PNP AT AFP NAG-DEPLOY NG DAGDAG NA PUWERSA

NAGDAGDAG ng puwersa sa mga lansangan ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para masupil ang krimen at posibleng looting sa panahong naka-lockdown ang maraming lugar sa Luzon dahil sa pag-iwas na lumaganap ang coronavirus disease. Unang tinutukan ng PNP at AFP Joint Task Force-NCR ang mga lugar na sinasabi sa social media na may mga insidente ng panloloob o pagnanakaw. Una nang pinabulaanan ni PNP chief Directorial Staff for Operation Ltgen Guillermo Eleazar ang ulat hinggil sa nakawan. Iniulat naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard…

Read More

BUSINESS ESTABLISHMENTS SARADO PAGSAPIT NG ALAS-5

DAVAO CITY-Iniutos ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagpapasara sa mga establisimyento sa lungsod pagsapit ng alas-5 ng hapon. Sa panibagong executive order na inilabas ng lokal na pamahalaan ng lungsod, kailangang magsara ang mga business establishment pagsapit ng alas-5 ng hapon hanggang umiiral ang national state of emergency kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19). Nagpalabas din ang lokal na gobyerno ng Executive Order No. 16, na nag-uutos sa lahat ng malls at mixed-use buildings at mga hindi importanteng tindahan na magsara maliban sa supermarkets, pharmacies, bangko, mall inhouse department…

Read More

17 PASAWAY SA QUARANTINE SA BULACAN INARESTO

BULACAN – Umabot sa 17 pasaway ang inaresto sa gitna nang mahigpit na implementayson ng enhance community quarantine sa lalawigang ito, noong Miyerkoles at Huwebes. Ayon kay Bulacan Police Director Col. Lawrence Cajipe, habang ipinatutupad ang strict implementation ng quarantine sa buong lalawigan, nakapag-aresto sila ng mga hindi sumusunod sa prohibisyon sa derektiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kinakaharap na health emergency ng bansa laban sa COVID-19. “Ang mga inaresto ay naging pasaway, unruly at nagsasalita nang hindi maganda sa mga awtorisadong personalidad habang nagpapairal ng batas,” ayon kay Cajipe.…

Read More

PUGANTENG COVID PATIENT, ARESTADO

NEGROS Occidental – Arestado ang isang person under monitoring (PUM) sa sakit na COVID-19, na tumakas sa gitna ng mandatory quarantine sa lalawigang ito. Kinilala ang lalaking wala na sa kanyang kwarto nang puntahan ng mga awtoridad, na si Felix Alejo. Kabilang si Alejo sa 90 stranded na mga pasahero mula sa Clark, Pampanga, na dumating sa Bacolod-Silay Airport noong isang araw. Itinuturing silang mga PUM ng provincial government at kailangang dumaan sa 14-day quarantine period sa isang resort sa Murcia na katabing bayan ng Bacolod City. Napag-alaman, matapos ang…

Read More

7 POSITIBO SA COVID-19 SA CAVITE

CAVITE – Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nagpositibo sa Corona Virus (COVID)-19 sa lalawigan ito, matapos ang ulat na isang 44-anyos na babae mula sa Dasmarinas City, ang dinapuan din ng nasabing sakit. Sa kanyang facebook account, sinabi ni Governor Jonvic Remulla na ang pang-7 kaso ng COVID sa Cavite ay kasalukuyang ginagamot sa Research Institute of Tropical Medicine ( (RITM). Samantala, idineklara naman ng Department of Health (DOH) na nakarekober sa sakit ang kauna-unahang naitalang positibo sa COVID-19 sa Cavite. Sa DOH COVID-19 Case bulletin #005,…

Read More

2 OSPITAL SA NCR EXCLUSIVE SA COVID-19 PATIENTS

IKINOKONSIDERA ng Department of Healt na gawing ‘exclusive facility’ ang dalawang ospital sa NCR na siyang tatanggap sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque. Ang Philippine General Hospital sa Maynila at Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan ang ikinokonsidera ng kalihim na tatanggap ng ‘crucial task’ sa gitna ng public health emergency sa bansa. Ayon pa sa kalihim, kailangan ang naturang “specialized health facilities” dahil magugulo pa ang ibang serbisyo ng mga ospital dahil sa COVID-19. Nauubusan na rin aniya ng mga hospital staff…

Read More

P27-B FOOD BUDGET APRUB SA KONGRESO

TINIYAK ni Senate President Vicente Sotto III na magsasagawa ng special session ang Senado upang ipasa ang P27 bilyon na magsisilbing food budget para sa milyun-milyong mahihirap habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon. Ani Sotto, ang naturang halaga ay ipamamahagi sa mga manggagawang nawalan ng kita simula nang ipatupad ang community quarantine sa National Capital Region (NCR) nitong Marso 15 hanggang ginawang enhanced community quarantine na sinakop na ang buong Luzon. Ang enhanced quarantine ay tatagal hanggang Abril 14 alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay…

Read More

Para mapakain ang 6.9-M “no work-no pay employees GOBYERNO GUGUGOL NG P65-B

MANGANGAILANGAN ang gobyerno ng P65 Billion para mapakain ang may 6.9 milyong ‘no work-no pay’ employees sa buong Luzon sa loob ng 23 araw. Ito ang pagtatayang ginawa ng Minorya sa mababang kapulungan ng Kongreso sa gitna ng pagkukumahog ng gobyerno at mga local government unit (LGUs) na mapakain ang kanilang mga constituent na nawalan ng hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine. Ayon kina House minority leader Bienvenido Abante, kailangang mabigyan ng tig- P9,420 ang bawat contractual employees at ibang manggagawa na hindi sumasahod kung hindi papasok sa trabaho. Kasya…

Read More

Rep. Nograles pabor sa special session sa Kamara AYUDA SA MAHIHIRAP MADALIIN

SINANG-AYUNAN ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng special session ang Kongreso upang tugunan ang krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Bukod dito, kailangan din nilang gumawa ng dagdag na mekanismo para matulungan ang mahihirap na limitado ang kakayahan na harapin ang panganib na dala ng nasabing sakit. “Suportado natin ang panawagan na special session, unang-una para maaksyunan ang supplemental budget na hinihingi ng Department of Health para matugunan ang COVID- 19,” ayon kay Nograles. Inaprubahan noong…

Read More