PATULOY NA PAGBANGON NG EKONOMIYA TINIYAK NG DTI

TINIYAK ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na unti-unti nang makababangon ang ekonomiya ng bansa dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa buong kapuluan. Pahayag ito ni Lopez sa isinagawang Safety Seal Ceremonial Awarding noong Hunyo 5, 2021 sa SM City North EDSA. Sa pananalita ni Lopez, ang nasabing okasyon ay pagbibigay ng Safety Seal stickers sa iba’t ibang outlet na nagnenegosyo sa loob ng SM North EDSA, Quezon City. Anya, ang layunin ng Safety Seal ay para masiguro ng gobyerno na sumusunod…

Read More

PANUKALA NI ISKO IPAUBAYA SA EKSPERTO

IPINAUBAYA na ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa mga eksperto ang naging panukala ni Manila Mayor Isko Moreno na ikonsidera kung kailangan pa bang gumamit ng face shield ng publiko para proteksiyunan ang sarili laban sa COVID-19. Ayon kasi kay Mayor Isko, sapat na ang proteksiyong hatid ng face mask laban sa COVID-19 at hindi na kailangan ang face shield. Ani Abalos sa isang panayam, maganda ang ideya ni Mayor Isko subalit dapat talagang suriin at pag-aralang mabuti dahil “at any given time” ay puwedeng pumutok…

Read More

LGUs DAPAT IHATID ANG COVID-19 VACCINES SA KANILANG CONSTITUENTS

UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go sa local government units (LGUs) at mga awtoridad na in-charge sa vaccine rollout na dalhin na nang direkta ang mga bakuna sa kanilang constituents na bahagi ng priority groups na babakunahan. “Sa mga LGUs, paigtingin pa natin ang pagbabakuna. Dapat ‘di magtagal ang stocks sa inyo. Marami nang gustong magpabakuna pero naghihintay. Nagagalit na ang iba. Pabilisin natin ang sistema para pag-distribute ng bakuna, maiturok na agad sa dapat maturukan,” apela ni Go. Binigyang-diin nito na mahalaga ang oras at lahat ng kinakailangang hakbang…

Read More

9 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN

SIYAM ang nadagdag sa death toll sa COVID-19 ng Caloocan City habang isa naman ang binawian ng buhay sa Navotas City noong Hunyo 4. Sumampa na sa 33,518 ang total confirmed cases sa Caloocan at sa nasabing bilang ay 31,569 na ang gumaling, 970 ang namatay at 979 naman ang active cases. Sa lungsod naman ng Navotas ay isa ang namatay habang102 ang active cases matapos na 12 ang nagpositibo sa virus at 13 naman ang gumaling. Umakyat na sa 10,870 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, kung saan 10,408…

Read More

COVID-19 VARIANTS KALAT NA SA PROBINSYA

HINDI nagmula sa NCR Plus ang mga kasong naitatala sa Visayas at Mindanao. Ito ang iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng sumisipang kaso ng virus sa nasabing mga lalawigan. Aniya, wala namang problema sa border control lalo’t napakatagal din namang nagkaruon ng travel bubble sa Metro Manila Plus. Bunga aniya ng community transmission ang nakikitang pag- akyat sa kaso ng COVID-19 at dahil na rin sa pagkalat ng new variants. Magugunitang, nag-lockdown ang NCR plus habang nai-record sa dalawang rehiyon ang pagtaas ng corona virus na nangangahulugan…

Read More

BAKUNA SA MGA NASA MECQ DARAGDAGAN

KAAGAD inaprubahan ng national government ang hiling ng ilang lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) classification na karagdagang vaccine allocation kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang mga lugar. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NTF against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa na mayroon na talagang buffer stock para sa mga lugar na ito na itinuturing ngayong high risk. Nagkaroon lamang aniya ng kakulangan sa stock ng bakuna ngunit walang dapat ikabahala dahil may paparating na aniyang malaking bulto ng Sinovac…

Read More

6 TUMBA SA PANDEMYA SA VALENZUELA

ANIM ang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City at isa naman sa Caloocan City noong Hunyo 3. Pumalo na sa 19,384 ang confirmed cases sa Valenzuela at sa nasabing bilang ay 18,952 na ang gumaling, 501 ang namatay at 381 naman ang active cases matapos na 26 ang bagong nagpositibo at 83 ang bagong gumaling. Isa naman ang patay sa Caloocan City at 909 ang active cases. Sumampa na sa 33,125 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 31,255 na ang gumaling at 961 ang namatay. Walang iniulat…

Read More

Cash insentives ng health workers papalitan ng groceries DOH, GOV’T HOSPITALS INUPAKAN NI DEFENSOR

LALABAGIN ng Department of Health (DOH) at government hospitals ang Republic Act. No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 2), pagdating sa cash incentives ng mga health worker. Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos makatanggap ng reklamo na imbes na cash, may ilang specialty hospitals sa Quezon City ang nagbibigay ng food items sa kanilang mga empleyado. Sinabi ng mambabatas na umaasa ang mga manggagawa sa mga ospital na aabot sa P40,999 ang kanilang additonal salary noong nakaraang linggo subalit sinabihan ang mga…

Read More

90K COVID-19 test kada araw ‘di natupad IATF, DOH NAMBOLA LANG

BINANATAN ng isang senador ang Department of Health (DOH) at ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa hindi pagtupad sa 90,000 coronavirus disease-2019 9COVID-19) test kada araw. Ayon kay Senadora Ana Theresia “Risa” Hontiveros, umabot lang sa 42,866 ang COVID-19 test kada araw nitong Mayo. Noong Marso 30, tiniyak ng testing czar ng IATF na si Secretary Vivencio “Vince” Dizon na target ng administrasyong Duterte na magsagawa ng 90,000 COVID-19 test bawat araw. Bukod sa kapalpakang ito ng IATF, hindi rin nakamit ng DOH ang limang porsiyentong positivity rate na…

Read More