IMPORMASYON SA PAGPATAY SA MAG-AMA, HILING NG BATANGAS POLICE

BATANGAS – Nanawagan ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa publiko na tumulong sa pagbibigay ng impormasyon upang matukoy at maresolba ang pamamaril na kumitil sa buhay ng mag-ama sa bayan ng Nasugbu sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Hinimok ni Batangas Police Provincial Director PCol. Geovanny Emerick Sibalo ang publiko na magbahagi ng anomang impormasyon sa BPPO o direkta sa Nasugbu Police Station, at tiniyak na mananatiling confidential ang lahat ng ibibigay na detalye upang agarang makamit ang hustisya para sa mga biktima. Ayon sa ulat, sakay ang mga…

Read More

Sa kanselasyon ng pagbili ng Mi-17 helicopters sa Russia ‘PAMUMUWERSA’ NG US KAY BBM ITINANGGI NG AFP

NAGBABALA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko hinggil sa mali at malisyosong pahayag hinggil sa pinalilitaw na pamumuwersa umano ng United States of America kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para ibasura ang kontrata ng defense department sa Russia. Sa ipinalabas na mensahe kahapon ng AFP, binalaan nito ang publiko na huwag paniwalaan ang FALSE claims na inihayag ng ilang indibidwal na ipinaskil sa Asian Century PH, na nagsasabing pinuwersa ng U.S. si Pangulong Marcos para kanselahin ang pagbili ng Mi-17 helicopters mula sa Russia.…

Read More

DOJ RULING ‘FLAWED AND UNFAIR’ β€” ATONG ANG COUNSEL

BINATIKOS ng kampo ni Charlie “Atong” Ang ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na sampahan siya ng kaso kaugnay ng umano’y pagkawala ng ilang sabungero. Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, ang resolusyon ng DOJ ay “malubhang depektibo at lubhang hindi makatarungan”, puno ng factual gaps at malalaking inconsistency, at may malinaw na bias. Nakabase lamang umano ito sa “sira at kwestiyonableng testimonya” ng isang saksi na aniya’y “wala nang kredibilidad.” Posible umano silang maghain ng motion for reconsideration para ipa-reverse ang desisyon. “It is unfortunate that the DOJ has…

Read More

ANTI-DYNASTY AT PARTY-LIST OVERHAUL NA ITINULAK NI PBBM SUPORTADO NI GOITIA

IPINAKITA ni Pangulong Bongbong Marcos na mas inuuna niya ang bayan kaysa pulitika matapos hingin sa Kongreso na unahin ang malalaking reporma na matagal nang hinihingi ng publiko. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang panawagan ng Pangulo ay sentro sa apat na isinusulong na reporma: anti-dynasty bill, pag-aayos sa party-list system, pagbuo ng Independent People’s Commission, at mas malinaw na access sa gastos ng gobyerno. “Ang pagpaprayoridad sa mga repormang ito ay paanyaya sa publiko na maniwala muli. Ipinapakita nitong handa ang Pangulo na ayusin ang matagal…

Read More

REP. BRIAN POE TAMPOK SA ICARE2025: Digitalization at Transparency sa Gobyerno, Tinalakay

QUEZON CITY – Tampok ngayong Martes, Dec. 9, sa Interdisciplinary Conference on Accountability, Reform, and Engagement 2025 o ICARE 2025 si FPJ Panday Bayanihan Party-List Rep. Brian Poe, kasama sina dating COA Commissioner Heidi Mendoza, Office of the Ombudsman Deputy Special Prosecutor Atty. Leila Bernadette Cabras, at UP NCPAG Professional Lecturer Dr. Edna Co, sa isang makabuluhang panel discussion tungkol sa accountability at transparency sa pamahalaan. Sa kanyang pananalita, binigyang-diin ni Rep. Poe ang mga hamon na kinahaharap sa pagbabantay sa mga ginagawa ng pamahalaan. “One of the things that…

Read More

5-DAY WELLNESS LEAVE SA GOV’T EMPLOYEES APRUBADO SA CSC

MAGKAKAROON ng karagdagang bakasyon ang lahat ng empleyado ng gobyerno matapos aprubahan ng Civil Service Commission (CSC) ang limang araw na Wellness Leave, alinsunod sa Republic Act 11036 o Mental Health Act. Isinapubliko kahapon ang CSC Resolution No. 2501292 na nagsasaad ng mga probisyon sa Joint Administrative Order No. 2023-000 ng Department of Labor and Employment at Department of Health na naglalayong isulong ang mental health sa mga lugar ng trabaho. Ayon sa komisyon, tugon ito sa 2025 Global Workplace Report na nagpapakita na kabilang ang mga Pilipino sa may…

Read More

Panukala i-certify muna PBBM HINAMON PATUNAYAN NA SERYOSO SA ANTI-DYNASTY

HINDI nakaramdam ng excitement ang ilang mambabatas sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iprayoridad ng Kongreso ang apat na panukalang batas, kabilang ang anti-political dynasty bill, hangga’t hindi niya ito sertipikahan bilang urgent. Sa magkakahiwalay na pahayag, hinamon nina Akbayan party-list Rep. Perci CendaΓ±a, Kabataan party-list Rep. Renee Co, at Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima si Marcos na patunayan ang kanyang sinseridad sa pamamagitan ng paglalagay ng sertipikasyon sa mga panukala. “The President should show his sincerity. Hindi sapat na ‘i-prioritize’ lang. He should…

Read More

Sigaw ng Manibela: PAYOLA SA LTO, LTFRB UGAT NG ‘PARALISADONG NCR’

KULTURA ng payola at talamak na kotong sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) umano ang dahilan kung bakit huminto ang biyahe ng libo-libong jeepney ngayong Martes, Disyembre 9, hanggang sa ika-11. Ayon sa transport group na Manibela, hindi modernization lang ang problema dahil “kayabangan” at katiwalian sa ahensya ang tunay na nagpapahirap sa mga tsuper. Sa social media posts ng grupo, mababasa ang: “Walang bumiyaheng Jeep, Paralisado ang NCR!” Giit nila, minamaliit ang jeepney driver, kahit ito ang bulsa-friendly na masasandalan ng ordinaryong…

Read More

Naggalit-galitan sa imbestigasyon, mga ‘kasabwat’ pala BICAM SIGNATORIES SA P60-B PHILHEALTH FUNDS RAID PANAGUTIN

IGINIIT ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na panagutin ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee (Bicam) na lumagda sa 2024 national budget, dahil sila umano ang nagbukas ng daan para maalis ng MalacaΓ±ang ang P60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Inilabas ng grupo ang pahayag kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na idineklarang unconstitutional ang paglilipat ng naturang pondo, kaya nararapat umanong managot ang mga responsable sa nasabing probisyon. “Sino ang dapat managot sa illegal transfer ng P60B PhilHealth funds? The answer is clear:…

Read More