NANAWAGAN si Senador Mark Villar sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na agarang suriin at repormahin ang ilan sa mga umiiral nitong polisiya, partikular ang 24-hour confinement requirement, kasunod ng reklamo ng isang biyuda na hindi umano nakatanggap ng benepisyo dahil sa naturang patakaran. Ayon kay Villar, dapat nakatuon ang healthcare system sa mas malawak na access at mas mabilis na serbisyo sa halip na mga polisiyang nagdudulot ng kalituhan at pangamba sa mga miyembro. “May Universal Health Care Law na tayo. Ang direksyon ng ating healthcare system ay dapat…
Read MoreCategory: BALITA
JUNE 24: SPECIAL NON-WORKING DAY SA MAYNILA AT LIAN, BATANGAS
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang June 24, 2026, bilang special non-working day sa Lungsd ng Maynila para sa pagdiriwang ng 455th Founding Anniversary nito. Sa ilalim ng Proclamation No. 1320, sinabi ng Pangulo na “it is but fitting and proper for the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration.” Tinintahan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto ang proklamasyon na may ahintulot ng Pangulo nto lamang Hunyo 16. Samantala, idineklara naman ni Pangulong Marcos ang June…
Read MoreDOJ PINAG-IINGAT NBI SA KASO NG 2 ATENEO ATHLETES
INATASAN ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag-ingat sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang Ateneo basketball players upang maiwasan ang pagkalat ng haka-haka. Ito ay matapos tumanggi ang NBI na magkomento sa inisyal na resulta ng imbestigasyon ng pulisya na nagsasabing posibleng hindi aksidente ang pagkamatay ng dalawang manlalaro. Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, magkahiwalay o parallel ang isinasagawang imbestigasyon ng NBI at Philippine National Police (PNP). Matatandaang unang iniulat na nalunod noong Hunyo 8 sa isang…
Read MoreBYPASS ROAD NAGHATID NG SAYA SA MGA ESTUDYANTE NG ‘LAST MILE SCHOOLS’
HINDI lamang saya kundi naghatid din ng pagbabago para sa mga mag-aaral ng tinaguring ‘Last Mile Schools’ sa Bulacan, ang pinasinayaang konstruksyon ng Doña Remedios Trinidad-Dingalan Bypass Road. Ayon sa Department of Education (DepEd), tinuldukan na ng 67.93 kilometrong kalsada na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang matagal nang hamon sa transportasyon, na nagbigay-daan sa mas mabilis at maginhawang biyahe, hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa buong komunidad. Sinabi pa ng kagawaran na matagal nang naging hadlang sa edukasyon ang malalayo at…
Read MoreP30-M DROGA HULI NG BOC AT PDEA
MAHIGIT P30 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay City at Clark, kabilang ang pagkakaaresto ng isang claimant na nagtangkang kunin ang drug-laden parcels. Ayon sa pahayag ng Bureau of Customs–Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), naharang sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City ang dalawang inbound parcels na naglalaman ng tinatayang 505 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.43 milyon. Nadiskubre ang mga kontrabando matapos ma-flag ang mga parsela sa isinagawang customs screening at risk assessment bago…
Read MoreICC WARRANT VS BONG GO WALA PA SA KAMAY NG DOJ
WALA pang natatanggap na opisyal na komunikasyon ang Department of Justice (DOJ) mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng napaulat na warrant of arrest laban kay Senador Christopher “Bong” Go. Ito ang kinumpirma ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez matapos kumalat ang ulat na naglabas na umano ng arrest warrant ang ICC laban sa senador. “We confirm that we have not received any official communication from the ICC regarding the alleged issuance of a warrant of arrest against Sen. Bong Go,” ani Martinez. Ayon sa DOJ, kinumpirma rin nila…
Read MoreREKLAMO, QUO WARRANTO ISINAMPA VS TEODORO
PORMAL na naghain ang grupong pinamumunuan ni Atty. Russel Miraflor ng dalawang magkaugnay na legal na hakbang upang maberipika ang mga rekord ng pagkamamamayan at legal na kwalipikasyon ni Defense Secretary Gilberto Eduardo Gerardo Cojuangco Teodoro Jr. Ayon sa mga complainant, ang mga usaping may kaugnayan sa citizenship, passport declarations at pagiging kwalipikado sa mataas na posisyon sa pamahalaan ay dapat maresolba sa pamamagitan ng dokumentaryong ebidensya at legal na proseso, hindi sa pulitika. Una nilang inihain ang Joint Complaint-Affidavit sa Office of the City Prosecutor ng Pasay City na…
Read More3 SA BAWAT 10 PINOY DUMARANAS NG GUTOM
TATLO sa bawat sampung Pilipino ang walang sapat at maaasahang access sa ligtas at masustansyang pagkain, ayon sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI). Batay sa 2025 Updating of the Nutritional Status of Filipino Children and Other Population Groups, umabot sa 32.6 porsyento ang moderate to severe food insecurity noong 2025, bahagyang mas mababa kumpara sa 33 porsiyentong naitala noong 2023. Naitala ang pinakamataas na antas ng food insecurity sa ilang bahagi ng Mindanao, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na…
Read MoreDATING AFP RESERVIST, NAHULIHAN NG BARIL
ARESTADO ang isang dating AFP reservist makaraang mahulihan ng baril nang tutukan ang ilang awtoridad na nagsasagawa ng inventory sa buy-bust operation, nang mapagkamalang mga tambay sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang naarestong suspek na si alyas “Raymart”. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng inventory operation sa isang buy-bust operation ang personnel ng Dasmariñas CPS Intel Operatives bandang alas-3:00 ng madaling araw sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, nang dumating ang suspek at umihi sa…
Read More