HINILING ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang imbestigasyon sa umano’y pagbili ng bigas na nagkakahalaga ng P680 milyon ng Ministry of the Interior and Local Government noong 2024. Ang kahilingan ay nakasaad sa ipinadalang sinumpaang salaysay ng mga nagrereklamo sa Office of the Ombudsman-Mindanao, Office of the President, Senado, Office of the Speaker-BARMM at Commission on Audit. Nabatid pa sa mga complainant, na itinago ang pangalan upang maprotektahan ang kanilang sarili, ang mga transaksyon ay labag umano sa procurement laws, transparency standards, at fiscal…
Read MoreCategory: BALITA
2 ARESTADO,10 MINORS NASAGIP SA CHILD EXPLOITATION
ARESTADO sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang dalawang hinihinalang bugaw habang nasagip ang 10 menor de edad sa umano’y child exploitation sa Concepcion, Tarlac. Ayon sa ulat ni NBI Director Jaime Santiago, noong Hunyo 10 nang maaresto ang dalawang suspek sa kasong child exploitation, at 10 menor de edad ang nasagip. Nauna rito, nadakip ang isang Swedish national na kinilalang si Heinz Henry Andreas Berglund noong Abril 2, 2025, ng mga tauhan ng NBI-Violence Against Women and Children Division (VAWCD) at ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit…
Read MoreRUSSIAN VLOGGER NAILIPAT NA SA BJMP
INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na nailipat na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Russian Youtuber na si Vitaly Zdorovetskiy noong Hunyo 11. Si Zdorovetskiy ay naaresto noong Abril dahil sa kinahaharap na ilang lokal na kaso bunsod ng paglabag sa batas sa imigrasyon. Mananatili siya sa kulungan hanggang maresolba ang mga kaso bago siya pabalikin sa kanilang bansa dahil tumanggi ang BI sa hiling nitong magpiyansa para sa pansamantala niyang paglaya. Ayon sa BI, ito ay hindi lang basta usapin ng administrative procedure…
Read MoreKongreso, Palasyo sinumbatan OBRERO HINAYAANG MALUNOD SA KAHIRAPAN
HINAYAAN ng Kongreso partikular na ang Senado at maging ang Palasyo ng Malacañang na patuloy malunod sa kahirapan ang mga manggagawa lalo na ang minimum wage earners. Pahayag ito ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña matapos hindi pumayag ang Senado na i-convene ang Bicameral Conference committee para sa legislative wage increase ng lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor na naging dahilan para hindi magkakaroon ng umento sa sahod sa buong bansa. “Talaga namang nakakalungkot ang nangyari kasi sabi nga natin, etong wage hike na P200 nationwide dagdag na…
Read MoreNASA ‘ROW FOUR’ OBLIGADONG MAG-SUMMER REMEDIAL CLASSES
MANDATORY na sa mga estudyante na may pinakamababang reading comprehension levels ang summer remedial classes, ayon sa Department of Education (DepEd). Ang mga estudyante kasi na may reading comprehension levels ay ipinapasa na lamang kahit hindi pa natutugunan ang kinakailangang kagalingan o kakayahan sa pag-aaral. Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, na ginagamit na ngayon ng departamento ang Beginning of School Year (BOSY) at End of School Year (EOSY) assessments para idetermina ang ‘learning gaps.’ Iyong mga may pinakamababang iskor ay kinakailangan ngayon na makiisa sa isang ‘remediation program’ pagdating…
Read MoreTALAMAK NA STD SA POGO WORKERS NAKABABAHALA
LUBHANG nababahala ang pamunuan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa talamak na kaso ng sexually transmitted diseases sa hanay ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers. Ayon sa ahensya, nakababahala ang umano’y pagpositibo ng maraming mga dayuhang manggagawa ng POGO sa iba’t ibang sexually transmitted disease. Ito ay sa gitna ng ulat ng health department na patuloy ang paglobo ng human immunodeficiency virus cases sa Pilipinas. Sinasabing halos araw-araw ay may naitatalang HIV cases ang kagawaran. Ayon kay PAOCC executive director Gilbert Cruz, umabot na sa 66 na naarestong…
Read MoreSEGURIDAD NG BALIK-ESKWELA TINIYAK NG EPD
TINIYAK ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang kaayusan at seguridad hindi lamang ng mga mag-aaral kundi ganoon din ng mga guro at mga magulang sa pasukan ngayong Hunyo 16, 2025. Sa inilabas na anunsyo ni EPD District Director PBGen. Aden Lagradante, sinabi nito na may kabuuang 535 pulis ang ipinakalat nila sa mga lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong at San Juan. Ayon kay Lagradante, pangunahing tututukan ng mga operatiba, hindi lamang ang seguridad sa mga paaralan kundi gayundin ang pangangasiwa sa maayos na daloy ng trapiko. Sinabi pa…
Read MorePAGPA-INHIBIT SA PRO-DUTERTE SENATOR-JUDGES PINAGPAPLANUHAN
HINDI isinasantabi ng Prosecution team ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipa-inhibit ang mga senator-judge na hayagang sumusuporta kay Vice President Sara Duterte lalo na kapag tumawid ang impeachment trial sa 20th Congress. Sa panayam kay Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan, na isa sa 11 prosecutors ng Kamara sa impeachment trial laban kay Duterte, sa ngayon ay hindi pa pinag-uusapan ng mga ito ang pagpapa-inhibit sa mga pro-Duterte Senator-Judges. “Siguro sa 20th Congress na ‘yan pag-uusapan. ‘Yan ay isa sa pag-aaralan ng prosecution panel kung ano ang magiging hakbang,” ani…
Read MoreNgayong balik-eskwela HIGIT 45K SCHOOLS BANTAY-SARADO NG PNP
MAGTATALAGA ang Philippine National Police (PNP) ng 37,750 pulis sa ilalim ng Oplan Balik-Eskwela 2025–2026,sa buong bansa bilang bahagi ng ligtas na pagbubukas ng klase ngayong Lunes, Hunyo 16, 2025. Ayon sa PNP, babantayan ng mga pulis ang nasa 45,974 na kabuuang paaralan kabilang dito ang 38,292 na public schools at 7,682 na private schools. Magkakaroon din ng 5,079 na mga police assistance desk na pangangasiwaan ng 10,759 pulis, habang 10,687 ang magsasagawa ng mobile patrols kasama pa ang 16,366 na foot patrols. Sa datos ng Pulisya, pinakamalaking deployment ng…
Read More