NORMAL GCQ SA NCR PAGBOBOTOHAN

MAGBOBOTOHAN ang mga alkalde sa Kalakhang Maynila para sa susunod na community quarantine na paiiralin simula sa Hunyo 16. Nabatid na wala pang pinal na desisyon ang Metro Manila mayors kaugnay sa posibilidad na isailalim sa normal general community quarantine ang National Capital Region (NCR). Sinang-ayunan naman ng ilang alkalde na unti-unti nang luwagan ang restrictions sa NCR kada buwan pero pagbobotohan pa ang kanilang magiging pinal na desisyon ukol sa planong ilagay na sa normal GCQ ang buong Kamaynilaan at ilang lalawigan. Sinabi naman ni Testing Czar Secretary Vince…

Read More

Para sa medical frontliners ‘WALL OF HEROES’ ITINATAYO NA

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mayroon nang itinatayo na “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani. Ibinalita ito ng pangulo nang kanyang pangunahan ang pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Philippine Independence na may temang “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan’ sa Malolos City, Bulacan. Ayon sa pangulo, pumayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtayo ng “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani. Ang lahat aniya ng mga namatay na doktor at nurses, attendants na nahawa ng…

Read More

BALIK-ESKWELA IKASA NA

“NO, we cannot keep students at home for too long.” Ito ang iginiit ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo dahil walang plano ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) na bumalik sa face-to-face classes sa susunod na school year. “We cannot have another school year of this. We must not,” ayon pa sa mambabatas kaya kailangang gawin aniya ang lahat ng mga opisyal ng sektor ng edukasyon para makabalik na sa kanilang silid-aralan ang mga estudyante. Sa Agosto sisimulan ang school year 2021-2022 at dahil hindi…

Read More

Kahit 2% pa lang ang nabakunahan PAGLULUWAG SA NCR SUPORTADO NG OCTA

PABOR ang isang independent research group sa posibleng pagpapaluwag pa ng quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng bumababang bilang ng COVID-19 cases. Kaugnay ito sa naunang sinabi ng Malacañang na maaaring isailalim na sa regular na general community quarantine (GCQ) status ang Metro Manila, gayundin ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, o NCR Plus bubble areas . Suportado naman ito ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group dahil gumaganda naman na aniya ang COVID-19 situation sa NCR. Ayon kay David, ang NCR…

Read More

Sa mga fully-vaccinated PAGBIBIGAY NG INSENTIBO PINAG-AARALAN NA

NAGPAHAYAG ng suporta si Senator Christopher “Bong” Go sa mga mungkahing humihikayat sa pamahalaan na magkaloob ng insentibo sa mga fully-vaccinated individuals upang mas marami pang Pinoy ang magpabakuna. Ayon kay Go, makatutulong din ito na mawala ang pagdadalawang-isip at takot ng mamamayan sa pagpapabakuna, at magkaroon sila ng kumpiyansa sa national vaccine program ng pamahalaan. “We welcome that… Welcome naman po ‘yung magbigay ng incentives… para ma-encourage po… Why not? Wala naman pong masama na ma-encourage po ‘yung mga Pilipino na magpabakuna,” pahayag ni Go sa isang ambush interview…

Read More

PAGSUSUOT NG FACE SHIELD AT IBA PANG POLISIYA NG IATF, DAPAT REBISAHIN

NANINIWALA si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na kailangan nang rebisahin ng Inter-Agency Task Force ang ilang polisiyang ipinatutupad para labanan ang COVID 19. Isa sa inihalimbawa ni Sotto ang patuloy na paggamit ng face shield. “Ano bang klaseng diskarte yang face shield na ‘yan? Alam mo ba ang face shield ginagamit ‘yan sa ospital lang. Hindi sa kalsada, hindi yung naglilinis ka lang ng bakuran. Hindi doon, tama na ang mask,” diin ni Sotto sa panayam ng DWIZ. Pinuna rin ni Sotto ang polisiya na nagmamandato na sumailalim…

Read More

Sa Mindanao at Visayas KAMPANTE SANHI NG PAGSIPA NG COVID-19

KUMBINSIDO si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa paniniwala ng ilang health expert na kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Davao at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao ay ang pagiging kumpiyansa o pagiging kampante. Kaugnay nito, nanawagan si Go sa mga kababayan sa Visayas at Mindanao na huwag maging kampante kahit patuloy ang vaccination effort ng gobyerno. Sinabi ni Go na kahit may bakuna kung patuloy na mayroong kaso ng COVID-19 ay hindi maaaring maging kampante ang lahat at…

Read More

EUA ng Sinopharm kailangang hintayin ‘SECOND DOSE’ NI PDU30 NAKABITIN

HINIHINTAY pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makakuha ang Sinopharm’s COVID-19 vaccine ng emergency use authorization (EUA) bago pa magpaturok ng kanyang second dose. Ito’y bilang paggalang na rin sa medical frontliners. “Because some doctors reached out to him and said, perhaps you should wait for the EUA and out of respect to our medical frontliners, he complied,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Matatandaang binakunahan si Pangulong Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine noong Mayo. Noong panahon na iyon, ang Sinopharm vaccine ay hindi pa nakakakuha ng EUA bagama’t…

Read More

BAKUNADONG SENIORS PWEDE NANG LUMABAS

(CHRISTIAN DALE) GOOD news sa mga lolo at lola na fully-vaccinated na dahil papayagan na silang lumabas ng bahay. Gayundin, magandang balita sa gym fanatics at mahihilig sa indoor non-contact sports dahil pinayagan na ng Inter-Agency task Force (IATF) ang mga ito na mag-operate sa 30% venue capacity sa National Capital Region (NCR) Plus areas. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpulong nitong Huwebes, Hunyo 10 ang IATF kung saan pinayagan na nga ang pagbubukas ng gyms at fitness studios at iba pang indoor non-contact sports venues na may Safety…

Read More