Bago bumalik sa face-to-face classes GURO DAPAT BAKUNADO – BONGBONG

BAGAMAT magandang senyales ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na pahintulutan ang limitadong face-to-face classes sa mga lugar kung saan mababa o walang kaso ng nakamamatay na COVID-19, mas mainam pa rin tiyakin ng Department of Education (DepEd) na bakunado ang lahat ng mga guro bilang proteksyon hindi lamang sa kanila kundi maging sa mga mag-aaral. Sa isang pahayag, nanawagan si dating senador Ferdinand “Bongbong Marcos” sa kagawaran na huwag magpadalus-dalos sa agarang pagsasagawa ng mga in-person classes hanggat di pa bakunado ang mga guro at maging ang mga non-teaching…

Read More

Kahit walang political operators – PFP PUSO AT COMMON SENSE MAGPAPANALO KAY BONGBONG

(BERNARD TAGUINOD) KUMPIYANSA ang isang mataas na opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na mananalo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2022 presidential election kahit walang mga kilalang political operator. “Former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. will win in next year’s presidential race without the necessity of brilliant political strategists and tacticians,” ani PFP secretary general Tom Lantion. Ayon sa partido, ang isang team na may ‘heart and common sense’ ang magpapanalo kay Marcos at hindi ang mga kilalang political operators sa bansa. “Our bet for the…

Read More

Aksyon ng DOF pinalagan PCIC PARA LANG SA MAGSASAKA -BONGBONG

INALMAHAN ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang aniya’y di makatarungang paglilipat ng pangangasiwa ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa Department of Finance (DOF). Ani Marcos, ang PCIC ay para lamang sa mga magsasaka at malayo sa mandato ng DOF, kaya naman hindi dapat panghimasukan ng isang ahensyang walang sapat na kaalaman sa agrikultura. “Bakit kailangang itransfer sa DoF… eh, ang DA (Department of Agriculture) ang mas nakakaalam sa mga kaganapan sa agricultural sector? Nasa DA ang lahat ng pertinent data tungkol sa naturang sektor,” giit ng dating…

Read More

Bukod sa Solid North BBM MAY SOLID SOUTH NA RIN

PORMAL nang inendorso ng mga kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang kandidatura ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa 2022 presidential elections. Kasabay ng ginanap na PFP National Convention sa bayan ng Tupi sa lalawigan ng North Cotabato, nagpaabot naman ng suporta ang mga prominenteng politikong nabibilang sa tinaguriang “Solid South,” na kumakatawan sa mga rehiyon, lalawigan, distrito, lungsod, munisipalidad at barangay sa Mindanao. Sa isang resolusyong pirmado ng mga kasapi ng PFP, pinagtibay ng kasapian ang pagsusulong kay Marcos bilang pambato ng Solid South sa…

Read More

Dapat marunong at edukado – PFP BONGBONG FOR PRESIDENT SA 2022

(DANG SAMSON-GARCIA) PORMAL nang inendorso ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang presidential candidate sa May, 2022 elections. Sa National Convention ng PFP sa South Upi, Cotabato, inaprubahan ng mga opisyal at miyembro ng partido ang resolution upang iendorso si Marcos bilang kanilang kandidato sa pagka-Pangulo sa halalan. Ipinaliwanag ni Atty. George Briones na dahil hindi pa pormal na tinatanggap ng dating senador ang pagiging miyembro ng kanilang partido ay hindi pa nila maigagawad ang nominasyon sa kanya bilang presidential candidate ng PFP…

Read More

Payagan magtrabaho kahit sa lockdown areas BAKUNADONG APOR LUWAGAN – BONGBONG

UMAPELA si dating Senador Ferdinand “Bongbong ” Marcos sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na pahintulutan makaalis para makapagtrabaho at makauwi pagkatapos ng trabaho ang mga authorized persons outside the residences (APOR) sa mga lugar na nasa ilalim ng granulized lockdown sa Metro Manila. “Let them go out for a living. And allow them to be with their families after work. It’s their daily routine to get through with this pandemic… financially and mentally,” wika ni Marcos bilang tugon sa mga ipinatutupad na alituntunin…

Read More

MAGPABAKUNA NA PARA IWAS-OSPITAL – BONGBONG

SA tinatakbo ng sitwasyon sa mga pagamutan kung saan halos hindi na magkamayaw sa dami ng pasyenteng nagpositibo sa nakamamatay sa COVID-19, panawagan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa publiko – magpabakuna na. Ani Marcos, mas mainam na maging bakunado nang sa gayon ay maiwasang dumating sa puntong kailangan pang magpa-ospital. Paliwanag ng dating senador, wala na halos paglagyan ng mga pasyente ang mga pagamutan sa dami ng dumarating ng taong positibo sa COVID-19 kada araw. Patunay pa aniya ay ang pila ng mga pasyenteng naghihintay sa labas ng…

Read More

PAGBILI NG COVID VAX PASPASAN – BONGBONG MARCOS

KUMPLIKADONG proseso ang nakikitang dahilan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa likod ng makupad na vaccine rollout ng gobyerno, kaya naman ang kanyang panawagan – pahintulutan ang local government units (LGUs) na bumili ng bakuna. Ayon kay Marcos, kailangang rebisahin ng gobyerno ang kanilang proseso sa pag-angkat ng COVID-19 vaccines mula sa ibang bansa kung nais nitong mahagip ang target na herd immunity. Dapat din aniyang iwaksi ang red tape sa prosesong puntirya ng mga LGU sa gitna ng kapos na suplay na dumarating sa kani-kanilang lokalidad. “To…

Read More

PAGBILI NG COVID VAX PASPASAN – BONGBONG MARCOS

PINASISIMPLEHAN ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang proseso sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19 upang bumilis ang importasyon ng supply nito sa gitna ng pinaigting na vaccination rollout ng pamahalaan. “To ensure enough and continuous stocks of vaccines, the government procurement agency must simply cut through the red tape,” pahayag ni Marcos bilang tugon sa panawagan ng iba’t ibang local government units para sa sapat na suplay ng bakuna. Naalarma rin ang dating senador sa babala ng World Health Organization (WHO) na dominante na ngayon sa bansa…

Read More