Paalala ng Malakanyang para lumuwag sa checkpoints RAPIDPASS SYSTEM PAIRALIN

PARA lumuwag naman ang checkpoints dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) ay pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga pulis at sundalo na i-apply ang RapidPass system, isang virtual identification system na inaasahang magagamit ang QR code technology. “Ibig sabihin lahat po ng iniisyung ID ng IATF ay patuloy pa rin pong kikilalanin,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Aniya, ang enrolment para sa RapidPass system ay kailangang gawin nang boluntaryo at dapat ay ma-cover ang mga private sector entities o indibidwal. Ang RapidPass System ay binuo ng Department of…

Read More

271 BAGONG KASO NG COVID-19

NAKAPAGTALA ng 271 bagong confirmed COVID-19 cases ang Department of Health (DOH) ngayong araw, April 23, kaya pumalo na sa 6,981 ang total na bilang ng mga nagpositibo sa sakit sa bansa. Ang bilang naman ng namatay ay nadagdagan ng 16 kaya umakyat ang death toll sa 462. Sa kabila nito, nananatiling mataas ang numero ng recoveries dahil sa 29 na bagong naitalang gumaling. May 722 kabuuang bilang na ng COVID-19 recoveries. Samantala, nakapagtala ng unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prison, ayon sa Bureau of Corrections. Ito…

Read More

INFO DISSEMINATION SA COVID-19 INIATANG KINA SEC. ROQUE AT USEC VERGERIE

INIUTOS ng Office of the Executive Secretary na ang information-sharing kaugnay sa COVID-19 ay centralized sa pamamagitan ng Office of the Presidential Spokesperson. Wala namang ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung ano ang basehan sa bagong sistema na ito. “Hindi ko po alam ang basehan ng decision. Pero ang sabi ko nga po nung unang tinanong ako ng isang Usec ng PCOO, eh I defer to the construction of Secretary (Karlo) Nograles on the memo,” ayon kay Sec. Roque. Nakasaad aniya sa memo na ang tanging awtorisado na magsalita…

Read More

EPEKTO NG COVID-19 SA NEGOSYO SINISILIP NA NG NEDA

INIULAT ni NEDA Acting Secretary Karl Chua na nagsasagawa na sila ng consumer at business survey upang mula dito ay madetermina nila kung gaano katindi ang naging epekto ng pagtama ng COVID lalong lalo sa maliliit na negosyante. Sa katapusan ng buwan ayon kay Chua malalaman ang impact o ang kabuuang epekto na idinulot ng virus na humagupit sa bansa na pati sa mga negosyante ay naramdaman ang hatid nitong salot. Sa sandali namang matumbok na kung gaano kagrabe ang naging epekto ng coronavirus sa mga nagnenegosyo, dito na anila…

Read More

MODIFIED QUARANTINE NANGINGIBABAW SA REKOMENDASYON KAY PDU30

NANGIBABAW ang rekomendasyon na magpatupad ng modified community quarantine pagkatapos ng April 30. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng inaasahang ibababang pasiya ng Chief Executive mamaya sa kanyang public message kung mananatili o aalisin na ba ang Luzon enhanced community quarantine. Ani Sec. Roque, bagama’t ang karamihan sa mga ekspertong kinunsulta ng Pangulong Duterte ay rekomendado ang modified quarantine ay sa bandang huli ay nasa Pangulo pa rin ang desisyon kung ano ang hakbang na ipatutupad nito pagkalipas ng Abril 30. Mahirap aniyang pangunahan kung…

Read More

DILG: KRITIKAL ANG TRABAHO NG BRGY VS COVID – 19

MULING ipinarating at ipinaalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mahigit 42,000 pamahalaang barangay sa bansa ang “kritikal” na papel nito sa pagsugpo sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Kaya, ipinunto ng DILG sa pinakabagong kalatas nito na isinapubliko nitong Abril 22 na obligadong kumilos at mahigpit na ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon, partikular ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs). “Kayong mga nasa barangay ang mas nakakaalam at nakakakita ng situwasyon sa komunidad. Kayo ang mga kamay at paa ng…

Read More

SOCIAL WORKERS PINAGBABANTAAN NG MGA ‘DI KUNTENTONG SAP BENEFICIARIES

HUMINGI ng pag-unawa mula sa publiko ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) lalo na sa kanilang mga social worker na namimigay ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) dahil na rin sa nakatatanggap ang mga ito ng banta sa buhay kabasay ng pagtupad sa kanilang tungkulin. Sinabi ni DSWD Undersecretary Rene Paje na ang iba ay namumura pa ng mga tao at napagbibintangan ng kung anu-ano. “Kami po ay nakikiusap sa ating mga kababayan na huwag magalit, kundi ay bigyan ng tiwala at pang-unawa ang…

Read More

$2.5-M COVID-19 EQUIPMENT DUMATING NA

DUMATING na sa bansa ang C-130 Plane ng Philippine Air Force sakay ang $2.5 million dollar laboratory equipment para sa coronavirus na binili ng Pilipinas sa China. Nagtungo nitong Martes sa Shenzen, China ang C-130 para kunin ang COVID-19 equipment na ang halaga ay umaabot sa $2.5 million. Bandang alas-2:40 ng madaling araw nitong Miyerkoles nang lumapag sa Clark International Airport ang C-130. Nabatid na ang BGI COVID-19 equipment ay itatayo sa loob ng pito hanggang sampung araw sa pamamahala ng Department of Health. Oras na maging operational umano ang…

Read More

BILANG NG MGA MAY COVID BUMABABA

MAS mababa na kumpara sa dati ang naitatalang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, base sa anunsyo ng Department of Health. Sa ulat ng DOH, hanggang 4:00pm kahapon ay nakapagtala ng 111 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat na sa 6,710 ang kabuuang kaso sa bansa. Siyam namang pasyente ang binawian ng buhay dahilan para maitala ang 446 kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa. Patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa virus matapos madagdagan ng 39 pang pasyente kaya umabot na sa…

Read More