ERAP, GMA SUPORTADO ANG BBM- SARA UNITEAM SA 2022

NAGPAHAYAG ng suporta ang dalawang dating pangulo ng bansa matapos nilang iendorso ang tambalang BBM- SARA Uniteam nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte bilang kanilang opisyal na kandidato para sa darating na halalaan. Nito lamang Huwebes ay pormal nang nakipag-alyansa ang partido ni dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo na Lakas-CMD (Lakas–Christian Muslim Democrats) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating presidente Joseph Estrada sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinangungunahan ni Marcos at sa Hugpong ng Pagbabago (HnP) ni Inday…

Read More

Alyansang susuporta sa tambalan kasado na BBM-SARA UNITEAM IPAPANALO SA 2022

LALONG lumakas at tumibay ang BBM-SARA Uniteam nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte matapos mabuo ang alyansa ng apat sa pinakamalalaking partido sa bansa na siyang susuporta sa kandidatura ng dalawa sa 2022 elections. Pinangunahan ng BBM-Sara Uniteam, ang “Uniteam Alliance Signing” ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), LAKAS-Christian Muslim Democrats (CMD), Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) sa isang simpleng programa kahapon ng umaga sa  Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay. Iginiit ni Bongbong sa kanyang…

Read More

DRUG TEST NI MARCOS LEGIT – PDEA

TULUYAN nang tinultudukan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga agam-agam ng publiko kasunod ng paglilinaw na lehitimo at kinikilala ng Department of Health (DOH) ang inilabas na resulta ng drug test na pinangasiwaan ng St. Luke’s Medical Center. Ayon kay Director Derrick Carreon na tumatayong tagapagsalita ng PDEA, “accredited” ng DOH ang St. Luke’s, maging ang kanilang mga isinasagawang drug test, partikular sa resulta ng pagsusuring kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos. Giit ni Carreon, hindi limitado sa mga pagamutan at mga tanggapan ng gobyerno tulad ng PDEA…

Read More

ORGANIC FARMING ITATAGUYOD NI BONGBONG

ISUSULONG ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagbalangkas ng isang comprehensive organic farming framework na magbibigay-daan para maging viable option para sa mga magsasakang Pilipino ang nasabing sektor. Ayon kay Marcos, mabagal pa din ang pagdagdag ng mga ektaryang ginagamit sa organic farming sa kabila ng pagsabatas mahigit sampung taon nang nakalipas, ng Republic Act No. (RA) 10068 na kilala ring “Organic Agriculture Act of 2010.” “The law mandates that the government has to promote, propagate, develop further and implement the practice of organic…

Read More

BONGBONG NANAWAGAN NG BOOSTER SHOTS PARA SA MGA TSUPER

Suportado ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang pagbibigay ng mga booster shots sa mga tsuper sa harap ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemyang COVID-19. Sinabi ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer na mas maraming tsuper at operators ng mga public utility vehicle (PUV) ang kakailanganin upang maserbisyuhan ang mga tao na umaasa sa pampublikong transportasyon. Dagdag pa ni Marcos na mas kakailanganin ng nga PUV workers ang proteksiyon na ibibigay ng mga booster shots dahil mas lantad sila sa pagkakaroon ng coronavirus. “Drivers and…

Read More

BONGBONG NUMBER 1 PA RIN Sa online survey ng Manila Bulletin

MULING nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa online survey gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform ng pahayagang Manila Bulletin na isinagawa nitong Nobyembre 19 hanggang 21. Ayon sa opisyal na resulta na ipinalabas ng naturang pahayagan, lumamang nang malaki si Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sa Facebook at Manila Bulletin website survey, na nakakuha ng 53.4 porsyento at 55.4 porsyento, ayon sa pagkakasunod. Nasa malayong pangalawa lamang si presidential aspirant Vice President Leni Robredo na mayroong 19.8 porsyento sa Facebook at 34.9…

Read More

BONGBONG TINIYAK NA MANANATILING KONTRA DROGA

SA gitna ng kumakalat na blind item hinggil sa kandidato na gumagamit umano ng cocaine, naglabas ng opisyal na pahayag si Presidential Aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. “I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” bahagi ng statement ngayong umaga ng dating senador. Sinabi rin ni Bongbong na sumailalim na siya sa cocaine test kahapon kung saan negatibo ang…

Read More

BBM SUPPORTERS UMALMA SA PAMEMEKE NG LENI CAMP SA FB PHOTO NG CARAVAN

DISMAYADO ang mga supporter ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos dahil sa ginawang pamemeke sa Facebook ng kampo ni Leni Robredo sa litrato ng libu-libong tagasuporta na dumalo sa ‘unity ride’ nitong Linggo ng umaga sa Abra. Giit ng mga tagasuporta ni Marcos ay pinalitan ng mga tauhan ni Robredo ang larawan ng mga BBM supporters na pawang nakapula at nagtipun-tipon sa Don Mariano Marcos Bridge, ikatlo sa pinakamahabang tulay sa bansa, na nasa Kalinga Road, Langalilang, Abra. Pinalitaw nilang kulay pink ang suot ng BBM supporters na nasa larawan,…

Read More

INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN ANG ATING KANDIDATO, PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!

HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam. “Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo pero walang mangyayari sa pangarap nating inaasam-asam. Anong mgagawa nating lahat? Kailangan masigurado natin na maprotektahan ang ating pagsuporta, protektahan natin ang ating kandidato, protektahan natin si BBM,” ito ang naging pahayag ni Inday Sara sa kanyang…

Read More