Apela ng abogado sa PNP-CIDG: ‘MISSING AFFIDAVIT’ SA KASO NG MGA SABUNGERO ILABAS

NANAWAGAN kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang kampo ng isang pulis na isinasangkot sa kaso ng missing sabungeros na atasan ang CIDG na ilabas ang affidavit ng 12 testigo laban kay Julie ‘Dondon’ Patidongan. Ayon kay Atty. Bernard Vitriolo, dapat isama ang affidavit na ito upang makumpleto at luminaw ang imbestigasyon ng DOJ sa isyu ng mga nawawalang sabungero. Si Atty. Vitriolo ay legal counsel ni Police Senior Master Sergeant (PSMS) Joey Encarnacion na sinasabing may-ari ng palaisdaan na umano’y pinagtapunan ng mga labi ng mga sabungero. Sa…

Read More

DOH FAST LANES NASA 49 HOSPITALS NA

PATULOY pang nadaragdagan ang mga DOH hospital na may Leptospirosis lane. Mula sa 27, umabot na ito ngayon sa 49 DOH hospitals. Ayon sa kagawaran, mula sa 19 na DOH sa Metro Manila, pinalawig na rin nila ang Leptospirosis fast lane hanggang sa mga probinsya. 39 sa mga ito ay nasa Luzon, 5 sa Visayas at limang DOH hospital sa Mindanao. Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address na ipinatutupad ang zero balance billing sa mga ospital. Sa mga fast lane na…

Read More

TANONG KAY VP SARA NILUNOD NG TEKNIKALIDAD

NILUNOD umano ng teknikalidad ang simpleng tanong kay Vice President Sara Duterte kung nasaan ang kanyang confidential funds upang makaiwas itong sumagot. Ito ang pahayag ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima sa kanyang privilege speech noong Martes ng gabi kung saan kinastigo nito si Sen. Rodante Marcoleta matapos ilarawan ng senador na “hilaw na kanin” ang impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo. “Nilunod ng teknikalidad ang mga tunay na tanong: nasaan ang confidential funds? Sino sina Mary Grace Piattos, Fernando Tempura, Carlos Miguel Oishi, Chippy McDonald at…

Read More

Para kapani-paniwala – Ungab KAMARA ‘WAG UMEPAL SA FC INVESTIGATION

(BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa pagkakadawit ng ilang kongresista sa flood control projects, nararapat lamang na hindi pakialaman ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang imbestigasyon sa nasabing anomalya. Ito ang iginiit ni Davao City Rep. Isidro Ungab sa kanyang privilege speech sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects na naging dahilan para sabihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga sangkot ng “mahiya naman kayo!” Ang Kamara sa pamamagitan ng House committee on public accounts ay nagsimula nang mag-imbestiga sa flood control projects at tutulungan umano ito ng House…

Read More

Huwag puro kuda LACSON, MAGALONG DAPAT ITURO MGA ‘CONGTRACTOR’

HINIKAYAT ng Malakanyang sina Senador Panfilo Lacson at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na direktang magsumbong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa kanilang nalalaman ukol sa may 67 kongresista na sinasabing sangkot sa paggamit ng mga pekeng contractor bilang front sa mga proyekto. “Idiretso na nila ito sa Pangulo kung mayroon silang partikular na pangalan na alam at para po mas mabilis ang pag-iimbestiga, welcome po lahat iyan at bigyan lang po nila ng kumpletong detalye,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.…

Read More

Sa tamang forum ISYU SA CONFI FUNDS IPALILIWANAG NI VP SARA

HANDA si Vice President Sara Duterte at kanyang kampo na sagutin sa tamang forum ang mga alegasyon kaugnay sa umano’y maling paggamit ng kanyang tanggapan sa kanyang confidential funds kahit pa may pagbabago sa kanyang impeachment case. “Kung may kaso, sa tamang forum mag-eexplain kami. Nagsabi kami noong nag-file sila ng articles of impeachment nila na ready ang defense team na sumagot sa accusations ng prosecutors ng House,” ang sinabi ni VP Sara sa sidelines ng Kadayawan Festival sa Davao City. “Noong umakyat sa Supreme Court ang kaso, lahat ng…

Read More

VAULT NG CONVENIENCE STORE NILIMAS NG KAWATAN

CAVITE – Uminom muna ng tsokolate saka nilimas ang laman ng vault ng isang lalaki na nanloob sa isang kilalang convenience store sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, itim na short at yellow t-shirt at nakasuot ng face mask. Ayon kay Nocon Inique, 31, store crew ng convenience store sa Marsiela Road, Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite dakong alas-7:00 ng umaga nang natuklasan nito ang panloloob sa tindahan nang napansin nito ang ilang bote ng tsokolate…

Read More

TIRADOR NG MOTOR NAHULI NANG MAAKSIDENTE

NAHULI ng mga awtoridad ang isang babaeng nagnakaw ng motorsiklo sa lalawigan ng Quezon matapos maaksidente sa Sto. Tomas City sa Batangas habang tumatakas. Ang suspek ay kinilalang si Rhea May Ibañez Marquez, 24, residente ng Bulacan. Ayon sa report, nitong Lunes ay personal na nagtungo ang biktimang si Jovan Paul Masongsong, 26, taga-San Antonio, Quezon, sa Tiaong Municipal Police Station upang i-report ang pagkawala ng kanyang motorsiklo. Iniwan umano niya ang kanyang Honda Click na nakaparada sa tapat ng isang lying-in clinic sa Sitio Sambat, Brgy. Talisay, Tiaong nang…

Read More

PAWNSHOP NILOOBAN, EMPLEYADA PINATAY

LAGUNA – Natagpuang patay at tadtad ng saksak ang isang empleyada ng sanglaan ng mga gadget ilang minuto makaraan nitong i-report sa kanilang manager ang hinggil sa nangyaring panloloob sa kanilang establisyemento sa Cabuyao City. Ayon sa report ng Cabuyao City Police, nangyari ang krimen dakong alas-9:40 ng umaga noong Lunes at kinilala ang biktimang si alyas “Jona”, 27, nadatnan ng mga katrabaho na walang buhay na nakahandusay sa sahig at may tatlong saksak sa leeg, kaliwang balikat at tiyan. Sa pagsisiyasat, sinasabing pinakaunang pumasok sa trabaho ang biktima at…

Read More