HUMARAP kahapon sa impeachment court si NBI Senior Agent Sta. Ana Calilong, unang testigo ng prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa alegasyong pagbabanta ng Bise Presidente sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan. (SPPA Pool/DANNY BACOLOD) SINIMULAN ng impeachment court ang pagdinig sa Article IV ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na may kaugnayan sa umano’y pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. Unang iniharap ng House prosecution panel bilang testigo…
Read MoreCategory: BALITA
VP SARA SA IMPEACHMENT: MASASAKTAN PERO ‘DI TITIKLOP
“I will be bloodied but unbowed.” Ito ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte pagdating niya sa Senado ilang oras bago magsimula ang ikalawang araw ng kanyang impeachment trial. Ayon sa bise presidente, masasaktan siya sa tinawag niyang “bloodbath” na tumutukoy sa impeachment proceedings, ngunit iginiit niyang hindi siya yuyuko o susuko. Matapos ang pulong kasama ang kanyang defense team, umalis din si Duterte sa Senado dahil mayroon pa umano siyang ibang nakatakdang engagements. Ipinaliwanag ni Atty. Michael Poa, legal counsel ni Duterte, na sa Senado nila isinagawa ang…
Read MoreINDAY SARA BINISITA SI MARCOLETA
DUMALAW si Vice President Sara Duterte kay Senador Rodante Marcoleta sa Philippine National Police General Hospital nitong Martes ng umaga. Kinumpirma ito ng PNP Health Service sa panayam ng mga mamamahayag. Tahimik na dumating ang bise presidente sa Camp Crame at hindi ito namalayan ng mga reporter na nakatalaga sa lugar. Bagama’t kapansin-pansin ang paghihigpit ng seguridad sa Camp Crame, nakapasok si Duterte upang dalawin ang senador bago rin umalis matapos ang pagbisita. Inaasahang mananatili si Marcoleta sa PNP General Hospital hanggang Miyerkules habang tinatapos ang kanyang mga medical procedures…
Read MoreWIMBLEDON RUN NI ALEX EALA INSPIRASYON SA SAMBAYANAN – SPEAKER DY
NAGBIGAY-PUGAY si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III kay Filipina tennis star Alex Eala matapos ang makasaysayan nitong kampanya sa Wimbledon, at sinabing ang kanyang naging pagganap ay inspirasyon sa sambayanan at hudyat ng mas marami pang tagumpay sa hinaharap. Sa isang social media post nitong Martes, sinabi ni Dy na bagama’t hindi nagtapos sa kampeonato ang kampanya ni Eala, isa pa rin itong malaking tagumpay dahil patuloy nitong itinataas ang antas ng Philippine tennis sa pandaigdigang entablado. “Hindi man nagtapos sa panalo ang makasaysayang kampanya mo sa Wimbledon, Alex,…
Read MoreSa Polillo, Quezon TAKLOBO INILILIGTAS NG MGA MANGINGISDA SA PAGKAUBOS
SA halip na hayaan itong tuluyang maubos dahil sa ilegal na pangunguha, isang grupo ng maliliit na mga mangingisda sa Barangay Sibulan, Polillo, Quezon ang nagsimula ng isang experimental taklobo farm upang mailigtas ang higanteng kabibe na mahalagang bahagi ng yamang-dagat. Ayon sa grupo na pinamumunuan ng mangingisdang si Roderick Bo, sinimulan nila ang pag-aalaga ng mga taklobo noong kasagsagan ng pandemya matapos mapansin na dumarami ang nangongolekta ng mga ito dahil sa mataas na bentahan, kahit ipinagbabawal ang pagkuha sa naturang species. Sa tuwing may nakikita silang taklobo habang…
Read MoreP6-M MARIJUANA WINASAK SA JOINT AFP-PNP-PDEA OPERATION
NASA P6 milyong halaga ng marijuana ang sinira sa inilunsad na joint AFP-PNP-PDEA operation sa bayan ng Mawab, Davao de Oro. Ayon sa ulat, nagawang sirain ng government security forces ang tinatayang P6 milyong halaga ng marijuana plantation sa isinagawang joint anti-illegal drugs operation sa Sitio Bunlak, Brgy. Kasapa I, Loreto, Agusan del Sur. Kabilang sa mga elemento na nagsagawa ng marijuana eradication ang mga sundalo mula sa 60th Infantry (Mediator) Battalion, 10th Infantry (Agila) Division, Philippine Army, katuwang ang Loreto Municipal Police Station (MPS), 2nd Provincial Mobile Force Company…
Read MoreCUSTOMER, TINDERA NAOSPITAL SA KONTAMINADONG MINERAL WATER
NAOSPITAL ang isang kustomer at isang tindera matapos umanong makainom ng kontaminadong bottled mineral water na binili sa isang sari-sari store sa Barangay San Isidro, Antipolo City, Rizal. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, unang nakatikim ng tubig ang kustomer ngunit agad nitong napansin ang kakaibang lasa at mabahong amoy kaya isinumbong ito sa may-ari ng tindahan. Tinikman din ng tindera ang laman ng bote upang beripikahin ang reklamo, ngunit nakaranas umano siya ng matinding hapdi sa bibig, hirap sa paghinga, at paso sa labi at dila, habang nakaramdam din ng…
Read MoreDOJ WALANG DIREKTANG PAPEL SA PLUNDER CASE NI MARCOLETA
NILINAW ng Department of Justice (DOJ) na wala itong direktang partisipasyon sa plunder case na kinakaharap ni Senador Rodante Marcoleta. Ayon sa DOJ, ang Office of the Ombudsman at ang Office of the Special Prosecutor ang siyang nangangasiwa sa pagsasampa at pag-usad ng kaso sa Sandiganbayan. Bagama’t may mandato ang DOJ sa paghawak ng ilang plunder cases, sinabi ng ahensya na limitado sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko ang papel nito sa kasalukuyang usapin. Samantala, iginiit ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na hindi minadali ng Sandiganbayan ang pagresolba sa…
Read MorePROSECUTION TEAM KAY VP SARA: TAUMBAYAN NAGHIHINTAY NG DIREKTANG SAGOT
NANINIWALA ang House prosecution panel na madidismaya ang publiko sa naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na hindi personal na dumalo sa unang araw ng kanyang impeachment trial. Ayon kay House Trial Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong, naghihintay ang taumbayan ng direktang kasagutan mula sa Bise Presidente. Aniya, ang personal na pagharap ni Duterte ay magpapakita sana ng kahandaan nitong sagutin ang mga alegasyon at panindigan ang kanyang pag-angkin ng pagiging inosente. “That would also reinforce her previous statements that she will answer in the proper forum… and this…
Read More