90 SEA PASSENGERS NAILIGTAS NG PHILIPPINE NAVY

NASAGIP ng Philippine Navy sa ilalim ng Western Mindanao Command, ang 90 pasahero ng sinaklolohang isang passenger motor launch malapit sa Languyan sa lalawigan ng Tawi-tawi noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Q. Ezpeleta, nirespondehan ng mga tauhan ng BRP General Mariano Alvarez (PS176) ang 90 kataong sakay ng bangkang de-motor na M/L Len-Lyn na nagkaaberya sa laot sakop ng bayan ng Languyan. Ayon kay Capt. Hilarion Cecista, acting commander ng Western Mindanao Naval…

Read More

P6.8-M SHABU NASABAT SA MALL PARKING LOT

CAVITE – Mahigit sa P6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat sa dalawang arestadong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 in relation to Sec. 26 par. (b) (Attempt/Conspiracy to Sell Dangerous Drug) ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang arestadong mga suspek na sina alyas “Khalil”, 30, isang magsasaka, at “Jamal”, 19, pawang mga residente ng Quezon City.…

Read More

LIBRENG KAPON AT LIGATE PROGRAM SA MGA HAYOP

MAAGANG dumating ang mga fur parents kasama ang kanilang mga alagang hayop upang makinabang sa Libreng Kapon at Ligate Program ng Villar Foundation. Ang programang ito, na pinangungunahan ni Senadora Cynthia Villar, ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Veterinary Medical Association, Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association, Pets Love Nature, at mga beterinaryo mula sa Parañaque. Magkakaloob din ng libreng anti-rabies vaccine para sa isandaang (100) alagang hayop mula sa Las Piñas at mga kalapit na lugar ng Bacoor sa Cavite. (DANNY BACOLOD) 251

Read More

IKATLONG “UNMODIFIED OPINION” MULA SA COA NAKUHA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG QUEZON

SA ikatlong sunod na taon, muling ipinamalas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamumuno ni Quezon Governor Doktora Helen Tan, ang isang malinis at tapat na serbisyo matapos itong makatanggap ng ‘Unmodified Opinion’ mula sa Commission on Audit (COA) para sa taong 2024. Ang ‘Unmodified Opinion’, na kilala rin bilang ‘Unqualified Opinion’, ay isang uri ng audit opinion na maaaring ipagkaloob ng COA sa isang ahensyang walang natukoy na iregularidad, anomalya sa pananalapi, o kakulangan sa iniulat na pondo. Ipinahihiwatig nito na ang isinumiteng financial statements ay tama, kumpleto, at…

Read More

KAGAWAD ITINUMBA SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Inang Sayahin, Brgy. Nag Cruz, sa bayan ng Pitogo sa lalawigan noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jonard Alcantara Ariola, 48, residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat ng Pitogo Municipal Police Station (MPS), dakong alas-8:00 ng gabi, habang nasa tabi ng kanyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ito. Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi batid na direksyon. Agad dinala ang biktima…

Read More

Pangamba ng House solon PAGLAYA NI DUTERTE ‘PARANG BOMBANG SASABOG

MAGPIPISTA ang troll armies sa pagpapakalat ng maling impormasyon at pananakot kapag tuluyang nabigyan ng pansamantalang kalayaan si dating pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC). Pinangangambahan ito ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel kaugnay ng “interim release petition” ng mga abogado ni Duterte sa ICC dahil may bansa na miyembro ng nasabing korte ang handa umanong tumanggap sa kanya. “This is a disinformation bomb waiting to explode. Ang pagpapalaya kay Duterte ay tiyak na gagawing viral content material na gagamitin ng paid troll army nila para i-bully, takutin…

Read More

MEDICAL PAROLE LAW PARA SA MATATANDANG PRESO, PRAYORIDAD NI ERWIN TULFO SA SENADO

“KAPAG ikaw ay preso na 70 years old na, at may karamdaman na, dapat palayain ka na ng pamahalaan. Isusulong ko po iyan. Pangako po.” Ito ang pahayag ni incoming Senator Erwin Tulfo sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) nang bumisita siya sa Minimum Security Facility ng New Bilibid Prison noong Hunyo 10. Ayon kay Tulfo, kasama sa prayoridad niyang maisabatas sa Senado ay dapat magkaroon ng ‘medical parole’ ang matatandang PDLs, lalo na ang mga may karamdaman. “Kailangan din po ng mga matatandang PDLs na bumalik sa kanilang buhay…

Read More

Erwin Tulfo pinuri pagkakaaresto kay JJ Javier ILEGAL NA PAGKAMKAM SA KAGUBATAN KINONDENA

PINURI ni incoming Senator Erwin Tulfo ang pagkakaaresto kay JJ Javier, ang sinasabing land grabber sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan na umano’y nagpapalayas at kumakamkam sa mga timberland na sinasaka ng mga magsasaka. Nasa kustodiya na ng Camp Crame sa Quezon City si Javier matapos siyang maaresto ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) noong Hunyo 13 dahil sa mga kasong Resistance and Disobedience to a Person in Authority, Using Fictitious Name and Concealing True Name, Obstruction of Justice, Operating a Vehicle with No License Plate, Illegal Possession of Firearms,…

Read More

HEALTH ADVOCATES KINUWESTYON SA SC ZERO SUBSIDY NG PHILHEALTH

KINALAMPAG kahapon ng ilang grupo ng health advocates ang Korte Suprema upang kwestyunin ang zero subsidy ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Sa ilang pahinang petisyon, iginiit ng petitioners na nabigo ang Kongreso na paglaanan ng pondo mula sa sin tax ang state insurer na nakasaad sa batas. Aabot anila sa P69.81 billion ang dapat nakalaang pondo para sa ahensiya ngayong taon lamang mula sa buwis sa tobacco at matatamis na inumin. Hiniling din ng petitioners na atasan ang respondents na ibalik ang hindi na-remit na koleksyon sa nakalipas…

Read More