BATANG PIER SABAK AGAD SA 3 GAMES

MAKAPAGLALARO na muli ang NorthPort Batang Pier sa 2021 PBA Philippine Cup ngayong linggo sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Hindi agad nasalang ang NorthPort sa unang linggo ng pagpapatuloy ng elimination round sa Bacolor dahil sa health and safety protocols.

Ngunit wala pa rin games schedule ang San Miguel Beer at Alaska Aces, na nakansela ang nakatakdang paghaharap noong weekend.

Mayroong tatlong games ang NorthPort sa limang araw na iskedyul ng liga ngayong linggo. Sisimulan ito ng laro ng Batang Pier kontra Blackwater sa Huwebes, kontra TerraFirma sa Sabado, at kontra NLEX sa Linggo.

Huling laro ng Batang Pier ay noong pang ­Hulyo 30 sa Ynares Gym sa Pasig, nang matalo ito, 87-85, laban sa Barangay Ginebra.

Matatandaang na-postpone ang Alaska-SMB game noong Sabado  at  Meralco-Ginebra noong Linggo, alinsunod sa ipinatutupad na health protocols ng PBA.

Nitong Setyembre 1 lang naipagpatuloy ang 2021 PBA Philippine Cup, na nagsimula sa Ynares Gym sa Pasig ngunit pansamantalang natigil bago isailalim sa enhanced community quarantine ang National Capital Region at ilang probinsiya dahil sa mapanganib na Delta variant.

Ayon sa league guidelines, lahat ng teams ay kailangang sumailalim sa RT-PCR test tuwing Lunes. Kailangan din mag-antigen testing ang teams sa umaga bago ang nakatakda nilang laro.

Ang 2021 PBA Philippine Cup ay nasa “semi-bubble,” mas maluwag kumpara sa bubble set-up sa nakaraang season na nasa isang hotel lamang ang lahat ng teams.

Upang mas makatipid, ang mga koponan ay pinayagang pumili ng kanilang pansamantalang tutuluyan, kung saan nakihati sa gastusin ang players.

Tatlo rin ang practice venues para malayang makapag-ensayo ang 12 member teams.

308

Related posts

Leave a Comment