UMABOT sa 12 katao ang ang nagpositibo sa 70 individuals na isinailalim sa COVID-19 testing sa Brgy. Apolonio Samson, na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City kamakailan. Ito ang lumabas sa isinagawang expanded covid testing ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit sa Magsalin Compound sa naturang barangay. Tatlo sa mga ito ang close contact ng mag-asawang unang nagpositibo sa COVID-19. Isa sa mga ito ay senior citizen at dalawa ang menor de edad. Ang nasabing lugar ay kasalukuyan naka-lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.…
Read MoreCategory: COVID-19
DUTERTE, SOTTO DAPAT MAGKAISA PARA SA BAKUNA
HINILING ni Senator Christopher “Bong” Go kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Vicente Sotto III na magkaisa alang-alang sa agarang implementasyon ng national vaccination program laban sa COVID-19. Sa pahayag, sinabi ni Go na dapat isaalang-alang ng lahat ang kapakanan ng ating bayan at mahihirap na kababayang Pilipino na lubha nang nagdurusa sa pandemya. “I am appealing to President Duterte and to Senate President Sotto na magkaisa na lang po tayo para makapag-umpisa na po ng pagbabakuna,” ani Go. “Sinagot lang po ng pangulo kung ano po ang nabasa…
Read MoreBilang bagong vaccinators NON-MEDICAL PRACTITIONERS SASANAYIN
SASANAYIN ang iba pang medical professionals bilang vaccinators sakaling maisabatas ang panukalang inihain ni Senador Richard Gordon para sa implementasyon ng pambansang programa sa immunization sa panahon ng epidemya, pandemya at national health emergencies tulad ng COVID-19 pandemic. Sa pahayag, sinabi ni Gordon na may limitadong bilang lamang tayo ng doktor, nars at midwife na puwedeng tumulong sa pagbabakuna kaya inihain ang naturang panukala. “We filed a bill to expand the pool of vaccinators of the DOH by training other professionals such as dentists, veterinarians, medical technologists and even those…
Read MorePRESERVATION NG BAKUNA TUTUTUKAN
MASUSI nang nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa iba’t ibang vaccine companies para mabigyan ng tamang gabay sa pag-preserba ng COVID-19 vaccines na aangkatin ng Pilipinas. Layunin nito na maiwasan ang pagkasira ng bibilhing bakuna. Ito’y sa kabila na wala namang natanggap na impormasyon ang gobyerno na may mga nasirang COVID-19 vaccine na inangkat ng ilang bansa dahil sa nagkaroon ng mga pagbabago sa storage temperture nito. Sinabi ni testing czar Sec. Vince Dizon na closely coordinated din si vaccine czar Carlito galvez at ang vaccine cluster ng bansa sa mga pribadong…
Read MoreBAYAD SA SINOVAC HINDI MARKET PRICE
SINABI ng Malakanyang na hindi bibilhin ng Pilipinas sa halaga ng market price ng China ang bakunang Sinovac. Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson na posibleng may korapsiyon sa malaking pagkakaiba ng Sinovac vaccine sa Pilipinas at iba pang bansa. “With all due respect at talagang malapit po ang aming relasyon ni Senator Lacson, kung maalala po ninyo noong siya ay nagtatago, ako talaga iyong dumidepensa sa kaniya ano. But with all due respect kay Senator Lacson, hindi po nagbago ang posisyon…
Read MorePINAS LAGLAG NA SA TOP 20 Sa mga bansang may mataas na covid cases
HINDI na mapigilan ang paglayo ng ranking ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na mula sa dating pagkakasama sa top 20 countries with the most number of corona virus cases ay nasa ika-32 na lang aniya tayo ngayon. “Ang posisyon po natin worldwide ay tayo po ay nasa 32nd place. Kung maaalala ninyo po noong October 1, 2020 nasa 20th place tayo at panay po ang pambabatikos, lalung-lalo na ng media sa atin bakit…
Read MoreAYAW SA CHINA-MADE COVID-19 VACCINES
TAYTAY, Rizal – Sa paghahangad na mabuo ang kumpiyansa ng mga residente sa mass vaccination, minarapat ng lokal na pamahalaan ang pagbili ng mga bakunang may mataas na antas ng bisa. Sa isang social media post, sinabi ni Taytay Mayor Joric Gacula na napagpasyahan nilang tangkilikin ang bakunang gawa ng AstraZeneca at Moderna, batay na rin sa general consensus ng kanilang mamamayan. Aniya, may agam-agam ang maraming residente ng kanilang bayan sa bakunang gawa ng Tsina lalo pa’t napag-alamang masyadong mababa ang efficacy rate ng mga ito. Sa isinagawang konsultasyon…
Read MoreMANILA VACCINE PROGRAM PWEDE KAHIT SA ‘DI MANILENYO
NAG-ANUNSYO si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na maaaring magpaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kahit na hindi residente ng lungsod. Ayon sa alkalde, bukas ang COVID-19 vaccine program ng city government sa Manila residents at non-Manila residents. “Manilans and non-Manilans, pwede po kayo magpabakuna sa Manila LGU sa sandaling dumating na ang bakuna,” pahayag ng alkalde. Matatandaang noong nakaraang linggo, inanunsiyo ng alkalde na lumagda na ang Manila LGU ng tripartite agreement sa national government at sa AstraZeneca para sa pagbili ng 800,000 COVID-19 vaccines para…
Read More4 QUEZON CITY AREAS NA MAY MATAAS NA COVID-19 CASES, NI-LOCKDOWN
ISINAILALIM ng Quezon City government sa special concern lockdown ang apat na lugar ng lungsod kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 noong holiday season. Kabilang sa mga lugar ay ang No. 62 Agno Extension sa Barangay Tatalon; No. 1 Salary Street sa Barangay Sangandaan; No. 54 Interior, Magsalin Street sa Barangay Apolonio Samson; at 9C, 9D, 97 La Felonila Street sa Barangay Damayang Lagi, na tumaas ang kabuuang bilang ng lockdown areas hanggang anim. Ipinatupad ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ang special concern lockdowns sa…
Read More