DELIVERY RIDER TIMBOG SA P1.6-M MARIJUANA

ARESTADO ang isang delivery rider makaraang makumpiskahan ng P1.6 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng anti-narcotics ng Pasig PNP noong Linggo ng madaling araw. Ayon kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang suspek na si alyas “Buknoy,” 27, na agad na inaresto matapos magbenta ng nasabing ilegal na droga sa isang undercover agent. Ayon kay Mangaldan, ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Drug Enforcement Unit ng Pasig PNP sa Sandoval Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City dakong alas-2:45 ng madaling…

Read More

WANTED NA RAPE SUSPECT NALAMBAT SA MALABON

NADAKIP ng pulisya ang isang 45-anyos na lalaki na matagal nang wanted sa kasong panggagahasa sa Navotas City, nang matunton ito sa kanyang pinagtataguang lugar sa Lungsod ng Malabon. Napag-alaman, isang impormate ang nag-report kay Malabon City Police chief P/Col. Jay Baybayan na namataan sa lungsod ang puganteng si alyas “Nilo” kaya agad niyang iniutos sa mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang pagtugis sa suspek. Pinuntahan ng mga tauhan ng WSS ang tinutuluyang bahay ng suspek sa Sacrista St., Brgy. San Agustin at natiyempuhan dakong alas-11 ng…

Read More

NPA PATAY SA SAGUPAAN, 14 BARIL NAREKOBER

PATAY ang isang kasapi ng communist terrorist group nang makasagupa ang pinagsanib na pwersa ng 60th, 25th, at 67th Infantry Battalions na nagsagawa ng intelligence driven operation laban sa mga kasapi ng NPA-Komisyong Mindanao (KOMMID) na nagtangkang magkuta sa Barangay Sayon, Santa Josefa, Agusan del Sur. Kasunod ng engkuwentro na ikinamatay ng isang hindi pa nakikilalang rebelde na may bitbit na isang M16 rifle at dalawang Improvised Explosive Devices (IEDs), ay narekober ng military ang 14 na baril na kinabibilangan ng isang AK47 rifle, isang carbine rifle, apat na .45…

Read More

MIYEMBRO NG MEDIA PATAY SA PAMAMARIL

GEN. SANTOS CITY – Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang isang miyembro ng media makaraang pagbabarilin sa loob ng spa sa lungsod. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Ali Macalintal ng Calina Street, Barangay Lagao, Gen. Santos City. Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa loob ng Delmont Massage and Spa sa Calina St. sa nasabing lugar, ang biktima nang pagbabarilin ito ng suspek na nagpanggap na customer. Kaagad namang nagresponde ang mga awtoridad at isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan…

Read More

SAGOT NI VP SARA SA WRIT OF SUMMONS NATANGGAP NA NG IMPEACHMENT COURT

IPINADALA na ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang sagot sa kanyang writ of summons na inilabas ng Senate impeachment court. Bandang alas-5:49 ng hapon ng Lunes nang matanggap ng Senate impeachment court ang answer ad cautelam na dinala ng messenger na si Arnel Barrientos Jr. ng Fortun, Narvasa, & Salazar. Sa 34 pahinang dokumentong ipinadala ng kampo ng Bise Presidente, iginiit nito ang pag-dismiss sa impeachment complaint sa dahilang lumabag ito sa one-year bar rule sa Konstitusyon. (DANNY BACOLOD) 284

Read More

IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA MAPUPURNADA

MAPUPURNADA ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kapag dinismis ng Office of the Ombudsman ang kasong may kaugnayan sa kwestiyonableng paggamit sa confidential funds. Sa isang panayam kay incoming Mamamayan Liberal (ML) party-list Representative-elect Leila de Lima, nangangamba ang mga ito na posibleng ideklara ng Office of the Ombudsman na walang probable cause ang kaso dahil dumiretso ang mga ito sa preliminary investigation (PI) imbes na fact-finding investigation. “Kaya hindi mawawala sa isip ng iba, kasama na ako, perhaps this is shared by the members of Prosecution…

Read More

E-WALLET, GAMBLING APPS MAY ‘SABWATAN’

KUNG dati ay sa electronic-sabong nagugumon ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan, ngayon ay naloloko na rin ang mga ito sa online casino dahil sa ‘sabwatan” ng mga e-wallet at gambling apps. Dahil dito, iginiit ni House committee on government reorganization chairman Jonathan Keith Flores na agad i-disconnect ang e-wallet at gambling apps upang isalba ang mga Pilipino na naloloko sa online gambling. “Online gambling preys on ordinary Filipinos, especially the poor. Sa ilang pindot lang, ubos ang kakarampot na sweldo na para sana sa bigas, kuryente, o…

Read More

Sa senatorial bets ng May 2025 polls PDP LABAN HUMIRIT NG MANUAL RECOUNT

NAGHAIN ng karagdagang petisyon o supplemental petition sa Korte Suprema ang Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) na ang layon ay atasan ng Kataas-taasang Hukuman ang Comelec na isalang sa manu-manong bilangan ang resulta ng senatorial elections nitong Mayo. Personal na inihain sa Supreme Court nina Atty. Israelito Torreon at Atty. Jimmy Bondoc ang motion for leave to file supplemental petition for mandamus na humihiling ng manual recount ng senatorial votes alinsunod sa Section 31 ng Republic Act 9369 — Sections 210, 234, 235 at 255 ng…

Read More

PUBLIKO BINALAAN SA AI-GENERATED SCAM

SUMASABAY na ang mga scammer sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ginagamit na ng mga ito ang Artificial Intelligence (AI) technology para makapanloko. Dahil dito, umapela si House committee on information communication technology chairman Rep. Toby Tiangco sa publiko na maging mapagbantay upang hindi mabiktima ng scammers na gumagamit na rin anya ng AI technology. “Nakakalungkot dahil habang umaangat ang ating teknolohiya, nagiging high tech na rin ang mga scammers,” ayon sa mambabatas. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos makarating sa kanyang kaalaman na ginagamit na ang AI para sa mga…

Read More