meet the Press” forum, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago Jr., nasa kamay na ng DOJ prosecutors kung itutuloy sa preliminary investigation ang inihain nilang reklamo Maaari rin aniyang i-dismiss na lamang ng DOJ ang…
Read MoreTIRADOR NG PARCEL TIMBOG
ARESTADO sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, ang isang 25-anyos na jobless na tirador umano ng parcel, noong Miyerkoles ng gabi sa Remegio St., Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang mawalang parang bula ang dalawang sako ng parcel na dala ng biktimang si Mark Arejo, 25, isang delivery rider. Agad naman nitong ipinagbigay-alam ang insidente kay John Lerry Estacio, 31, supervisor ng Flash Express, na siyang nag-ulat sa tanggapan ng Alvarez PCP. Sa isinagawang imbestigasyon, namataan ng…
Read More