UUNAHIN ni incoming Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na kalusin ang mga department heads at bureau chiefs na umabuso sa tungkulin. Ang mga naglilingkod naman nang tama at maayos sa Manila City Hall na mga kasalukuyang pinuno ng mga kagawaran at kawanihan ay mananatili sa kanilang tungkulin. Babala ni Domagoso, tiyak na may kalalagyan ang mga namumuno sa mga tanggapan na garapal ang gawain at hindi maayos ang pamamalakad bukod pa sa nagpapahirap sa mamamayang Manileno. Nilinaw rin ng incoming mayor na hindi mawawalan ng trabaho ang mga career service…
Read MoreCategory: BALITA
5 KATAO ARESTADO SA CHECKPOINT SA ‘FREEDOM DAY
CAMP SIONGCO, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte – Sa halip na ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan, kulungan ang binagsakan ng limang kalalakihan matapos silang mahulihan ng baril at hinihinalang drug paraphernalia sa isinagawang checkpoint operation ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion at pulisya sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Ayon kay Lt. Col. Loqui O. Marco, pinuno ng 90IB, bandang alas-dose ng tanghali noong Hunyo 12, habang nagsasagawa ng lehitimong checkpoint operations sa nasabing bayan ang mga sundalo at pulis, napadaan ang isang silver na minivan at…
Read MoreNAGYABANG SA MOTORSIKLO, RIDER PATAY SA CENTER ISLAND
NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang ospital ang isang 26-anyos na lalaki nang magyabang ito habang lulan ng kanyang motorsiklo sa panulukan ng Quirino Avenue at Paz Street, Paco, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Ralph Rino, residente ng Malate, Manila. Hindi naman nakilala ang kabanggaan nito na kapwa niya motorcycle rider. Ayon sa ulat ni Police Executive Master Sergeant Jun-Jun Jasminez, OIC ng Vehicular Traffic Investigation Section, na pingangasiwaan ni Police Major Jaime Gonzales, Jr., hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-3:18 ng…
Read MoreMILF NANAWAGANG ITULOY BARM ELECTION SA OKTUBRE 2025
NANAWAGAN ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamahalaan ng Pilipinas at sa lahat ng kaugnay na institusyon na panatilihin ang nakatakdang halalan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gaganapin sa Oktubre 13, 2025. Sa isang opisyal na pahayag na inilabas nitong Biyernes, nanawagan si MILF Vice Chairman Mohagher Iqbal, na kumakatawan kay Chairman Al Haj Murad Ebrahim at sa Central Committee, sa pambansang pamahalaan, Kongreso, Commission on Elections (COMELEC), at sa iba pang mga kinauukulan na huwag tanggapin ang anumang mungkahi na maaaring humantong sa muling…
Read MoreINANOD NA 3 TURISTA NAILIGTAS NG PNP-MARITIME GROUP SA BATANGAS
BATANGAS – Nasagip ang tatlong turista ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group – Special Waterborne Operation, makaraang anurin ng malakas ng alon sa baybayin ng bayan ng Mabini sa lalawigan. Ayon sa ulat ng PNP Maritime Group, habang lumalangoy noong Huwebes ng hapon ang mga turista sa harap ng isang resort nang bigla na lamang lumakas ang alon dahil sa habagat naging dahilan upang anurin ang mga ito. Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Special Waterborne Operations School makaraang matanggap ang emergency call mula sa resort. Gamit ang jetski…
Read MoreMAG-AMA NAGTALO, LIVE-IN PARTNER NG ANAK NASAKSAK
CAVITE – Sugatan ang isang 27-anyos na consultant nang masaksak ng ama ng kanyang live-in partner matapos nitong salagin ang patalim sa gitna ng pagtatalo ng mag-ama sa Imus City noong Biyernes ng madaling araw. Nakatakdang sampahan ng kasong attempted homicide si alyas “Lito”, 45, isang pedicab driver, ng Brgy. Anabu 1-C, Imus City, dahil sa reklamo ni alyas “Jimmy”, 27, live-in partner ng anak ng suspek. Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at anak nitong babae sa kanilang bahay sa Brgy. Anabu 1-C, Imus City,…
Read MoreOBRERO NAGPALAMIG SA DAGAT, NALUNOD
BATANGAS – Nalunod ang isang construction worker nang magpalamig umano sa dagat makaraan ang kanyang trabaho sa Barangay Bagong Silang, sa bayan ng Calatagan sa lalawigan dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Dino Inducal Digno, 27, residente ng Molino 7, Bacoor, Cavite. Ayon sa imbestigasyon ng Calatagan Police, nangyari ang insidente nang mag-relax umano ang biktima kasama ng mga katrabaho, sa beach na katabi lamang ng construction site. Ngunit habang lumalangoy umano ang biktima nang mapadako ito sa malalim na bahagi ng dagat at tinangay ng…
Read More2 LOLO NAGTALO SA BAKOD, 1 PATAY
QUEZON – Patay ang isang 73-anyos na lalaki nang saksakin ng 78-anyos na kapitbahay dahil sa pagtatalo sa bakod ng kanilang bahay sa Barangay Kapaluhan, sa bayan ng Calauag sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang namatay na biktima sa pangalang “Lolo Francis”, residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat ng Calauag Police, nangyari ang insidente bandang alas-7:30 ng umaga habang gumagawa ng bakod na barbwire ang biktima sa sakop ng kanyang lote at bahay. Ngunit kinompronta ito ng suspek na kinilalang si “Lolo Leo”, na kapitbahay nito. Nagtalo…
Read MoreCOMELEC NO COMMENT SA ALEGASYON NI SARA NA DAYAAN SA 2025 SENATORIAL ELECTION
“NO comment” ang Commission on Elections (Comelec) sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon ng dayaan sa nakaraang May 12 elections. Ngunit ayon kay Comelec Chairman George Garcia, iginagalang nila ang pahayag ng VP Sara at naniniwala silang malaya ang sinoman na magpahayag ng opinyon bilang bahagi ng demokrasya. Ito ay makaraang ipahayag ng Pangalawang Pangulo ng bansa, na may tatlo pang nanalo na miyembro ng kanilang partido PDP-LABAN, na tumakbo sa pagka-senador. Kasama rito sina Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc at Richard Moto. Sa isang pahayag, inatasan ni…
Read More