3 SUGATAN SA TUMAGILID NA TANKER TRUCK

TATLO ang sugatan matapos na tumagilid ang isang tanker truck na may kargang glucose na gagamitin sa paggawa ng mga kendi, sa Ramon Magsaysay Blvd. sa Maynila nitong madaling araw ng Martes, Enero 13. Ayon sa paunang imbestigasyon, ang truck ay papaliko sa kanan mula sa NLEX Connector patungo sa Ramon Magsaysay Blvd. bandang alas-3 ng madaling araw nang biglang tumagilid dahil umano sa pag-aalangan ng driver, dahilan upang mawalan ng balanse ang sasakyan. Tatlong indibidwal ang nakatanggap ng agarang tulong medikal mula sa mga responder ng Manila Disaster Risk…

Read More

P13.6-M SHABU NASABAT SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE

NASA dalawang kilo ng crystal meth o shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang hinihinalang mga bigtime drug dealer sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Quezon Memorial Circle, Brgy. Central, Quezon City noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, bandang alas-9:00 ng gabi, naglunsad ng buy-bust operation ang PDEA Intelligence Service katuwang ang PDEA Regional Office–NCR at PNP-Drug Enforcement Group NCR. Dito na nasamsam ng mga awtoridad mula sa dalawang drug…

Read More

Posibleng may buhay pa sa ilalim DEATH TOLL SA GUMUHONG TAMBAKAN NG BASURA: 11

UMAKYAT na sa 11 ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng Binaliw sanitary landfill sa Cebu City, ayon sa Philippine National Police–Police Regional Office Central Visayas (PRO-7) nitong Martes ng umaga. Ito ay makaraang mahukay mula sa guho ang tatlong bangkay ng mga babae. Batay sa datos ng PRO-7, nasa 25 katao pa ang pinaniniwalaang nasa ilalim ng gumuhong tambakan ng basura, habang 18 naman ang naiulat na nasugatan sa insidente. Ayon kay Cebu City Councilor David Tumulak, pinuno ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council, dalawang…

Read More

TUYO VENDOR SINAKSAK NG KAPITBAHAY SA ‘RIGHT OF WAY’

LUCENA CITY – Isinugod sa ospital ang isang 39-anyos na tindera ng tuyo matapos pagsasaksakin ng kapitbahay sa loob ng Dalahican Fish Port Complex sa Barangay Dalahican sa lungsod. Ayon sa ulat ng Lucena City Police, tinamaan ng mga saksak ang biktima sa balikat, braso, leeg, mukha, ulo at kanang bahagi ng tiyan. Batay sa paunang imbestigasyon, hinintay umano ng suspek ang biktima sa loob ng fish port at walang habas itong inundayan ng saksak habang nakaupo katabi ang ilang mga trabahador sa pantalan. Lumabas sa pagsisiyasat na ang motibo…

Read More

P105.5-M PUSLIT NA YOSI NASAMSAM SA BATAAN

BATAAN – Tinatayang mahigit P105 milyong halaga ng puslit na mga sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa isang compound sa Brgy. Santa Isabel, Dinalupihan sa lalawigan noong Enero 9. Ayon sa BOC, kargado ng humigit-kumulang 1,030 Master cases ng sigarilyo ang 12 sasakyan sa loob ng compound na may tatak na Modern, RGD, Nise Baisha, HP, Power, Carnival, Playboy at President. Ayon sa paunang imbestigasyon, mula umano sa China, Vietnam at Korea ang mga produkto at planong ipakalat sa Regions II at III. Binigyang-diin ni Nepomuceno na…

Read More

REMULLA KUMAMBYO SA EXTRADITION VS ZALDY CO

BINAWI ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang nauna nitong pahayag na iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pag-apply ng formal application para sa extradition treaty sa Portugal kaugnay ng pag-aresto sa dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Sa phone interview ng mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC), nilinaw ni Remulla na pag-aaral pa lamang ang direktiba ng Pangulo. “Let me clarify. The President instructed to study the possibility of applying for extradition of Zaldy Co with Portugal. Pinag-aaralan pa namin kasi ang magulo dito ay…

Read More

Solon sa panibagong VP Sara impeachment PANAGUTIN MUNA SI ZALDY CO

IGINIIT ni Navotas Rep. Toby Tiangco na kung may unang dapat panagutin ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa usapin ng katiwalian, ito ay si dating congressman Zaldy Co at hindi ang ibang indibidwal. Ito ang pahayag ni Tiangco sa gitna ng ulat na nakatakdang sampahan muli ng impeachment complaint si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kwestiyonableng paggastos sa kanyang confidential funds. “Kung sa araw na kami ay magdedesisyon at wala pang napapanagot na big fish doon sa House of Representatives, halimbawa ay hindi pa napapanagot si Zaldy Co, para…

Read More

HERNANDEZ AT MENDOZA ‘DI TINANGGAP SA WPP – DOJ

HINDI kailanman tinanggap sa Witness Protection Program (WPP) sina dating DPWH-Bulacan engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza. Ito ang paglilinaw ng Department of Justice (DOJ), kasabay ng iginiit na hindi rin sila mga covered witness o provisionally admitted sa nasabing programa. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, ang tanging mga dating opisyal ng DPWH na provisionally admitted sa WPP ay sina dating DPWH Engineer Henry Alcantara at dating DPWH–NCR Regional Director Gerard Opulencia. Ang dalawa ay una nang nagsauli ng milyun-milyong pisong sinasabing nakulimbat mula sa maanomalyang flood control…

Read More

MGA BUMIBILI NG NAKAW NA METRO NG KURYENTE, TIMBOG SA OPERASYON NG PNP-CIDG AT MERALCO

Timbog sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Meralco ang mga indibidwal na sangkot sa pagbili ng mga nakaw na metro ng kuryente sa Soler Street sa Maynila, nitong Martes, Enero 13. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP, natunton ang mga suspek matapos ang serye ng surveillance katuwang ang Meralco. Nasabat ang mga nakaw na metro ng kuryente sa isinagawang operasyon. Kuwento ng pulisya, modus ng mga suspek ang magnakaw ng mga metro ng kuryente para muling ibenta online. Nauna…

Read More