PBBM NAGTALAGA NG MGA OPISYAL SA CICC

PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa pamahalaan. Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng ilang bagong opisyal sa Cybercrimes Investigation and Coordinating Center na nasa ilalim ng Department of Information and Communication Technology (DICT). Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo sina Alexander Ramos bilang bagong executive director ng CICC. Bukod kay Roxas, itinalaga rin ng Chief Executive sina Mary Rose Magsaysay bilang deputy executive director, habang sina Patricia Abejo, Rojun Hosillus at Alvin Navarro bilang Director IV. (CHRISTIAN…

Read More

PRES. MARCOS TODO-SUPORTA SA GILAS

(CHRISTIAN DALE) NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa koponan ng Gilas Pilipinas makaraang tambakan at manalo laban Saudi Arabia sa ginanap na 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, Lunes ng gabi. Personal na pinanood ni Pangulong Marcos ang nasabing laro. Dumating ang Pangulo na nasa third quarter na ang laro. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanood si Pangulong Marcos ng national team nang “live” sa venue sa ilalim ng kanyang administrasyon. “Binabati natin ang Gilas Pilipinas sa kanilang panalo laban sa koponan ng Saudi Arabia sa naganap…

Read More

MALASAKIT NI PBBM SA SUGAR FARMERS PINATUNAYAN SA PAGHARANG SA IMPORTASYON

DINIPENSAHAN ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga hakbang ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaugnay sa sugar importation. Binigyang-diin ni Zubiri na malinaw sa mga aksyon ni PBBM ang malasakit sa maliliit na sugar farmers. Ito anya ay pinatunayan sa pagharang ni PBBM sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal. Iginiit ni Zubiri na nais malaman ng Punong Ehekutibo kung ano talaga ang halaga na kailangang angkatin ng bansa at hindi na lamang basta umangkat nang umangkat. Ipinunto rin ng Senate leader ang patuloy na pakikipagpulong ni…

Read More

MODERNISASYON NG PAG-AASIN TUTUTUKAN NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) TUTULONG ang administrasyong Marcos para sa modernisasyon ng industriya ng pag-aasin. Sa katunayan, isiniwalat ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang plano ng administrasyon para paghusayin ang salt production sa bansa. Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang Department of Agriculture, na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mangunguna sa usaping ito kasama ang ilang ahensya ng gobyerno. Ani Cruz-Angeles, ang plano ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Ang DA ay magpapatupad ng mga programa at inisyatiba para palakasin ang salt production at…

Read More

VETERANS HOSPITAL SA VISMIN ITATAYO NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) SA pagdiriwang kahapon ng National Heroes Day ay inaalala rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kabayanihan ng mga beteranong nakipaglaban noong panahon ng digmaan. Dito ay inanunsyo ng Pangulo na magpapatayo ang pamahalaan ng mga ospital para sa mga beterano sa Visayas at Mindanao. Makakaasa aniya ang mga beteranong sundalo na mananatiling aktibo ang gobyerno sa pagsusulong ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga ito lalo na para sa kanilang mga rekisitong may kinalaman sa pangkalusugan. “Kaisa ng Philippine Veterans Affairs Office, magpapatayo tayo ng mga…

Read More

Prayoridad ni PBBM FOOD SECURITY TIYAK NA SA PAGBUHOS NG PONDO SA DA

(BERNARD TAGUINOD) MAKAKAMIT ng bansa ang layuning food security ngayong tinapos na ni President at Department of Agriculture (DA) Secretary Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kakapusan sa pondo ng nasabing ahensya. “You can say that this is the beginning of the end of a funding drought. To beat hunger, a country should not starve its farming sector of funds,” ani Deputy Speaker Ralph Recto. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos madagdagan ng 44% ang pondo ng DA sa ilalim ng 2023 national budget kaya makakakuha ang ahensya ng P102.15 billion…

Read More

Sa tinatarget na post-pandemic recovery ng MSMEs KAHALAGAHAN NG DIGITALIZATION BINIGYANG DIIN NI PANG. MARCOS JR.

BINIGYANG DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang digitalization sa isinasagawang MSME Summit 2022. Sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa okasyon, sinabi nito na natutuwa siyang magkalinya ang ideya na kanyang isinusulong sa ipinupursige rin ng MSME Summit para sa pagbabalik sigla ng ekonomiya ng bansa. Partikular na aniya ang pagtataguyod sa digitalization na para sa Chief Executive ay magandang avenue para makamit ang economic recovery ng mga nasa Micro, Small, Medium Enterprise. Nagtutugma aniya rito ang gobyerno at ang pribadong sektor sa gitna ng magkaparehong pananaw para sa…

Read More

Mga negosyante pinuri ni PBBM ‘BAYANIHAN SPIRIT’ SA SUPLAY NG ASUKAL

PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang walang pag-iimbot na tugon ng mga negosyante na batid kung kailan ibababa ang kanilang dapat sana’y magiging tubo para sa kapakanan ng Filipino consumers na labis na naghihinagpis mula sa kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng asukal at iba pang pangunahing bilihin. “This is a classic display of the Filipino spirit of ‘bayanihan’ and love of country. It is good to know that consumers are now enjoying the price-drop of sugar in the leading groceries and supermarkets,” ayon kay Pangulong Marcos. Tapos…

Read More

EVACUATION CENTERS SA MGA SINALANTA NI ‘FLORITA’ INIUTOS NI PBBM SA DILG

SINABI ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na inatasan siya ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na alamin ang evacuation centers na pansamantalang masisilungan ng mga pamilyang sinalanta ng bagyong Florita. “Kanina ho galing kami sa Cabinet meeting, ito nga ang binilin niya, so ensured na talagang naka-monitor at naka-identify na po ang mga evacuation centers dito and just like the DSWD (Department of Social Welfare and Development), we are in constant touch with our local government unit partners na nasa baba po,” ayon kay…

Read More