MAY sapat na batayan ang ikatlo at ikaapat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa House Committee on Justice, na nagbukas ng susunod na yugto ng proseso—ang pormal na pagdinig at pagsusuri sa mga ebidensya. Sa pagdedeklara ng “sufficient in grounds,” sinabi ni House Justice Committee Chairperson Gerville Luistro na tutuloy na ang komite sa “hearing proper,” kung saan ihaharap ng magkabilang panig ang kanilang mga testigo at ebidensya bilang bahagi ng pagtukoy kung may “probable cause” ang mga reklamo. Nakatakda ang mga pagdinig sa Marso…
Read MoreCategory: BALITA
AD HOC BODY PARA SA NATIONAL CONTINGENCY PLAN ITINUTULAK NI CAYETANO
ITINUTULAK ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pagbuo ng isang ad hoc committee sa Senado para mas mapaghandaan ng bansa ang malalaking krisis. Sa ilalim ng Senate Resolution No. 350, kasama sina Senate President Vicente Sotto III at Majority Leader Juan Miguel Zubiri, iminungkahi ang pagtatatag ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy o “PROTECT.” Layunin ng komite na suportahan ang panawagan ng Senado sa Executive Branch na bumuo ng komprehensibong National Contingency Framework at Plan, kasunod ng Senate Resolution No. 343. Ayon kay…
Read MoreLibreng sakay, discounts ilalarga FARE HIKE PINIGIL NI PBBM
SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakaambang taas-pasahe na dapat ipatutupad ngayong Marso 19 matapos itong aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Sa kanyang video message, iginiit ng Pangulo na hindi napapanahon ang dagdag-pasahe sa gitna ng krisis dulot ng tensyon sa Middle East. “Hindi ito ang panahon para magtaas ng pamasahe… kailangan patuloy ang pag-alalay sa commuters,” ani Marcos. Agad niyang inatasan ang Department of Transportation (DOTr) na i-defer ang fare hike at palakasin ang tulong sa transport sector. Kapalit nito, paiigtingin ang Libreng Sakay…
Read MoreCONTINGENCY PLAN PARA SA OFWs, ITINUTULAK NI CAYETANO
MANILA — Itinutulak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pagbuo ng isang national contingency framework upang maprotektahan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa gitna ng tumitinding global instability. Sa Senate Resolution No. 343, hinimok ni Cayetano ang Executive Branch na maglatag ng komprehensibong contingency plan para mapalakas ang kahandaan ng bansa sa malalaking krisis sa loob at labas ng Pilipinas. Ayon sa senador, direktang naaapektuhan ng mga armadong sigalot at pag-uga ng pandaigdigang ekonomiya ang kabuhayan at kaligtasan ng milyun-milyong OFWs, lalo na sa Middle East. Iginiit niya…
Read MoreP7.50-B ILEGAL NA DROGA NASAMSAM NG PDEA
NASA mahigit P7.50 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Customs (BOC), at iba pang ahensiya ng pamahalaan, sa loob ng nakalipas na linggo. Habang nasa 107 personalidad na sangkot sa droga ang naaresto sa loob ng masinsinang anti-narcotics campaign sa buong bansa. Mula Marso 6 hanggang 12,2026, nagsagawa ang mga operatiba ng PDEA, sa pakikipag-ugnayan sa PNP, AFP, BOC, at iba pang ahensiya, ng 85…
Read More100 PAMILYA NG OFWs SA MALOLOS TUMANGGAP NG P10K
BULACAN – Nagsimula nang makatanggap ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos, ang pamilya ng bawat overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Middle East na hindi makauwi at makapagpadala ng remittance. Nitong nakaraang Lunes ay pinangunahan ni Mayor Christian Natividad ang pamamahagi ng P10,000 financial assistance sa inisyal na 36 benepisyaryo na mayroong kaanak na nasa Middle East na apektado ng giyera at hanggang ngayon ay stranded at hindi pa nakauuwi at nakapagpapadala ng pera sa kanilang pamilya. Ayon kay Natividad, 64 pamilya pa ng mga Malolenyong OFW…
Read MoreNAWAWALANG PASLIT NATAGPUANG PATAY SA ILOG
CAVITE – Wala nang buhay nang iahon ang isang nawawalang 2-anyos na batang lalaki na hinihinalang nalunod sa ilog sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Isinugod pa sa Cavite Municipal Hospital, Maragondon ang biktimang si alyas “Jhyroz” ng Sitio Ligas, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa salaysay ng ina ng biktima na si Meralyn, bandang alas-5:00 ng hapon nang mapansin niyang nawawala ang kanyang 2-anyos na anak. Una niyang tinungo ang tabing ilog sa Maragondon River, Sitio Ligas, Brgy. Sabang…
Read MoreDOJ: Hindi iisang proyekto PLUNDER VS REVILLA, ESTRADA, CO LUMALAWAK
PATULOY na iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang plunder complaints laban kina dating senador Bong Revilla Jr., Jinggoy Estrada at dating kongresista Zaldy Co. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, ang kaso ay hindi nakabatay sa iisang proyekto lamang kundi sa pinagsamang serye ng mga proyekto. Iginiit ni Atty Martinez, sa ilalim ng batas kinakailangan ang ill-gotten wealth ay umabot sa hindi bababa sa P50 milyon upang masaklaw sa kasong plunder. Sinabi ng DOJ na ang mga proyektong tinutukoy sa reklamo ay matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan, kabilang…
Read More425 VOLCANIC QUAKES NAITALA SA MAYON
UMABOT sa 425 volcanic earthquakes ang naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na magdamag, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan, indikasyon ng mataas na posibilidad ng mapanganib na pagputok. Patuloy ang pagdaloy ng lava at naitala rin ang halos 396 rockfall events, habang may pagbuga ng usok na umabot sa 700 metro ang taas. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone, pati ang pagpapalipad ng aircraft sa ibabaw ng bulkan. Babala ng PHIVOLCS, posibleng magpatuloy…
Read More