ISA na namang lugar sa Navotas ang kinailangang i-lockdown matapos magkaroon ng apat na residenteng positibo sa COVID-19, ayon kay Mayor Toby Tiangco. “Nagtala rin po tayo ng 13.46% growth rate sa ating mga kaso sa pagitan lamang ng dalawang linggo,” dagdag pa ng alkalde. Isa naman ang nagpositibo sa nasabing nakamamatay na sakit noong Enero 25 habang tatlo ang gumaling. Hanggang alas-3:00 ng hapon ng nasabing petsa ay 5,581 na ang tinamaan ng COVID sa siyudad. Mula sa bilang na ito ay 5,336 na ang gumaling, 173 ang namatay…
Read MoreCategory: COVID-19
ONLINE REGISTRATION SA VCVAX, SIMULA NA
HINIMOK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano”. Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net at i-click ang “Vaccination Registration” button. Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung wala pang ValTrace account, mag-register. Sagutan ang online form at mag-upload ng larawan ng anumang government issued ID. Ang kasunod na hakbang ay pindutin ang checkbox bilang pagsang-ayon sa “Privacy Notice and…
Read MoreHIGIT 1.5M BATA TARGET NG BAKUNA SA CALABARZON
TARGET ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang mahigit 1.5 milyong mga bata sa rehiyon na mabakunahan sa isasagawang “Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity” (MR OPV SIA) Phase 2 Campaign mula Pebrero 1-28, 2021. Sa probinsiya ng Batangas, target ng Regional office ang 290,588 bata; 380,067 sa probinsya ng Cavite; 306,619 sa Laguna; 236,913 sa Quezon, at 310,140 sa Rizal o kabuuang 1,524,327. “The regional office, our LGU partners and the vaccination teams are ready to do their tasks and reach…
Read MoreCALOOCAN BUMUO NA NG VAX TEAMS
BINUBUO na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang vaccination teams at inihahanda ang vaccination areas na gagamitin bilang preparasyon sa pagdating ng COVID-19 vaccines. Kasabay nito, tiniyak ni Mayor Oca Malapitan na ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat upang maging maayos ang pagbabakuna sa Caloocan. Ang vaccination teams ay pangungunahan ng mga doktor at nurse sa lungsod habang gagamitin naman ang malalaking eskwelahan bilang vaccination areas. Ayon sa guidelines ng Department of Health, ang bawat vaccination site ay bubuuin ng waiting area, registration area, screening area, counselling and final consent…
Read MoreRESULTA NG PAGSUSURI SA SINOVAC VACCINE HINTAYIN
NANAWAGAN si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko na hintayin muna ang resulta ng pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA) kung epektibo at ligtas ang anomang bakuna tulad ng Sinovac mula China. Sa pahayag, nilinaw ni Go na idadaan sa matinding pagsusuri ng eksperto ang lahat ng bakuna laban sa COVID-19 tulad ng Sinovac bago ito ipagamit sa publiko kaya nakatitiyak na ligtas ang gamot. Tiniyak din ni Go na bilang chairman ng Senate Committee on health and demography, palagi nitong ipinaaalala sa FDA at kay Vaccine czar…
Read MoreNAVOTAS, VALENZUELA KASADO NA SA BAKUNA
NAGHAHANDA na ang lokal na pamahalaan ng mga lungsod ng Navotas at Valenzuela sa paglalagyan nila ng kanilang mga bakuna sa COVID-19 bago ang pagdating nito sa bansa. Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, bumili ang pamahalaang lungsod ng bio refrigerator, single insulation transport cooler, at ng dalawang ultra-low temperature freezer na may temperaturang hanggang -86℃. Aniya, ang refrigerator ay maglalaman ng mga diluent o panghalo sa bakuna, at isa sa dalawang freezer ay na-deliver na. Ang bawat freezer ay maaaring maglaman ng 23,400 hanggang 35,100 vials ng bakuna. “Tatlong…
Read MoreQC RESIDENT NAKAREKOBER SA UK COVID VARIANT
INANUNSYO ng Quezon City government nitong Biyernes, ang residenteng nag-positive sa UK COVID-19 variant, ay negatibo na base sa isinagawang pinakabagong swab test. Ayon kay Dr. Rolly Cruz, pinuno ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), ang mga doctor sa quarantine facility kung saan nanunuluyan ang pasyente. ay nagsagawa ng final assessment bago pa man ideklarang fully recovered na ito. “After that, he would be allowed to reunite with his family and reintegrate with the community,” ani Cruz. Ngunit sinabi ni Cruz na mananatili pa rin ang pasyente sa…
Read MoreBULACAN NAKAPAGTALA NG 96% RECOVERY RATE SA COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS- Sa lahat ng probinsiyang nakapalibot sa National Capital Region (NCR), ang lalawigan ng Bulacan ang umani ng mga papuri mula sa pamahalaang nasyunal dahil sa pagkakamit ng pinakamababang infection rate at nakapagtala ng pinakamataas na recovery rate na 96 porsyento at walang namatay sa nakalipas na mga buwan kaugnay ng kaso ng Coronavirus disease o COVID-19. Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando, isang paraan ang disiplina sa sarili na siyang pinakamabisang panlaban sa nasabing nakamamatay na virus habang hinihintay pa ang bakuna. Muling binigyang diin ng gobernador…
Read MoreBAYANIHAN BILL SA BAKUNA IKINAKASA
KASUNOD ng Bayanihan Law 1 at 2, isa pang Bayanihan Bill ang ikinakasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para tugunan naman ang vaccination rollout program ng gobyerno. Tinawag ni Albay Rep. Joey Salceda na Bayanihan sa Bakuna Act ang kanyang House Bill (HB) 8285 na siyang magiging batayan kung paaano ipatutupad ang vaccination program ng gobyerno upang walang masayang na bakuna lalo na’t maiksi ang expiration ng COVID-19 vaccines. Ang Bayanihan 1 ay tinawag na Bayanihan to Heal as One Act habang ang Bayanihan To Recover As One Act ay…
Read More