92 PUGANTENG MAY SEXUAL OFFENSES, VAWC CASES ARESTADO NG PNP-CIDG

ARESTADO ng PNP-CIDG ang 92 pugante na may kinahaharap na kasong rape, sexual abuse, child abuse, at Violence Against Women and their Children (VAWC) sa isinagawang operasyon sa buong bansa simula Hunyo 1 hanggang 15. Batay sa inilabas na datos ng CIDG, ang 42 indibidwal na inaresto ay mula sa Luzon, habang ang 14 ay mula sa Visayas at 33 indibidwal naman ang mula sa Mindanao. Sa nasabing bilang, 30 ang tinaguriang Regional Most Wanted Persons, habang 29 ang Provincial Most Wanted Persons at 7 ang City o Municipal Most…

Read More

DOJ: SENATE BUILDING HINDI ‘UNDER ATTACK’ NOONG MAY 13

LUMABAS sa inisyal na imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) Special Panel of Prosecutors na hindi “under attack” ang Senate building nang maganap ang insidente ng putukan sa Senado noong Mayo 13, 2026. Sa press conference kahapon, sinabi ni DOJ Secretary Fredderick Vida na maging ang naging hakbang ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) noong araw na iyon ay hindi katanggap-tanggap ayon sa paunang pagsusuri ng prosekusyon. Ayon sa DOJ, lumitaw rin sa imbestigasyon na sinubukan ng National Bureau of Investigation (NBI) na ipatupad ang arrest warrant ng International…

Read More

PUBLIKO HINIMOK MAKIISA SA SECOND QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

HINIKAYAT ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa sa isasagawang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, Hunyo 18, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan sa mga sakuna. Ang panawagan ay ginawa kasunod ng naganap na magnitude 7.8 na lindol sa Southern Mindanao. Ayon sa NDRRMC, magsisimula ang programa alas-8:00 ng umaga sa pamamagitan ng ceremonial pressing of the button, habang alas-9:00 naman ng umaga ang pagpapatunog ng sirena bilang hudyat ng sabay-sabay na pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold” ng mga…

Read More

ADIONG DINIPENSAHAN ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL

MARIING pinabulaanan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang mga puna na “watered down” o pinalabnaw ang inaprubahang Anti-Political Dynasty Bill ng Kamara. Ayon kay Adiong, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, direktang tinatarget ng panukala ang monopolyo ng kapangyarihang pampulitika habang pinoprotektahan pa rin ang demokratikong karapatan ng mga botante. “On the contrary, it actually addresses the very core problem of the monopoly of power exercised by one family within one locality,” ani Adiong. Noong Hunyo 3, ipinasa ng House of Representatives sa ikatlo…

Read More

CAYETANO: SENATE LEADERSHIP ROW, NAKAUGAT SA FLOOD CONTROL PROBE

IGINIIT ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi matatapos sa pagpapalit ng liderato ng Senado ang paghahanap ng katotohanan sa umano’y mga iregularidad sa flood control program ng pamahalaan. Sa isang online statement nitong Hunyo 17, nagpasalamat si Cayetano sa mga sumuporta sa kanya at kinilala ang mga kaalyadong nanindigan sa kanyang panig sa gitna ng sigalot sa Senado. Kasabay nito, tiniyak niyang ipagpapatuloy niya ang pagtutok sa usapin ng pananagutan kaugnay ng flood control projects. Ayon kay Cayetano, hindi ang posisyon sa Senado ang tunay na isyu kundi ang…

Read More

PBBM NASA RUSSIA NA, 3 CABINET OFFICIALS ITINALAGANG CARETAKERS

DUMATING na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kazan, Russia nitong Miyerkoles para sa kanyang kauna-unahang state visit sa nasabing bansa mula nang maupo bilang Pangulo noong 2022. Lumapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo dakong alas-12:53 ng tanghali, oras sa Pilipinas. Habang nasa Russia, nagtalaga si Pangulong Marcos ng tatlong Cabinet officials na magsisilbing government caretakers upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan at walang magiging pagkaantala sa mga desisyon ng ehekutibo. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sina Executive Secretary Ralph…

Read More

MAHIGIT 303,000 FOOD PACKS, IPINAMAHAGI NA SA QUAKE VICTIMS SA MINDANAO

MAHIGIT 303,000 kahon ng family food packs (FFPs) na ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao. Ayon kay DSWD Disaster Response Management Group Assistant Secretary at spokesperson Irene Dumlao, magpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda dahil marami pa ring komunidad ang nangangailangan ng tulong mula sa pambansa at lokal na pamahalaan. “As of this morning, more than 303,000 family food packs ang naipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan. Itutuloy natin ito dahil batay sa assessment ng DSWD at…

Read More

5 VENDORS NG P950K EXPIRED, TAMPERED PRODUCTS ARESTADO

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District ang limang vendor sa Quiapo matapos matuklasang nagbebenta ng expired at pekeng produktog pagkain. Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Melvin Imperial, Allen Bautista, John Clifford Sagun, Analyn Colangoy, at Geelyn Santillan, kasunod ng tip mula sa isang confidential informant. Batay sa intelligence, nagsagawa ng surveillance at validation ang mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team o S.Ma.R.T. sa ilalim ni Police Lt. Col. Edward Samonte, kasama ang mga tauhan ng Plaza Miranda Police Community Precinct o PCP, na pinamumunuan…

Read More

DOJ NAGLABAS NG LOOKOUT ORDER LABAN KAY BALDWIN, 4 PA

GUMULONG na ang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang Ateneo cagers matapos maglabas ang Department of Justice (DOJ) ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay dating Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin at apat pang indibidwal. Kasama sa inilabas na lookout order sina team manager Epok Quimpo, Reynaldo Jacinto Jr., Dean Castaño at Sandro Soriano. Ayon kay DOJ Secretary Fredderick Vida, layunin ng ILBO na mamonitor ang mga indibidwal sakaling magtangkang bumiyahe palabas ng bansa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. “Let me emphasize that an ILBO is a monitoring mechanism.…

Read More