INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na wala na sa hurisdiksyon ng komisyon kundi nasa Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang kapalaran ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Davao City mayor. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hangga’t walang nakabinbing kaso sa Comelec ang mga nanalong kandidato, ang hurisdiksyon ay ililipat sa DILG. Sa ilalim ng succession, sinabi ni Garcia na ang naproklamang vice mayor ang magsisilbi bilang acting mayor. Sinabi ni Garcia na ang nanalong kandidato na nasa labas ng bansa ay maaaring manumpa sa…
Read MoreCategory: BALITA
P34-M MISDECLARED AGRICULTURAL GOODS KINUMPISKA
Sa kautusan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s na paigtingin ang pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, tinatayang P34 milyong halaga ng misdeclared agricultural products ang kinumpiska ng Bureau of Customs Port of Manila (BOC-POM). Nasabat ng BOC – Port of Manila ang mahigit P34 milyong halaga ng smuggled na mga produktong agrikultura mula sa China. Ayon sa BOC, idineklarang assorted food items gaya ng mantou, noodles, at kimchi ang nasabat na mga kargamento ngunit nang inspeksyunin noong Hunyo 10, tumambad na red onions, white onions, at frozen mackerel na…
Read MoreBADING NA PULIS OK LANG – SOLON
SINABI ni Senator Erwin Tulfo na walang masama sa LGBT members kung gusto nilang sumali sa law enforcement basta ginagampanan nila ang kanilang tungkulin nang mahusay, kasabay ito ng kanyang panawagan sa mga pulis na magsanay sa shooting nang regular upang matiyak ang kanilang proficiency. Sa pag-ere ng kanyang reaksyon, ikinuwento ng senador nang maging panauhin sa MACHRA Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), na noong siya ay field reporter, ay may isang pulis na susugurin ng isang nag-aamok na suspek at may dalang jungle bolo. Ang…
Read MoreBalanseng foreign policy dapat NO TO WAR, DEATH, DESTRUCTION – ATTY. RODRIGUEZ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINALAMPAG ni Atty. Vic Rodriguez ang administrasyong Marcos na magkaroon ng balanseng foreign policy sa gitna ng nangyaring sigalot sa Gitnang Silangan. Ani Rodriguez, hindi dapat magpagamit ang Marcos admin sa isang bansa at ilagay sa kompromiso ang mga Pilipino. Sa kanyang Facebook page noong isang linggo, nag-post ang dating executive secretary ng: “Ngayon higit kailanman ay dapat masusing pag-isipan ng Marcos administration na balansehin ang ating foreign policy. Huwag bulag na magpagamit at kumiling sa interes ng banyagang alyado at lubusang isuko at ikompromiso ang…
Read MoreOFWs MALILIBRE NA SA PHILHEALTH PREMIUM
HINDI na pagbabayarin ng kanilang kontribusyon o premium sa Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth) ang milyong overseas Filipino workers (OFWs) kapag naisabatas ang isang panukalang batas na inihain sa unang araw ng 20th Congress. Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 2 na inakda ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, kasama ang anak na si Tingog party-list Rep. Andrew Julian Romualdez at Rep. Jude Acidre, aamyendahan ang Republic Act (RA) 11223 o “Universal Health Care Act” para hindi na singilin o pagbayarin ng premium ang OFWs. Hindi lamang ang mga…
Read MoreVP SARA INIMBITA SA CAMP CRAME
WELCOME bumisita si Vice President Sara Duterte sa Camp Crame para makita ang mga modernong kagamitan ng pambansang pulisya. Inihayag ito kahapon ni PNP Chief PGen Nicolas Torre III. Layunin ng hepe ng Pambansang Pulisya na ipakita kay Duterte, ang kanilang paggamit ng modern technology sa police operations. Matatandaan na binatikos ni Duterte ang pinaigting na police visibility ng PNP na anya ay “outdated” na ang pulis sa kanto strategy. Iginiit naman ni Torre na mayroon silang mga makabagong drone, CCTV, body cameras at iba pang mga kagamitan. Marami rin…
Read MoreBOYING TATAWID SA OMBUDSMAN
KINUMPIRMA ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kanyang interes para sa Ombudsman post. Aniya’y magsusumite pa lamang siya ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) sa darating o bago ang Biyernes. Marami aniya siyang maihahain o maitutulong sa Ombudsman sakaling siya ang makaupo sa pwesto. “I think that I have a lot to offer there,” ani Remulla. Ito’y sa kabila ng reklamo sa kanya sa Ombudsman na inihain ni Senator Imee Marcos kamakailan at ilan pang matataas na opisyal. Kaya’t nang matanong kung may ‘conflict’ ito,…
Read MorePAGSIPA NG ANTAS NG GUTOM SA PH NAKABABAHALA
(DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Sherwin Gatchalian na nakababahala pa rin ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakita ng bahagyang pagtaas ng insidente ng pagkagutom sa bansa. Ayon kay Gatchalian, kahit bahagya lamang ang itinaas ng datos, ito pa rin ay nangangahulugang maraming pamilyang Pilipino ang nakararanas ng food insecurity o kawalan ng sapat na pagkain. Ipinaliwanag ng senador na ang bawat porsyento ng pagtaas sa gutom ay katumbas ng libu-libong pamilyang hindi nakakakain ng sapat na dapat tingnan bilang panawagan para sa mas agresibong…
Read MorePDEA, PDEG TINUTUNTON SOURCE NG 100 KILONG SHABU SA BULACAN
INIIMBESTIGAHAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP)-Police Drug Enforcement Group ang pinagmulan ng nasamsam na mahigit 100 kilo ng crystal meth sa Bulacan. Ayon kay PNP-PDEG Director Brig. Gen. Edwin Quilates, kanilang inaalam kung may kaugnayan sa tinaguriang “floating shabu” ang na-recover na 103 kilograms ng methamphetamine hydrochloride na nakuha sa ikinasang anti-narcotics operation sa Bantigue Street sa Barangay Bulihan, Plaridel nitong nakalipas na linggo. “When we opened the package, our investigators who were conducting the inventory said it was still wet. The bag was…
Read More