COMELEC: SOCE IPO-POST ONLINE

IKINOKONSIDERA ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-post ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCEs) ng mga kandidato, party-list groups at political parties online para sa pampublikong pagsisiyasat. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, ang SOCE ay maaaring i-post online sa loob ng dalawang linggo ngunit kailangan ng pag-abruba ng Department of Information and Communications Technology para sa vulnerability assessment. Ayon kay Garcia, kapag nakita ng publiko na ang SOCE ay may mali o kulang ang isinumite, dapat nilang ipagbigay-alam sa Political and Finance Affairs Department upang agad na mapag-aralan…

Read More

TEVES IBINIYAHE NA SA CAMP BAGONG DIWA

AGAD tumalima ang National Bureau of Investigation sa kautusan ng Manila Regional Trial Court na ilipat si dating Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr., ng kustodiya mula sa NBI Detention Facility sa Bureau of Correction. Si ex-Congressman Tevez ay kasalukuyan nang nakadetine sa Camp Bagong Diwa.   Mula Building 14 ng NBI detention facility sa Muntinlupa City, dinala ito sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Metro Manila District Jail Annex 2 compound ng Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig. Isinagawa ang naturang paglilipat ng kustodiya matapos…

Read More

ONLINE SELLER ITINUMBA NG RIDER

PATAY ang isang online seller na makikipagkita sa kanyang supplier, nang pagbabarilin ng motorcycle rider sa panulukan ng Dagonoy at Radium Streets, San Andres Bukid, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Kyle Mario Castro, 28, ng nabanggit na lugar. Samantala, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek makaraan ang pamamaril. Batay sa naantalang ulat ng Homicide Section ng Manila Police District, bandang alas-5:10 ng hapon habang patungo ang biktima sa nabanggit na lugar nang bigla itong pagbabarilin ng suspek na lulan ng motorsiklo. Patuloy pang iniimbestigahan…

Read More

ARTICLES OF IMPEACHMENT HINDI TINANGGAP NG KAMARA

HINDI tinanggap ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ibinabalik ng Impeachment Court na Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng resolusyon na pinagtibay sa plenaryo kamakalawa ng gabi. Walang tumutol sa mosyon ni House deputy majority leader at Isabela Rep. Faustino “Inno” Dy na ipagpaliban ang pagtanggap sa Articles of Impeachment laban kay Duterte hanggang hindi nasasagot ang mga tanong ng prosecutors sa pagbabalik sa mga kaso sa Mababang Kapulungan. “Mr. Speaker, I move to defer acceptance of the Articles of Impeachment until such time…

Read More

KASO VS DU30, BATO, GO INAPRUBAHAN SA KAMARA

INAPRUBAHAN sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang rekomendasyon ng Quad Committee na kasuhan sina dating pangulong Rodrigo Duterte, Sens. Ronald “Bato” Dela Rosa at Lawrence Christopher “Bong” Go dahil sa kanilang papel sa extra-judicial killings at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa Committee Report (CR) 1501 na binasa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at lead chairman ng Quad Comm, inirekomenda ng komite na sampahan ng paglabag sa Section 6 ng Republic Act (RA) 9851 o Crimes Against Humanity dahil sa kanilang papel sa extra-judicial killing…

Read More

ERWIN TULFO UMAPELA SA DENR, LGU: ILEGAL NA HARANG SA TIMBERLANDS SA BULACAN GIBAIN

UMAPELA si Senator-elect Erwin Tulfo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa lokal na pamahalaan ng Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan na agad tanggalin ang lahat ng ilegal na gate, bakod, at barikada na umano’y itinayo ng isang pribadong indibidwal na kinilalang “JJ Javier” sa mga timber land sa Barangay Kalawakan. Ito ay matapos ang isinagawang inspeksyon ni Tulfo kasama si DRT Mayor Ronaldo Flores at mga kinatawan ng DENR Community Environment and Natural Resources Office – Baliwag sa naturang lugar kung saan personal niyang nasaksihan kung…

Read More

P5B kada taon – UA&P study MORE POWER NAGPALAGO SA EKONOMIYA NG ILOILO CITY

NAGING mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Iloilo City sa nakalipas na 5 taon sa malaking kontribusyon ng magandang serbisyo ng More Electric and Power Corporation (More Power), ayon sa pag-aaral ng University of Asia and the Pacific (UA&P). “On average, what is injected in the economy of Iloilo is close to P5 billion or almost 4% of the economy of the city of Iloilo. That’s quite significant,” pahayag ni UA&P President Winston Conrad Padojinog. Ayon kay Padojinog ang naging malaking factor sa paglaki ng kita ay ang strategic investments…

Read More

Deadlock sa bicam MANGGAGAWA PINAASA LANG SA WAGE HIKE

MISTULANG pinaasa lang ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang mga manggagawa na magkakaroon ng legislated wage increase matapos magkaroon ng deadlock sa bicameral conference committee. “Matigas ang posisyon ng Senate sa kanilang version ng wage increase proposal. Dahil dito, nagka-deadlock ang proseso at nanganganib na mawala ang matagal nang panawagang legislated wage increase dahil hanggang ngayon na lang ang session para aprubahan ang bicam report,” pag-amin ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Si Brosas na bahagi ng contingent ng Kamara sa Bicam para sa wage hike ay kasama sa mga…

Read More

HIGIT 2K PDLs PINALAYA NG BUCOR

PINALAYA ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 2,923 persons deprived of liberty (PDLs) mula Abril 1 hanggang Hunyo 11 ngayong taon. Ginanap ang seremonya kamakalawa sa New Bilibid Prison, Muntinlupa. Aabot na sa 23,579 ang kabuuang napalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang mga PDL ay pinalaya batay sa pagtatapos ng sentensya (2,373), acquittal (228), parole (212), habeas corpus (76), probation (59), at iba pang utos ng korte. Pinapurihan ni Catapang ang Supreme Court sa desisyon nitong…

Read More