‘MAIL-ORDER BRIDE’ NASABAT SA NAIA

NAHARANG sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 21-anyos na babae na hinihinalang biktima ng mail-order bride scheme bago makaalis patungong Guangzhou, China. Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado mula sa mga opisyal ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), naharang ang pasahero bago pa man ito makasakay sa Cebu Pacific flight patungong Guangzhou. Nagpanggap umano ang babae na mag-aaral ng wika, ngunit natuklasang peke ang kanyang enrollment at may inaayos umanong kasal kapalit ng P50,000. Dinala ang pasahero sa Inter-Agency Council Against Trafficking…

Read More

AGARAN AT KOMPREHENSIBONG AKSYON LABAN SA RABIES, PANAWAGAN NI VILLAR

NANAWAGAN si Senator Mark Villar na magkaroon ng isang holistiko at matibay na tugon sa pamamagitan ng lehislasyon laban sa krisis sa rabies sa bansa. Sa kanyang privilege speech kaugnay ng Rabies Awareness Month, binigyang-diin ng mambabatas ang pagtugon higit pa sa pagpapalaganap ng kaalaman, tungo sa kongkretong solusyong medikal at beterinaryo. Ibinahagi ni Villar ang nakapanlulumong kuwento ni Jamaica Seraspe, isang batang estudyante na pumanaw matapos makagat ng asong gala. Ayon sa senador, “kinakatawan niya ang isang kritikal na puwang sa pampublikong kalusugan kung saan ang agarang atensyong medikal…

Read More

CEMENT MIXER GINAWANG TAGUAN NG P6.4-M SMUGGLED YOSI

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang cement mixer truck na ginawang taguan ng hinihinalang smuggled cigarettes na aabot sa P6.4 milyon sa Matanog, Maguindanao del Norte. Ayon kay PRO-BAR chief Jaysen de Guzman, nasita ang sasakyan sa routine checkpoint nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng driver at pahinante. Sa inspeksyon, tumambad ang libo-libong reams ng sigarilyo na nahulog mula sa drum ng mixer—na kalauna’y umabot sa 7,550 reams batay sa bilang ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Walang maipakitang dokumento ang driver, dahilan para agad…

Read More

17K PERSONNEL IDE-DEPLOY NG PCG SA SEMANA SANTA 2026

MAGDEDEPLOY ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 17,000 personnel sa buong bansa para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2026 upang masiguro ang kaligtasan at seguridad sa dagat sa gitna ng inaasahang pagdami ng mga pasahero sa dagat mula Marso 28 hanggang Abril 5, 2026. Inatasan ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan ang lahat ng Coast Guard Districts, Stations, at Substation na magtaas ng alerto at palakasin ang pagbabantay sa mga passenger vessel, pantalan, at nautical highways. Ipinag-utos din ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez…

Read More

JEEPNEY DRIVERS TUMANGGAP NG FUEL SUBSIDY SA LUCENA LGU

SINIMULAN nang gamitin ng mga jeepney driver sa Lucena City ang P3,000 fuel vouchers na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlungsod, bilang agarang tulong sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Sa unang araw ng implementasyon, naging maayos at organisado ang distribusyon at paggamit ng vouchers sa piling gasoline stations, sa pangunguna ng Task Force Road Order and Discipline, katuwang ang Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO. Ayon sa lokal na pamahalaan, direktang napakinabangan ng mga benepisyaryong driver ang subsidy na inilaan para matugunan ang kanilang…

Read More

TRUCK NAWALAN NG PRENO, 4 SUGATAN

QUEZON – Apat katao ang nasugatan makaraan ang nangyaring aksidente sa Maharlika Highway sa New Zigzag Diversion Road sa bayan ng Pagbilao sa lalawigan nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa paunang impormasyon, nawalan ng preno ang isang truck na bumabagtas sa pababang bahagi ng kalsada patungong Lucena City mula Atimonan. Dahil sa bilis ng takbo, sumalpok muna ang truck sa isang multicab na may kargang prutas na nakahinto sa gilid ng kalsada, bago ito bumangga sa puno ng niyog at tuluyang nahulog sa ilog sa Sitio Amao, Barangay Silangan Malicboy,…

Read More

PNP, ALL-OUT SA TRANSPORT STRIKE

NAGDEKLARA ng full alert ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ikakasang nationwide transport strike ngayong Huwebes, Marso 19. Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., paiigtingin ang presensya ng pulis sa urban areas upang matiyak ang kaayusan. Nanawagan din siya sa mga organizer, kabilang ang PISTON, na disiplinahin ang kanilang mga miyembro upang maiwasan ang tensyon. Kasabay nito, handa ang gobyerno na magpatupad ng Libreng Sakay Program para tulungan ang mga commuter na maaapektuhan. (TOTO NABAJA) 348

Read More

BJMP: WALANG VIP TREATMENT KAY REVILLA SA QC JAIL

ITINANGGI ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang alegasyong may special treatment si dating Sen. Bong Revilla Jr. habang nakakulong sa Quezon City Jail Male Dormitory. Ayon kay QCJMD warden Maria Lourdes Pacion, walang basehan ang ulat na may hiwalay na air-conditioned cell at “unlimited dalaw” ang dating senador. Iginiit ng BJMP na si Revilla ay nananatili sa kanyang itinalagang selda at sumusunod sa parehong patakaran tulad ng ibang persons deprived of liberty (PDLs). Tiniyak din ni BJMP-NCR Director Baby Noel Montalvo ang zero tolerance policy laban sa…

Read More

DOH: SAMA-SAMA SA LABAN VS TB “Light Up PH” ilulunsad sa Marso 24

HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na makiisa sa kampanya para tuluyang wakasan ang tuberculosis sa bansa. Panawagan ng ahensya sa mga komunidad at sektor na lumahok sa “Light Up PH para sa Pilipinas na tuberculosis-free,” kung saan sabay-sabay na magsisindi ng pulang ilaw sa Marso 24, alas-6 ng gabi. Layunin ng aktibidad na ipakita ang kolektibong determinasyon laban sa Tuberculosis, habang hinihikayat din ang paggamit ng energy-efficient lighting sa loob lamang ng limang minuto. (JULIET PACOT) 313

Read More