PASLIT SINAMPAL AT INIHAGIS NG AMA SA TRIKE

NA-TRAUMA ang isang 2-anyos lalaking paslit makaraang pagsasampalin at ihagis ng ama nito sa loob ng nakaparadang tricycle sa Ylaya Street, Barangay 4, Tondo, Manila, ayon sa naantalang report ng Manila Police District – Moriones Police Station 2. Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si alyas “Allan”, nahaharap sa kasong physical injury in relation to Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act). Ayon sa saksing 20-anyos na si Ruth De Castro, bandang alas-9:56 ng gabi, habang naglalakad siya nang mamataan ang paslit na…

Read More

NAG-VIRAL NA CHINESE ‘CAT KILLER’ ARESTADO

HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na nag-viral dahil sa pagtadyak sa isang pusa na ikinamatay nito sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City. Kinilala ang Chinese national na si Jiang Shan, 32, inaresto ng BI sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Palanan, Makati City dahil sa pagiging overstaying nito. Ayon sa datos ng BI, dumating si Jiang sa bansa bilang isang turista noong Mayo 2023 subalit hindi na ito nag-extend ng kanyang visa simula Setyembre 2023. Inaresto ng mga awtoridad si Jiang matapos…

Read More

P221K SHABU NASAMSAM SA TANZA, CAVITE

CAVITE – Mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam makaraang maaresto ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng street level individuals (SLIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza noong Miyerkoles ng gabi. Hawak na ng Tanza Municipal Police Station (MPS) ang suspek na si alyas “Christopher”, ng Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-9:35 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency at Tanza MPS sa Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite na nagresulta sa…

Read More

EU MAGDE-DEPLOY NG EOM SA PHL MAY 12 ELECTION

MAGPAPADALA ang European Union (EU) ng Election Observation Mission sa Pilipinas upang obserbahan ang midterm elections ngayong Mayo 12. Napagpasyahan ni High Representative/Vice President of the European Commission (HR/VP) Kaja Kallas na mag-deploy ng EU Election Observation Mission (EOM) para obserbahan ang midterm polls. Ang EU ang kauna-unahang na magpapadala ng EOM sa pamamagitan ng imbitasyon ng Commission on Elections (Comelec). Sinabi ng EU na ang hakbang ay nagmamarka ng mas matibay na relasyon ng EU at Pilipinas. Itinalaga ni Kallas si Marta Temido, miyembro ng European Parliament, bilang chief…

Read More

5 MAG-AAMA SUGATAN SA LABO-LABO NG 2 PAMILYA

BATANGAS – Limang kalalakihan na mag-aama ang sugatan makaraang masangkot sa labo-labo ng dalawang pamilya sa Brgy. Bayanan, sa bayan ng San Pascual sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktimang si Cristoper Sola Sr., at mga anak nitong sina Cristoper Jr., Ken, Carl, at Ian, pawang mga residente ng lugar. Ayon sa ulat ng San Pascual Police, bandang alas-9:20 ng gabi, habang ang tatay na si Christopher ay nasa kanilang talyer ay dumaan ang suspek na kinilala sa pangalang “Rommel Jr.” na sakay ng motorsiklo. Sinasabing lasing…

Read More

BATO SA PAG-ARESTO NG ICC KAY FPRRD: BETRAYAL TO THE MAX!

BINATIKOS ni Senador Ronald Bato dela Rosa ang katwiran ng administrasyon na obligasyon ng Pilipinas na makipagtulungan sa International Police Organization o Interpol kaya ipinatupad ang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Inakusahan pa ni dela Rosa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ipinagkanulo ang dating presidente sa International Criminal Court o ICC. “Betrayal to the max ang nangyari,” pahayag ni dela Rosa. Ipinaalala ni Dela Rosa na malinaw ang mga naging pahayag sa kanya noon ng Pangulo na hindi kailanman makikipagtulungan sa ICC kaya’t wala itong…

Read More

Bineberipika ng AFP MASS RESIGNATION NG MGA SUNDALO UMUGONG

NILINAW kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na unverified at hindi validated ang pinakakalat sa social media na mass resignation sa hanay ng mga sundalo bilang suporta sa inarestong dating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, “We urge everyone to exercise critical discernment and avoid spreading unconfirmed information”. “Maging mapanuri at responsable sa pagkuha at pagpapalaganap ng impormasyon, lalo na sa mga isyung maaaring magdulot ng pagkakawatak-watak.” Binigyang-diin ng tagapagsalita na ang Hukbong Sandatahan ay nananatiling propesyonal at tapat sa…

Read More

PINOY SA THE HAGUE: DU30 IBALIK SA PILIPINAS!

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGKAKAISA ang mga Pinoy sa Netherlands sa paggiit na maibalik sa Pilipinas si dating pangulong Rodrigo Duterte matapos itong hulihin dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC). Inabangan ng mga Pinoy ang pagdating ni Duterte sa The Hague Penitentiary Institution o Scheveningen Prison sa The Netherlands, Marso 12 (Miyerkoles sa Pilipinas). Sigaw nila, “Send him back”! habang inaawit ang Lupang Hinirang. Sa Pilipinas, patuloy ang pagtitipon-tipon ng mga tagasuporta ng dating pangulo sa ilang lalawigan. Kaugnay nito, iginiit kahapon ng Department of…

Read More

EXTENSION NG MRT OPERATION MAPUPURNADA

UMAPELA ang isang mambabatas sa Department of Transportation (DOTr) na huwag gamiting dahilan ang pagpalya ng escalator sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) para tablahin ang kahilingan ng mga commuter na palawigin ang operasyon nito kapag sinimulan na ang rehabilitasyon ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA). Sa halip, hiniling ni Akbayan party-list Representative Percival ‘Perci’ Cendaña sa kagawaran na magsagawa ng agarang pagsusuri sa operational system ng MRT-3 at ayusin ang mga dapat ayusin upang maiwasang magkaroon ulit ng aksidente. Ginawa ng mambabatas ang pahayag makaraang pumalya ang escalator sa…

Read More