INIREKLAMO ng pambubugbog ang isang bise-alkalde ng negosyante na nagpumilit dumaan sa checkpoint sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Laoag City.
Ayon kay Froilan Suniga, negosyante, ng Dumalneg, Ilocos City, pinagsusuntok siya at pinagsisipa ni Vice Mayor Francis Espiritu, ng nasabing bayan.
Kuwento ni Suniga, may dokumento siya mula sa Provincial Agriculture Office na nagbibigay pahintulot sa kanya na maglabas-pasok dahil essential goods ang kanyang negosyo.
Subalit, pagdating sa checkpoint ay bigla na lamang umano siyang sinalubong ni Espiritu ng mga suntok at sipa.
Sinabihan umano siya ng bodyguard ng bise alkalde na tumakbo pero sinundan pa rin siya ni Espiritu at pinagbantaan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulsiya sa nasabing insidente at sinisikap na rin makuha ang panig ni Espiritu. ANNIE PINEDA
283 