KADIWA STORES TARGET GAWING PERMANENTE

TINITINGNAN ng administrasyong Marcos na gawing permanente ang Kadiwa stores, kung saan makabibili ang publiko ng murang agricultural products. Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy ang pagtatatag ng Kadiwa Centers sa buong bansa, tinukoy ang pagiging epektibo ng naturang programa. “Nagsilbing kaagapay ng taong-bayan ang Kadiwa sa panahon na mataas ang presyon ng pagkain. Dahil naging epektibo ito, ang mga Kadiwa Centers ay magpapatuloy pa,”ayon sa Pangulo. “Katuwang ang mga lokal na pamahalaan, dinagdagan pa natin ang mga Kadiwa…

Read More

Pinaiimbestigahan sa PNP ABALOS UMARAY SA ‘POLVORON’ VIDEO NI MARCOS

(CHRISTIAN DALE) “PEKE, malisyoso”. Ganito inilarawan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang viral video na nagpapakitang gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “I’m asking our chief PNP, General Marbil, together with General Baccay and, of course, General Cariaga to immediately create a task force to probe this issue. Talagang imbestigahan nila maigi ito,” ayon kay Abalos. Ipinag-utos din nito sa PNP na makipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT). At nang tanungin kung ano ang ginagawa ni Pangulong Marcos sa video, ang tugon ni…

Read More

Babala ni former ES Rodriguez GIYERA MAGDUDULOT NG MANGMANG NA HENERASYON

NANGANGAMBA si dating Executive Secretary Victor Rodriguez sa idudulot ng giyera sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ani Atty. Rodriguez, sakaling mauwi sa digmaan ang girian ng Pilipinas at China, magiging dahilan ito para magsara ang mga paaralan. Aniya, hindi na ligtas ang mga Pilipino sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa nakaambang giyera laban sa China. “You and I are no longer safe, our families are far from being safe, our country is not safe anymore because this administration brought us to where we are now on…

Read More

MARCOS INIUTOS TOTAL BAN SA POGO

“EFFECTIVE today, all POGOs are banned.” Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Complex, Lungsod ng Quezon. Para sa Pangulo, kailangan ng itigil ang panggugulo ng POGO sa lipunan at paglapastangan sa bansa. “The grave abuse and disrespect to our system and laws must stop,” ayon kay Pangulong Marcos. Inatasan din ng Pangulo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ng ‘tight deadline’ para i-wind down ang kontrobersiyal na POGO activities bago matapos ang taon. Tila binuksan kasi ng…

Read More

SURVEY NG KAPULISAN KINONDENA NG LOCAL OFFICIALS NG MABINI, BATANGAS

KINONDENA ng mga lokal na opisyal ang isinasagawa umanong “survey” ng pulisya sa bayan ng Mabini, Batangas kung saan tinatanong ang mga elected local barangay official kung kanino sila kumakampi sa kasalukuyang pulitika ng bayan. Nagdulot ang nasabing survey ng kontrobersya at agam-agam sa mga opisyal at mamamayan ng Mabini. Hayag na magkalaban sa pulitika sa nasabing bayan ang pamilya ng nakaupong si Mayor Nilo Villanueva at ang kontra partido nilang si dating Mayor Noel Luistro. Nagdudulot ng pangamba ang nasabing survey dahil tila pamumulitika ito ng kapulisan sa ilalim…

Read More

PAGCOR NAGKALOOB NG P10-M AGRICULTURAL MACHINERIES SA BULACAN

LUNGSOD NG MALOLOS – Sampung milyong pisong halaga ng mechanized farming equipment kabilang ang dalawang unit ng combined harvester at limang unit ng mini-4-wheel tractors, ang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan (PGB) mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa ginanap na turn over ceremony sa harap ng provincial capitol noong Huwebes, Hulyo 18, 2024. Pormal na ibinigay ni PAGCOR Chairman at Chief Executive Officer Alejandro H. Tengco kay Gobernador Daniel Fernando ang P10-M halaga ng nasabing mga makinarya. Ang mga makinarya na ito ay pamamahalaan ng PGB…

Read More

PEDESTRIAN SINURO NG MOTOR, PATAY

AGAD nalagutan ng hininga ang isang lalaki makaraang mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa panulukan ng Honorio Lopez Boulevard at E. Rodriguez Street sa Tondo, Manila noong Sabado ng madaling araw. Tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 anyos ang hindi pa kilalang biktima. Samantala, nasugatan naman ang nakabanggang motorcycle rider na si John Paul Paed, nasa hustong gulang, residente ng Tangos, Navotas City. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne, sa pangangasiwa ni Police Major Jaime Gonzalez, hepe ng Vehicle Investigation Traffic Section (VITS) ng Manila District Traffic…

Read More

PINOY MANININGIL SA PAMBUBUDOL NI BBM

(BERNARD TAGUINOD) PATULOY na binubudol ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sambayanang Pilipino kaya dapat maningil na ang mamamayan. Ito ang iginiit ng kababaihang magsasaka na kabilang sa mga magsasagawa ng malakihang kilos protesta kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Marcos ngayong araw. “Dapat singilin si Marcos sa patuloy na pambubudol nito sa mamamayang Pilipino na diumano bababa ang presyo ng bigas. Hanggang ngayon, walang P20 kada kilong bigas,” ani Cathy Estavillo, Secretary General ng Amihan. Unang ipinangako ni Marcos noong panahon ng kampanya na…

Read More

Gov’t agencies pagpapaliwanagin PONDO NG PHILHEALTH PARA SA PILIPINO HINDI SA PANGULO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINAG-AARALAN ng Philippine Medical Association na iakyat sa Supreme Court (SC) para kuwestiyunin ang legalidad ng paglilipat ng halos P90-B na sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury. Sa press briefing noong Biyernes, binigyang-diin ng grupo ng mga manggagamot na hindi makatwiran ang paglilipat ng nasabing pondo dahil ito’y para sa mga Pilipino. “This is for all the Filipinos who are automatically covered by the Universal Health Care Law,” ayon kay Dr. Bu Castro, past president ng Philippine Medical Association (PMA). Anila, hindi natugunan ng PhilHealth…

Read More