Sa lungsod ng Maynila 25,668 NABAKUNAHAN VS COVID SA ISANG ARAW

MULING ibinida ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na na-break ng lungsod ang kanilang record sa pinakamaraming nabakunahan sa loob ng isang araw matapos iulat na 25,688 katao ang nabakunahan noong Hunyo 14 nang buksang muli ang mass vaccination sa 22 vaccination sites sa Maynila. Ayon sa alkalde, marami pang mga tao ang pinauwi dahil hindi umabot sa cut-off ng pagbabakuna. Humingi naman ng paumanhin si Moreno sa mga hindi napasama sa cut-off dahil gustuhin man niyang mabakunahan ang lahat ay hindi maaari dahil sa limitadong supply ng COVID-19…

Read More

1.8M PINOY FULLY VACCINATED NA

PUMALO na sa 1,879,694 indibidwal sa Pilipinas ang maituturing na “fully vaccinated” laban sa COVID-19 “as of June 14.” Tinukoy ni Presidential spokesperson Harry Roque ang data mula sa National COVID-19 Vaccine Operations Center, kung saan mahigit 6.9 million doses ang na-administer sa buong bansa. Kabilang sa mga fully vaccinated individuals ay ang (968,750) health workers; (479,034) senior citizens; (424,889) persons with comorbidities, at (7,021) essential workers. Samantala, may kabuuang 5,068,855 katao naman ang nakatanggap ng “at least one shot” ng COVID-19 vaccine. Sa nasabing bilang, 1.4 million ay health…

Read More

Solon sa IATF, DOH: HALAGA NG BAKUNA ILANTAD SA MASA

HINIKAYAT ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na mas maging bukas ito sa publiko tungkol sa mga detalye sa pag-angkat at pagbili ng bakuna, lalo na sa presyo nito kada turok at kung magkano ang magagastos sa pag-angkat ng minimum na 140 milyong bakuna. Kung ang pag-angkat ng bakuna ay nangangailangan ng paunang bayad, dapat magkaroon ng “multi-year budgeting approach” ang pamahalaan at hindi umasa sa “annualized financing,” mungkahi ni Villanueva, na nakatakdang dumalo sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa vaccination program ng gobyerno sa Martes. “Kung…

Read More

BAKUNAHAN SA MOVIE INDUSTRY UMARANGKADA

SINIMULAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pakikipagtulungan sa Mowelfund ang pagbabakuna sa mga manggagawa ng entertainment industry. Ang mga ito ay kabilang sa A4 priority list. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na nasa 120 pa lang ang nababakunahan na manggagawa mula sa Mowelfund. Ang mga ito, ani Abalos ay iyong mga taong ‘behind the camera”, taga-hawak ng ilaw at scriptwriters. Maliban sa mga manggagawa ay nabakunahan din ang ilang personalidad gaya ng aktor na si Joross Gamboa, ang batikang direktor na…

Read More

‘Di dapat sumawsaw sa COVID-19 cases sa Davao LENI WALANG ALAM – SARA

NANINIWALA si Mayor Sara Duterte-Carpio na walang alam si Bise-Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo sa tunay na pangyayari sa problema ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa Davao City, kaya walang karapatang batikusin ang lungsod kahit siya pa ang pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa. Birada ni Duterte kay Robredo: “if she knows nothing about what is happening on the ground”. “This has been the hallmark of her term as VP, where she puts forth comments on matters and affairs she lacks understanding and knowledge on and does not offer anything…

Read More

GALVEZ, DUQUE SINISI SA COVID-19 SA MINDANAO

DIREKTANG sinisi ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez si vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa pagkamatay ng mga tao sa Mindanao dahil sa COVID-19 dahil hindi umano binigyan ng prayoridad ang nasabing rehiyon sa bakunang dumarating sa bansa. Sa pagdinig ng House committee on Mindanao affairs kahapon, nanggalaiti si Rodriguez, hindi lamang kay Galvez kundi maging kina Health Secretary Francisco Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles dahil hindi umano pinansin ng mga ito ang kanyang sulat noong nakaraang buwan na bigyan ng prayoridad ang Mindanao sa COVID-19 vaccines. “I will fault…

Read More

TAGUIG KAKAPUSIN SA BAKUNA

MAUUBUSAN ng supply ng bakuna ang Taguig City kung pagbabasehan ang mga nais magpabakuna sa lungsod. Sa dami ng nagpapabakuna at sa mabilis na aksyon ng lokal na pamahalaan sa pag-rollout ng bakuna, halos mauubos na at kukulangin ang suplay sa Taguig. Nabatid na plano ng lungsod na talakayin sa national government ang supply ng mga bakuna upang mas maraming tao ang makinabang kagaya na lamang ng mga nasa priority na A1 o frontliners, A2 o seniors, A3- mga may comorbidity at panibagong bukas na A4 o mga essential worker.…

Read More

NCR ‘DI PA HANDA SA ‘NORMAL’ GCQ

HINDI pa ito ang tamang panahon o maituturing na “bubot” pa para isailalim sa “least restrictive” modified general community quarantine (MGCQ) status ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na malabo pang isailalim sa “ordinary” GCQ ang NCR Plus o ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal simula sa Hunyo 16. Ang NCR Plus ay kasalukuyang nasa ilalim ng GCQ “with restrictions” hanggang Hunyo 15. “Ang problema po natin mataas pa rin yung actual numbers, hindi pa tayo…

Read More

QUARANTINE CONTROL POINTS TUTUTUKAN PA RIN NG PNP

TINIYAK kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar na patuloy nilang tututukan ang mga quarantine control point kahit pa pahintulutan na ang mas maluwag na quarantine restrictions sa National Capital Region at mga kalapit na probinsya. Ayon kay Gen. Eleazar, itutuloy ng mga pulis ang mahigpit na border controls para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus 2019. Ito ay matapos bigyang diin ng OCTA Research Group ang kahalagahan ng pagpapanatili ng border control sa mga probinsya at rehiyon sa bansa sa harap ng bahagyang pagluwag ng…

Read More