BOC NAGBABALA SA PUBLIKO SA FABRICATED AT AI SOCIAL MEDIA POSTS

NAGBABALA ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko hinggil sa fabricated stories at misleading social media posts na gumagamit ng artificial intelligence o AI-generated content at hindi awtorisadong larawan ng mga BOC personnel para lumikha ng hindi totoo at nakasisirang narratives. Ayon sa BOC, ang mga mapanlinlang na materyales ay idinisenyo para iligaw ang taong bayan, gayahin o magpanggap na mga opisyal, at wasakin ang tiwala sa kawanihan. Mariing itinanggi ng BOC ang kumakalat na Facebook post ng “SAY – Story Around You,” hinggil sa umano’y customs officer na nagtangkang…

Read More

PLUNDER VS ZALDY CO, BONG REVILLA, JINGGOY – DOJ

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na kasalukuyan nitong iniimbestigahan ang tatlong kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sangkot sa mga kaso sina dating Congressman Zaldy Co, dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., at Senador Jinggoy Estrada. Sinabi ng DOJ na nagsimula na ang preliminary investigation noong Enero 5, kabilang ang mga reklamo sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct for Public Officials. Nilinaw ng DOJ na ang mga plunder case…

Read More

LALAKING MAY WARRANT NAHARANG SA NAIA

NAHARANG sa NAIA Terminal 3 ang isang lalaking pasahero na patungo sanang Hongkong matapos matuklasang may nakabimbin siyang warrant of arrest na halos 12 taon na. Inaresto ang suspek nitong Martes ng hapon ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) matapos beripikahin ng Bureau of Immigration (BI) na may warrant siyang inilabas ng Quezon City RTC Branch 125 noong Setyembre 26, 2014 sa kasong Malversation of Public Property. May nakalaang P40,000 piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Police Station-3.…

Read More

P81.6M SHABU NASABAT SA HVI SA PASAY

NASABAT ng mga operatiba ng Pasay City Police Station ang humigit-kumulang 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P81.6 milyon mula sa isang high-value individual (HVI) sa isang intelligence-driven operation sa Seaside Boulevard, Barangay 76, Pasay City nitong Martes ng gabi. Dakong alas-11:00 ng gabi ng Enero 13, 2026, ikinasa ng mga tauhan ng Sub-Station 10 (MOA) ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa PDEG-SOU 3 sa pamamagitan ng confidential informant. Inaresto ang suspek na si alyas “Farhanie,” 26-anyos, matapos makumpiska mula sa kanya ang dalawang eco-bag na naglalaman…

Read More

AIR QUALITY MONITORING SENSOR IPINAKALAT SA MAYNILA

BILANG bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaang lungsod ng Maynila na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at mapanatiling malinis at ligtas na lugar, naglagay ito ng mga air quality monitoring sensor sa ilang bahagi ng lungsod. Pinangunahan ng Department of Environment and Public Services, katuwang ang City Electrician’s Office, ang pagkakabit ng apat na air quality monitoring sensor. Partikular itong ikinabit sa Anda Circle, sa tapat ng San Sebastian Residences, Sta. Ana Hospital, at malapit sa isang supermarket sa Tayuman. Magbibigay ng real-time data ang mga sensor upang masuri…

Read More

HIGH GRADE MARIJUANA NASAMSAM NG PDEA AT BOC

PAMPANGA – Tinatayang nasa P1.07 milyong ang halaga ng high grade marijuana o kush ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs noong Miyerkoles ng umaga sa isang parcel sa Port of Clark sa lalawigan. Ang parcel, na naka-label bilang “Cruxdenim Reinforced Seat Trail Jeans” mula Los Angeles, California, ay na-flag sa routine profiling ng Bureau of Customs. At nang idaan ito sa pagrerekisa ng PDEA agents at anti-drug sniffing dogs ay nakumpirma ang presensya ng droga sa nasabing kontrabando. Sa 100 percent…

Read More

NANUNGKIT NG MANGGA, SEKYU NAKURYENTE

CAVITE – Nasawi ang isang 25-anyos na security guard makaraang nakuryente habang nanunungkit ng bunga ng mangga sa isang playground area sa loob ng isang subdibisyon sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat, walang buhay na natagpuan ang biktimang si alyas “Francis”, ng Brgy. Molino VI, Bacoor City, sa itaas ng puno ng mangga. Ayon sa salaysay ni alyas “Gallardo”, isang retiradong seafarer, nakarinig siya ng malakas na pagsabog na hinihinalang dulot ng power line explosion kasunod ng pagkawala ng kuryente sa lugar bandang alas-2:00 ng hapon.…

Read More

P2.5-M MODIFIED MUFFLERS SINIRA NG BULACAN PNP

UMABOT sa 1,654 mufflers na nagkakahalaga ng mahigit P2.5 milyon, ang sinira ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa isinagawang Ceremonial Destruction of Confiscated Open Pipe/Modified Mufflers sa Camp General Alejo S. Santos, Malolos City. Pinangunahan ni PCol. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, kasama si Governor Daniel R. Fernando at ng lahat ng chief of police sa mga lungsod at munisipalidad, ang naturang pagwasak sa nakumpiskang mga tambutso na nagdudulot ng noise pollution. “We congratulate the effort and fastest action of Bulacan Police Provincial Office (PPO) for this…

Read More

BULKANG MAYON NAGBUGA NG LAVA AT MGA BATO

NAGBUGA ng lava at mga bato ang Bulkang Mayon sa gitna ng patuloy nitong pag-aalboroto, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, Enero 15, 2026. Ayon sa Phivolcs, nananatiling Alert Level 3 ang bulkan matapos maitala ang lava effusion, 207 rockfall events, at pagbuga ng puting usok na umabot sa 800 metro ang taas mula sa bunganga. Muling pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang walang ingat na pagpasok sa…

Read More