UMABOT sa 24 katao ang namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hunyo 8, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, 20 ang naitalang bagong namatay sa Caloocan City habang 687 ang active cases. Pumalo na sa 34,925 ang total confirmed cases sa siyudad, kung saan 33,229 na ang gumaling at 1,009 ang namatay. Tatlo naman ang namatay sa Valenzuela City at 326 ang active cases matapos na 53 ang gumaling at 53 ang nagpositibo sa virus. Sumampa na sa 20,072 ang tinamaan ng…
Read MoreCategory: COVID-19
Nagsumite ng pekeng RT-PCR test result 3 POLICE APPLICANTS INARESTO
DISKWALIPIKADO na inaresto pa at kinasuhan ng pamunuan ng Philippine National Police ang tatlong police applicant, isa rito ay positibo pa umano sa COVID-19, matapos mabulgar na nagsumite ng pekeng RT-PCR test result sa recruitment process ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR). Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, P/General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, isa sa tatlong inaresto ay nag-positive sa COVID-19 at inilagay na sa isolation facility habang ang pang-apat na aplikanteng pulis na nagsumite rin ng pekeng RT-PCR test result, ay target ngayon ng manhunt operation ng…
Read MoreBigong mapigilan ang mass gatherings 6 BARANGAY CHIEFS KINASUHAN
INIULAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng kaso laban sa anim na barangay officials dahil umano sa kabiguan ng mga itong mapigilan ang tinatawag na “superspreader events ” sa kanilang nasasakupan. “Sa inyo pong pag-uutos na kasuhan natin ang mga barangay officials, anim po ang nakita natin dito at nakasuhan,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinabi ni Año na ang mga nakasuhang opisyal ay sangkot sa iba’t ibang insidente gaya ng sumusunod: Gubat…
Read MoreHIRIT SA GOBYERNO: MAGBIGAY NG LIBRENG SAKAY SA MGA MAGPAPABAKUNA
IGINIIT ni Senador Grace Poe na dapat dagdagan ng gobyerno at ng pribadong sektor ang libreng transportasyon para maihatid ang mga senior citizen, person with disability at mahihirap patungo sa vaccination sites. Sinabi ni Poe na maaaring gamitin para sa libreng sakay ang P5.58-bilyong Service Contracting Program ng Department of Transportation sa ilalim ng Bayanihan 2 law. Ang programa ay hindi lang magbibigay ng free rides sa mga nangangailangang sektor, kundi trabaho rin para sa mga drayber na nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya. “Ang transportasyon ay isang napakahalagang…
Read More12-15-ANYOS PWEDE NANG BAKUNAHAN
MAAARI na ring mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga 12 hanggang 15-anyos. Ito’y matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang hiling ng Pfizer BioNtech na maamyendahan ang kanilang Emergency Use Authorization (EUA) upang magamit na rin ang kanilang COVID-19 vaccine sa mas mababang edad. Ayon sa FDA, matapos ang ginawang pag-aaral ay inaprubahan nila na magamit ang COVID 19 vaccine ng Pfizer sa mga nasa edad 12 pataas. Batay sa nakasaad sa amended EUA ng Pfizer, ang pagitan ng pagturok ng una at pangalawang dose ng bakuna ay…
Read MoreParusa sa mga pasaway pabibigatin MURDER SA MANGHAHAWA NG COVID-19
MAAARING panagutin sa kasong murder ang mga may sakit na COVID-19 na hindi nag-iingat para hindi makahawa ng iba. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay tila pinaboran ng Chief Executive ang mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na may mabibigat na parusa na maaaring ipataw sa mga patuloy na lumalabag sa health protocols na itinakda ng gobyerno. “Kasi iyong unang sitwasyon hindi niya alam na may sakit siya, baka nahawa lang siya, kaya kung iyon po ay namatay pupwede…
Read MorePaalala sa A4 workers WORK ID LANG PARA MABAKUNAHAN
PUWEDENG office identification card o work ID lang ang bitbit at ipiprisinta ng A4 workers kapag sila’y magpapabakuna laban sa COVID-19. Pruweba ito na ang isang A4 worker ay frontliner o mga nagtatabaho sa labas ng kanilang bahay. “I think office ID—Work ID would suffice ‘no kasi ngayon ang definition ng A4 is broad enough to include anyone who works outside of his home and a work ID would be sufficient,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Nauna rito, inilarga kahapon ang “symbolic rollout” ng COVID-19 vaccine para sa essential…
Read MoreEX-MAYOR PATAY SA COVID-19
NORTH COTABATO – Binawian ng buhay kaninang umaga habang ginagamot sa isang ospital sa General Santos City, ang dating alkalde ng Antipas sa lalawigang ito na nagpositibo sa COVID-19. Ang ulat ay kinumpirma mismo ng kamag-anak ng dating alkalde na si Vice Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño-Mendoza. Nagpaabot din ito ng pakikiramay sa pamilyang naulila ni dating Mayor Van Cadungon. Nabatid na sumailalim na rin sa iba’t ibang gamutan at operasyon si Cadungon dahil sa komplikasiyon ng sakit nito. “All members of the Sangguniang Panlalawigan, staff and employees join the Cadungon…
Read MoreSENTRO SA GOVT-RUN HOSPITALS NADAGDAGAN PA
TULOY-TULOY ang ang pagpaparami ng Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasunod na pagpapasinaya ng ika-117 sentro sa government-run hospital. Ito ang tiniyak ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kahapon. Sa pahayag, sinabi ni Go na nakatakda sa Malasakit Center law na dapat malagyan ng Malasakit Center ang lahat ng 72 DOH-run hospitals, PGH at provincial hospitals na makasusunod sa mga criteria na itinatakda ng batas. Layunin aniya ng Malasakit Center na makatulong sa mahihirap na pasyente. Ipinaalala ng mambabatas sa publiko na lumapit sa mga Malasakit Center…
Read More