NAITALA ang 1,293,687 nationwide tally ng COVID-19 cases sa bansa. Ito ay matapos na mag-ulat pa ang Department of Health (DoH) ng 7,485 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections noong Huwebes ng hapon. Sa talaan ng DoH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso, pumalo rin ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa sa 56,921. Kabilang dito ang 92.6% na mild cases, 3.2% na asymptomatic, 1.7% na severe, at 1.3% na nasa critical condition. Samantala, inanunsyo rin ng DoH na nakapagtala pa sila ng panibagong 4,504 pasyente…
Read MoreCategory: COVID-19
GCQ SA NCR PLUS MULA HUNYO 16
MALAKI ang posibilidad na bumaba sa general community quarantine (GCQ) with relaxed restrictions ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15. Ang basehan ani Presidential spokesperson Harry Roque ay ang bumubuting situwasyon ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang “low” hospital care utilization rate. “For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital care utilization remains very low, we’re at 53 percent in ICU beds which is isa sa mga importanteng factor for escalation,” ayon kay Sec. Roque. “So I would say in fact that based on the figures, Metro…
Read MoreBAKUNADONG DAVSUR GOV, PATAY SA COVID-19
PUMANAW sa edad na 77 ang gobernador ng lalawigan ng Davao del Sur matapos dapuan ng kumplikasiyon sa COVID-19 habang ginagamot sa isang ospital sa Digos City, Davao del Sur kahapon. Mismong kanyang pamilya ang nagkumpirma sa pagkasawi ni Davao del Sur Governor Douglas Cagas habang nakaratay sa Medical Center of Digos Cooperative alas-5:30 ng madaling araw. Matatandaan na nagpabakuna pa ang opisyal para sa COVID-19 nitong nakaraang linggo, pero makalipas ang ilang araw ay humina ang kalusugan at dinala sa nasabing ospital noong Huwebes at ilang araw na nakipagbuno…
Read MoreKAGAWAD NG MEDIA BABAKUNAHAN NA RIN
INIREKOMENDA ni Bulacan Governor Daniel Fernando kay Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis ang listahan ng lahat ng mga lehitimong Bulacan-based media practitioner bilang essential sector na nakapaloob sa A4 frontline personnel upang mabakunahan laban sa COVID-19. Nabatid na nakipag-ugnayan ang gobernador kay Bulacan Press Club Inc. (BPCI) former president Erick Silverio, correspondent ng The Manila Times kung saan nais nito na maisama na sa priority list (A4 category) ang mga mamamahayag para bakunahan. Ito ay matapos hilingin ng BPCI sa ilalim ng…
Read MoreSa halos dalawang buwan LAGUNA COVID CASES ‘DI BUMABABA
LAGUNA – Halos dalawang buwan nang hindi bumababa ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lalawigan, ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad. Ayon kay Dr. Bagamasbad, naglalaro sa 200 hanggang 300 kada araw ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso na naitatala sa probinsya. Mahigit 4,000 ang active cases, 80 porsyento rito ay galing sa mga lungsod ng San Pedro, Sta. Rosa, Biñan, Cabuyao, Calamba at San Pablo. Ayon kay Dr. Bagamasbad, ang lungsod ng Calamba ang may pinakamarami na may 1,700 kaso. Sa kanilang obserbasyon, ito…
Read MoreBULTO NG COVID VACCINES ILALAAN SA MGA LALAWIGAN
ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang plano na maglaan ng mas maraming coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine doses sa mga lalawigan na napaulat na sumirit ang impeksyon. Sinabi ni Pangulong Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Quiboloy ng SMNI News, Martes ng gabi na ang mga siyudad gaya ng Cebu, Cagayan, at Zamboanga ay makatatanggap ng mas malaking bulto ng suplay ng COVID-19 vaccines dahil sa agarang pagtaas ng kaso doon. “This time, ‘yung ibang siyudad, bibigyan ng malaking allotment ,” he said. “May spike eh.…
Read MoreSa hirit na murder sa magkakalat ng COVID-19 ROQUE TINABLA SI PANELO
HINDI pabor si Presidential spokesperson Harry Roque sa mungkahing kasong murder ni Chief Legal Counsel Salvador Panelo para sa mga COVID-19 positive na pagala-gala pa rin at patuloy na nakikihalubilo sa komunidad. Ang katuwiran ni Sec. Roque, hindi lamang elemento ng murder ang intensiyong pumatay kundi kailangan din ng qualified circumstances kagaya ng treachery pati na ng abuse of strength. Giit ni Sec. Roque, hindi ito napatutunayan sa mga taong nagkakalat ng sakit. “Iyan po ay iminungkahi ni Sec. Sal Panelo. Pero alam ninyo naman po kaming mga abogado ay…
Read MoreGalvez pumiyok COVID VACCINES SA LGUs KAPOS
HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14. Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos magkaubusan ng suplay ng bakuna. Idagdag pa aniya ang demand para sa bakuna ay “high across the globe.” Kamakailan ay sinabi ni Galvez na tinatayang may 10 milyong doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong buwan…
Read MoreEPICENTER NG COVID-19, NCR PA RIN
NATIONAL Capital Region (NCR) pa rin ang epicenter ng COVID-19 sa bansa. Binanggit ito ni Dr. Guido David sa Laging Handa public press briefing sa gitna ng pagsipa ng kaso sa Davao City. Ayon kay David, halos 1,000 kaso pa rin ang naitatala sa Metro Manila kada araw. Gayunpaman, ang nakikita aniyang trend sa ngayon sa NCR ay pababa na, lumuluwag na rin ang mga ospital at bumubuti ang naitatalang positivity rate. Nauna rito, pinalagan ng Malakanyang ang pagkukumpara sa Davao City at Quezon City pagdating sa usapin ng “latest…
Read More