NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na wala itong kinunang fitness instructor para sa physical fitness program ng kanilang hanay. Matatandaan na inimbitahan ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) si fitness vlogger Rendon Labador para pangunahan nito ang 93-araw na weight loss challenge para sa kanilang unit. Batay sa memorandum ng PNP Directorate for Police Community Relations, ang naturang aktibidad ay eksklusibo lamang sa mga miyembro ng PCADG at hindi para sa buong PNP. Sinabi naman ni Labador na boluntaryo nitong tinanggap ang hamon ng PCADG bilang pagtanaw…
Read MoreCategory: BALITA
DOJ ‘DI DAPAT BARA-BARA SA KASO NG MISSING SABUNGEROS
HINDI maaaring madaliin ang pagresolba sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Sa ambush interview sa DOJ, nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangang dumaan sa proseso ang bawat kaso. Kinakailangan din aniya ang matibay na ebidensiya na mag-corroborate sa mga testimonya ng iba pang saksi. Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay sa paglantad ng isa sa mga akusado sa pagkawala ng 34 na sabungero na nagtuturo kung saan inilibing ang mga biktima. Binanggit ng kalihim na may affidavit na si alyas Totoy, hindi lang niya matiyak kung pinanumpaan…
Read MoreOMBUDSMAN MARTIRES BINABANTAYAN SA ‘GALAW’ SA REKLAMO VS VP SARA
BINALAAN ng isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Ombudsman Samuel Martires laban sa posibleng pag-whitewash nito sa iniimbestigahang reklamo sa paglustay sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte. “We would just like to warn the Ombudsman that being a Duterte appointee the people are extra vigilant in watching him as they fear that there may be a whitewash of the case against VP Duterte even if the evidence are overwhelming,” ani outgoing ACT Teacher party-list Rep. France Castro. Ginawa ng mambabatas ang warning matapos simulan ni Martires…
Read MoreVP SARA WALANG GRAFT CASE SA OMBUDSMAN
WALANG kasong naisampa sa Office of the Ombudsman laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng kontrobersyal na confidential funds sa Department of Education at Office of the Vice President. Paglilinaw ng House of Representatives, hindi ito nagsampa ng pormal na reklamo laban kay VP Sara sa Office of the Ombudsman. Sinabi ito ni House Spokesperson Atty. Princess Abante sa gitna ng mga balita na inutusan ng Ombudsman si Duterte at ilan pang opisyal na sagutin ang alegasyon mula sa isinagawang imbestigasyon ng House committee on good government and public…
Read MorePAGLABAS NG EBIDENSYA KINATATAKUTAN NI VP SARA – DE LIMA
GINAGAWA na umano ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng paraan para hindi matuloy ang Impeachment trial dahil takot ito na lumabas ang mga ebidensya, hindi lamang sa kanya kundi sa amang si dating pangulong Rodrigo Duterte. Ginawa ni incoming Mamamayang Liberal (MIL) party-list Rep. Leila de Lima ang pahayag dahil sa ‘galawan’ umano ng kampo ni Duterte kung saan ang pinakabago ay ang aksyon ng Office of the Ombudsman. “You can say, they’re really scared. I mean VP Sara is scared. This is really cause for…
Read MoreDUTERTE YOUTH PL: PANATIKO NI DIGONG HINDI YOUTH REP
PANATIKO ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Duterte Youth party-list, ayon sa isa sa mga nominee ng Gabriela party-list na si Amihan secretary general Cathy Estavillo ukol sa kaso ng nasabing party-list group na kinansela na ng Commission on Elections (Comelec) ang registration. “Duterte Youth is a bogus party-list that not only lies about representing the youth sector but is also complicit in violence against it, through a history of relentless red-tagging, support for military presence and propaganda in schools, and its fanaticism for the fascist mass-murderer and criminal Duterte,”…
Read MorePagkatapos ng joint US, Japan, PH coast guard exercise 2 JAPANESE DESTROYERS DUMAONG SA PILIPINAS
MATAPOS ng isinagawang joint coast guard exercises ng Japan, Estados Unidos at Pilipinas sa dagat na bahagi ng Kagoshima, Japan nitong nakalipas na linggo, dumaong naman sa Pilipinas ang dalawang Japanese destroyer ng Japan. Dumating sa Pilipinas ang dalawang malaking war ship ng Japanese Maritime Self-Defense Forces na layuning mas palakasin pa ang regional security sa pamamagitan ng pagsasagawa na continuous joint exercises kasama ang Hukbong Dagat ng Pilipinas sa Indo-Pacific Region. Kasama sa mga layunin nito na higit na mapalalim ang tactical capacities ng JMSDF at maging ang pagbuo…
Read MorePNP-CIDG AT PNP ANTI-CYBERCRIME GROUP TUTULONG SA ONLINE LENDING APPS VICTIMS
NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group at maging ang PNP Anti-Cybercrime Group, na tumulong pagsisiyasat sa Online Lending Apps na inirereklamo ng naging mga biktima nito. Ito ay kasunod ng pagdulog ng nasa isang daang complainants ng ilang Online Lending Apps (OLAs). Hinala ng PAOCC, maaaring may koneksyon ang nagsusulputang online lending apps sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dahil ang mga nagmamaniobra nito ay pang-i-scam din ang ginagawa. Lubha umanong nakaaalarma ang paglabag nito sa karapatang pantao partikular sa data privacy act dahil…
Read More12 SUNDALONG SUMAGUPA SA CPP-NPA PINARANGALAN
GINAWARAN ng pagkilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang 12 sundalo ng Philippine Army, sa kanilang kahandaang magbuwis ng buhay laban sa mga rebeldeng Communist New People’s Army (NPA) sa Surigao del Norte. Pinagkalooban ng parangal ni Gen. Brawner ang mga sundalo nang bisitahin niya nitong nakalipas na linggo ang headquarters ng 901st Infantry Brigade sa Sta. Cruz, Placer, Surigao del Norte. Dito ay iginawad ng heneral ang Gold Cross Medal, Silver Cross Medal, at Military Merit Medal sa dalawang opisyal…
Read More