PINOY MAS GUSTO LESS POLITICS, MORE SERVICE – SURVEY

BUMABA ang approval rating ng Kamara ayon sa isang national survey na isinagawa ng HKPH Public Opinion and Research Center kasama ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong. Ayon sa survey, nakakuha lamang ng 45% approval rating ang House of Representatives, habang 43% ang hindi nasisiyahan at 12% ang undecided. Mas mababa ang nakuha ni House Speaker Martin Romualdez na may 39% approval at 46% dissatisfaction. Ayon kay Steven Su, program director ng survey, tumitindi ang pagkadismaya ng publiko sa pamunuan ng Kongreso—lalo na matapos ang mga pagkakamaling…

Read More

P20 BIGAS PROGRAM INILUNSAD NG DOLE, DA SA TONDO

INILUNSAD ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang P20 Bigas Program sa Tondo, Maynila nitong Biyernes. Ang P20 bigas o “Benteng Bigas, Meron Na!” program ng kasalukuyang administrasyon ay layong mabigyan ng P20 kada kilong bigas ang minimum wage earners para mapagaan ang kanilang gastusin. Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., katuparan ito ng pangakong kampanya ng Pangulo para sa mahihirap. Ayon naman kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ito ay malaking tulong sa pang-araw-araw na budget ng mga manggagawa. Paliwanag ni Laguesma,…

Read More

PULIS NA MANGANGAMOTE SA ‘PUTUKAN’ BABAWIAN NG BARIL NI TORRE

BABAWIAN ng baril ang mga pulis na babagsak sa “Proficiency Standards” ng pagpaputok ng baril. Sa ambush interview sa Camp Karingal sa ginanap na “3rd PNP Press Corps Invitational Shootfest”, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, na hihigpitan niya ang pagpapatupad ng standards na itinakda ng PNP- Directorate for Human Resource and Doctrine Development. Mismong ang hepe ng Pambansang Pulisya ang mangunguna sa pagsusuri at pagsusulit. Kung sakali aniya na bumagsak siya ay handa siyang agad magretiro. Hindi lamang mga baguhang pulis ang isasailalim sa pagsasanay kundi pati…

Read More

WAITING SHED INARARO NG PICK-UP; 1 PATAY, 4 SUGATAN

QUEZON – Isa ang patay habang apat ang sugatan makaraang araruhin ng isang pick-up ang waiting shed sa Bondoc Peninsula Highway sa Brgy. Mabini Ilaya, sa bayan ng Macalelon sa lalawigan noong Miyerkoles ng tanghali, Hunyo 11. Kinilala ang nasawing biktima sa pangalang “Marife”, 54, tindera, at residente ng Brgy. Lawigue, Tayabas City, agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente. Kabilang naman sa mga sugatan sina alyas “Carl”, 16; Eloisa, 84; at Divina, 58, agad isinugod sa Gumaca Hospital para lapatan ng lunas. Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol…

Read More

MAHIGIT P1-M SHABU NAKUMPISKA SA LIVE-IN PARTNERS SA ILOILO

ILOILO CITY – Kalaboso ang dating barangay tanod kasama ang kanyang live-in partner, sa ikinasang drug buy-bust operation noong Miyerkoles ng gabi sa Zone 1, Sto. Niño Norte, Brgy. Arevalo sa lungsod. Ayon sa ulat ni PCapt. Glenn Soliman, hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), nasa priority watchlist ang suspek na si alyas “Toting”, 40-anyos, na target ng nasabing operasyon. Sinabi ni Soliman, dalawang linggo nilang mino-monitor ang suspek bago isinagawa ng drug buy-bust operation na nagresulta ng pagkaaresto nito, kasama ang live-in partner nito na si alyas…

Read More

IKA-127 ARAW NG KALAYAAN GINUNITA SA CAVITE

MAGKASABAY na ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Bayan ng Kawit at Lungsod ng Imus sa lalawigan ng Cavite. Pinangunahan ito nina Chief Justice Alexander Gesmundo, Congressman Jolo Revilla, ang ilang pamilya ng Aguinaldo sa bayan ng Kawit, at Regional Director PBGen. Paul Kenneth T. Lucas na nanguna sa pagpapanatili ng seguridad sa pagdiriwang ng naturang okasyon, at iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang bayan. Sa Alapan, Imus City, Cavite pinangunahan naman nina Mayor Alex A. Advincula at Vice Mayor Homer T. Saquilayan ang pagtaas…

Read More

PBBM sa mga Pinoy: PAIGTINGIN PAGMAMAHAL, PAGLILINGKOD SA BAYAN

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na paigtingin ang pagmamahal at paglilingkod sa Pilipinas kasabay ng pagdiriwang nitong Huwebes, Hunyo 12 sa ika-127 taong anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan. Sa talumpati ng Pangulo sa Quirino Grandstand, Lungsod ng Maynila, sinabi nito na sa ngayon ay malayang naipapahayag ng bawat isa ang kanilang saloobin nang walang kinatatakutan, at malayang nagagawa ang naisin nang walang iniiwasan. At dahil aniya sa Bagong Pilipinas, hindi kasalanan ang pagbibigay ng opinyon. At lalong hindi aniya mali ang kritisismo. Bagkus, ito aniya ang…

Read More

SUSPENSYON NG BSKE NIRATIPIKAHAN NG SENADO

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang bicameral conference committee report kaugnay sa disagreeing provisions sa panukalang suspensyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa December 2025. Ayon kay Senador Imee Marcos, author at sponsor ng panukala sa Senado, nagkasundo ang dalawang kapulungan na ipagpaliban sa Nobyembre 2026 ang halalan. Kasama rin sa inaprubahan ang pagtatakda sa apat na taon ang termino ng mga halal sa barangay at SK officials. Nakasaad sa panukala na hanggang tatlong sunod na termino ang maaaring takbuhan ng mga barangay officials, habang isang termino lang…

Read More

IBA’T IBANG AKTIBIDAD BINUKSAN NG INTRAMUROS AUTHORITY PARA SA ARAW NG KALAYAAN

BILANG bahagi ng ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, naghanda ang pamunuan ng Intramuros Authority ng iba’t ibang aktibidad partikular sa publiko na nais magbalik-tanaw noong late 18th to early 19th century. Ayon sa Intramuros Authority website, nitong Huwebes ay mayroon silang Filipiniana Day, libre ang kahit sino na pumasok sa anomang gated attraction ng Intramuros basta nakasuot ang mga ito ng Filipiniana. Kabilang dyan ang Fort Santiago, Casa Manila Museum, Baluarte de San Diego, at Museo de Intramuros – Centro de Turismo Intramuros. Mayroon ding tranventures kung saan iikot…

Read More