KINUMPIRMA kahapon ng Bureau of Customs na hawak na nila ang labing-apat na mamahaling sasakyan ng mag-asawang government contractors na sina Sarah at Curlee Discaya kasunod ng isinagawang pagsalakay sa isa nilang tanggapan sa Pasig City, kabilang dito ang 12 luxury vehicles na pakay ng inisyung search warrant ng Manila Regional Trial Court Branch 18. Sa panayam kay Custom Commissioner Ariel Nepomuceno, inihayag nitong hindi nila titigilan ang paghanap at pagbusisi sa mga mamahaling sasakyan na nakapangalan sa mag-asawang Discaya kasunod ng nakalap na ulat na humigit-kumulang sa 12 sasakyan…
Read MoreCategory: BALITA
TULFO, FRENCH AMBASSADOR TINALAKAY TRANSPO AT INFRA PROJECTS SA PALAWAN
NAKIPAGPULONG si Senador Erwin Tulfo kay French Ambassador Marie Fontanel noong Setyembre 2 upang talakayin ang posibleng pamumuhunan ng France sa transportasyon, imprastraktura, at turismo sa Pilipinas, partikular sa Palawan. Binigyang-diin ni Tulfo ang hakbang ng pamahalaan na pagandahin ang ease of doing business at inihayag ang plano niyang repasuhin ang mandato ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) upang makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan. Kabilang sa mga ideyang natalakay ang pagtatayo ng shipyard, railway system, at expressway mula hilaga hanggang timog ng Palawan. Ayon kay Fontanel, mas madali na ngayon…
Read MoreP8-B FIREARM PURCHASE NG DILG-PNP IIMBESTIGAHAN NG KAMARA
IIMBESTIGAHAN ng Kamara ang resolusyon ng DILG at PNP para bumili ng P8 bilyong baril kahit wala sa pondo. Plano ng House committee on public order and safety na silipin ang kontrobersyal na resolusyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kaugnay ng planong pagbili ng P8 bilyong halaga ng baril kahit wala itong pondo. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, chairman ng National Unity Party (NUP), na hiniling ng kanilang grupo kay Manila Rep. Rolando Valeriano,…
Read More2026 NEP PINABABALIK SA DBM
IPINABABALIK ng mga lider ng iba’t ibang partido sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2026 National Expenditure Program (NEP) sa Department of Budget and Management (DBM) matapos lumutang ang mga kwestiyonableng alokasyon, hindi lamang sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kundi maging sa iba pang ahensya ng gobyerno. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni National Unity Party (NUP) chairman at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno na nagpasya silang irekomenda ang pagbabalik ng NEP, kasama ang mga lider mula sa Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC) at iba pang…
Read MoreDISCAYAS HAHARAPIN MGA IMBESTIGASYON – ABOGADO
NAKAHANDA ang pamilya Discaya na harapin ang lahat ng imbestigasyon na isinasagawa ngayon kaugnay sa mga kontrobersya sa flood control projects. Sa pulong balitaan, tiniyak ni Atty. Cornelio Samaniego lll, tagapagsalita ng pamilya Discaya, buo ang kanilang kooperasyon lalo pa’t walang itinatago ang kanyang kliyente. Ayon pa kay Atty. Samaniego lll, patunay rito ang pagdalo ng kanyang kliyente sa mga pagdinig ng Senado maging ang pagprisinta sa luxury vehicles na hinahanap ng Bureau of Customs. Nakalulungkot lang umano na sa labing limang mga kontraktor na pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos,…
Read MoreP476-M DROGA SA BALIKBAYAN BOX, NASABAT SA TONDO WAREHOUSE
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang halos kalahating bilyong halaga ng umano’y shabu na nakasilid sa balikbayan box na aabot sa halos P476 milyon ang halaga. Ayon sa BOC, may timbang na 70 kilo ang hinihinalang shabu na nasabat sa isang bodega ng LBC sa Manila Multi-Purpose Terminal sa Vitas, Tondo, Manila. Inihalo ang ilegal na droga sa ibang mga produkto at kagamitan na nagmula pa sa Long Beach California. Ang nasabing shipment ay naka-consign sa isang tirahan sa Bacoor, Cavite. Nagbabala naman si Customs Commissioner…
Read MoreILOCOS NORTE NIYANIG NG MAGNITUDE 4.5 EARTHQUAKE
BAGO magtanghali nitong Martes, niyanig ng magnitude 4.5 earthquake ang dagat malapit sa Ilocos Norte, ayon sa ulat na isinumite sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ng tanggapan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon. Sa ibinahaging datos ng Phivolcs, naramdaman ang pagyanig bandang alas-10:29 ng umaga at natukoy na tectonic origin ang ugat ng paglindol na may lalim na 10 kilometro. Natukoy naman ang epicenter ng lindol may 29 kilometro ng hilagang kanluran ng Pagudpud, Ilocos Norte. Walang inaasahang malakas na aftershock na mararanasan ang…
Read More5 SENIORS, 6 IBA PA SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN
CAVITE – Sugatan ang 11 indibidwal na kinabibilangan ng limang senior citizens at kabilang sa mga pasahero ng apat na sasakyang nagkarambola nang banggain ng driver ng isang Isuzu truck van habang nakatigil sa stop light sa bayan ng Silang noong Lunes ng umaga sa lalawigan. Pawang nilalapatan ng lunas sa Silang Medical Specialist at Estrella Hospital ang mga biktimang sina alyas “Roderick”, 63; “Rene”, 59; “Cecilia”, 92; “Emelita”, 81; Josefina, 86; “Arvin”, 27, driver ng Nissan Terra; “Armine”, 58; Faustino, 46, driver ng tricycle na Kawasaki; “Lorenita”, 47; “Ronelio”,…
Read MoreMag-iimbestiga sa flood control projects PBBM MATIPID SA KOMPOSISYON NG INDEPENDENT COMMISSION
TIPID si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng detalye ukol sa komposisyon ng independent commission na titingin sa mga anomalya sa flood control projects. Ang dahilan ng Pangulo ay isinasapinal pa ang nasabing komposisyon. Tinanong kasi ang Pangulo kung bahagi ng independent commission si Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Ang naging tugon ng Pangulo, ang istraktura ng independent body ay maisasapinal “very very soon”. “I don’t want to talk about it until buo na. ‘Di pa namin nabubuo ‘yung plano eh.. Pero malapit na ‘yan, very very soon,” ang…
Read More