SUMIRIT ang kaso ng COVID 19 noong nagdaang Christmas season. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 14 araw matapos ang December 24, 2020 ay nakapagtala ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng pagsirit ng kaso ng corona virus. “Ito naman po ang infographic ng confirmed COVID-19 cases by adjust date of onset as of January 17, 2021. Siguro po obvious na on the 14th day after Christmas eve, on the 14th day after December 24, ayan po nagtala po tayo ng talagang mas madaming kaso ng covid,” ang pahayag ni Sec.…
Read MoreCategory: COVID-19
ACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA UMAKYAT SA 220
PATULOY sa paglobo ang active cases sa Valenzuela na naitala sa 220 noong Enero 18. Nadagdagan naman ng dalawa ang confirmed cases sa lungsod na sa kasalukuyan ay 8,934 na ang bilang. Umabot na sa 8,452 ang recovered cases at 262 ang naitalang namatay. Samantala, isa sa apat na bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City, ang binawian ng buhay noong Enero 18. Ayon sa City Health Office, pito naman ang gumaling sa nasabi ring araw. Umabot na sa 5,537 ang tinamaan ng COVID sa lungsod. Habang 5,306 na ang…
Read MoreTAGUIG CITY NAGHIHINTAY NG BAKUNA MULA SA NAT’L GOV
NAGHIHINTAY ang administrasyon ni Mayor Lino Cayetano sa bakuna na ibibigay ng pambansang pamahalaan na siyang pangunahing ituturok sa mga residente ng Lungsod ng Taguig upang maging ligtas mula sa COVID-19. Matapos gamitin ang bakunang galing sa pamahalaang nasyonal, gagamitin naman ng pamahalaang lungsod ang bakunang inorder ng huli mula sa AstraZeneca, pahayag ni Cayetano. “The national government’s allotment will come first. We expect it during the first quarter but that will be for medical frontliners and the vulnerable sectors so we have already been preparing our vaccination sites and…
Read MoreDIGONG HANDANG MAUNA SA BAKUNA
HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maunang magpaturok ng COVID-19 vaccine sakaling dumating na ito sa bansa. Ito ang tugon ng Malacanang sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na dapat isa ang presidente sa unang maturukan ng bakuna. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi mag-aatubili ang pangulo na gawin ito para mawala ang takot at alinlangan sa bakuna ng taumbayan. “Well, iyan po ay sangguni na naman niya pero Im sure ang presidente naman po paiba-iba ang kanyang prayoridad sa kanyang Talk to the People. Hayaan po…
Read MoreVACCINES NG LGUs SA 2022 DARATING
SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca. Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na rin ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca. Sa 2022 pa ani Roque, ang dating ng karamihan sa delivery ng mga LGU na tatak Astrazeneca na maaari namang hintayin ng mga kababayan kung kanilang gugustuhin. Ngayong Hulyo ay may darating din naman na suplay subalit…
Read MoreSa pagkamatay ng 29 seniors na nabakunahan sa Norway TAKOT NG PUBLIKO PINAWI NG PALASYO
NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga senior citizen na huwag munang bigyan ng konklusyon ang pagkamatay ng 29 katao sa Norway matapos turukan ng bakunang gawa ng Pfizer laban sa COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kinakailangang pag-aralan muna kung bakit nagkaroon o nagresulta ng pagkamatay matapos umanong bakunahan ng Pfizer. “Kung sigurado ba na dahil yan sa Pfizer noh. Huwag muna tayong magkaroon ng conclusion. Pero ang akin lang po, talang pandemiya po ngayon. Panahon ng emergency kaya nga po walang commercial distribution kaya…
Read MoreSa mga lugar na walang transmission ng COVID-19 NEW NORMAL PWEDE NANG IKASA
MAAARI nang isailalim sa “new normal” ang mga lugar na wala nang COVID-19 transmission kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na, ayon sa Malakanyang. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng new normal areas sa bansa. Aniya pa, bumabalangkas na ang task force ng guidelines para sa new normal. “It has been approved in principle po talaga na magkakaroon ng deklarasyon ng new normal areas. Pero ang binubuo lang…
Read MoreAYUDA SA BARANGAY HEALTH WORKERS
PINAGKALOOBAN ng tulong pinansyal at relief packs ang nasa 100 Barangay Health Workers o BHW ng Sta. Rosa City, Laguna upang makaagapay sila ngayong panahon ng pandemya. Pinangunahan ni dating House speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pamimigay ng ayuda na itinaon sa kaarawan ni dating Deputy Speaker at Laguna 1st District Representative Dan Fernandez ng nasabing lungsod. Kabilang sa limang dumalo na miyembro ng “BTS sa Kongreso” sina House deputy speaker at Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte Jr., AnaKalusugan Party-list Rep. Mike Defensor,…
Read MoreP16.8-B NA-SAVE SA ‘NABUKING’ NA PRESYO NG SINOVAC
AABOT sa P16.8 bilyon ang natipid mula sa kaban ng bayan kung ikukumpara ang nauna at pinakahuling inilabas ng Department of Health na presyo ng Sinovac. Ito ang binigyang-diin ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa kanyang privilege speech sa sesyon ng Senado na nananawagan ng panibagong pagdinig sa vaccination program ng gobyerno. “Marahil kung sakaling hindi natalakay sa pagdinig ng Senado ang kontrobersya ng Sinovac, at assuming natuloy ang original na presyong P3,629 or $38 kada dalawang bakuna o P1,814 equivalent to $19 kada turok, kontra $5 sa Thailand, easily…
Read More