ISASAILALIM ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa lockdown ang subdibisyon ng Kingstown 2 at Queensville sa Barangay 171 mula alas-12:01 ng umaga sa Lunes, Marso 22, hanggang alas-11:59 ng gabi sa Linggo, Marso 28, 2021. Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, ang ipatutupad na lockdown ng pamahalaang lungsod ay bunsod nang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases sa lugar. “Kailangan muna nating limitahan ang galaw ng mga residente sa dalawang subdibisyon upang hindi na lumaganap ang sakit. Sa loob ng pitong araw na lockdown ay magsasagawa…
Read MoreCategory: COVID-19
11 PA TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA
MULING nakapagtala ng 11 namatay sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area dahil sa COVID-19 noong Marso 19. Bumanderang muli sa dami ng mga namatay at active cases ang Caloocan City, na nalagasan ng anim na pasyente at umalagwa sa 1,037 ang active cases. Umabot na sa 16,181 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 14,621 na ang gumaling at 514 ang namatay. Nabatid naman sa Malabon City Health Department na tatlo ang namatay sa lungsod sa nasabing araw, 97 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan…
Read MoreSOTTO, WALA NANG MASABI SA 7K COVID CASES
SPEECHLESS na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay makaraang madagdagan ng 7,103 ang nagpositibo sa virus nitong Biyernes. “I’m speechless. Whats going on? Whats happening to our country?” mensahe ni Sotto. Kasabay nito, sinabi ni Sotto na kailangan nang ilabas ng executive department ang lahat ng kanilang kagalingan upang maaksyunan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso. “Lahat ng galing ng Executive deparment ay ngayon nila ilabas at gamitin. Hindi ko na alam ang sasabihin,” diin pa…
Read More‘MAXIMUM’ HEALTH STANDARD DINIINAN
PANAHON na para paigtingin pa ng bawat isa ang minimum health standard para masiguro ang kinakailangang proteksiyon laban sa mas mabilis ngayong kumakalat na bagsik ng COVID-19. Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, kung makukumbinsi ka sa mathematical computation ng OCTA research ay talagang matatakot ka. Subalit kung siya lamang aniya ang tatanungin ay ayaw niya na nga sanang tawaging minimum ang umiiral na health standard at sa halip, nangangailangan na aniya ito ng enhancement o upgrading. At kung kailangang magdoble na ng face mask ay mas mabuti, ani Vega…
Read MorePUBLIKO BINALAAN SA ILLEGAL COVID VAX
PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa ‘unauthorized selling of COVID-19 vaccines’. Base sa DOH advisory, pinag-iingat ang publiko laban sa organisasyon o mga taong nagbebenta o nag-aalok ng anomang uri ng bakuna na pangontra umano sa COVID-19. Nauna nang binanggit ng DOH, Food and Drug Administration (FDA) at National Task Force against COVID-19 na kailangang makakuha muna ng Emergency Use Authorization o EUA bago pahintulutang magamit ang bakuna laban sa nasabing virus. Hindi rin ito maaaring ibenta sa publiko. Kasabay nito, binalaan ng mga nasabing ahensya…
Read MoreCAMANAVA ACTIVE COVID CASES, HALOS 3K NA
MULING nakapagtala ng 10 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 18, habang patuloy ang paglobo ng active cases na umabot na sa 2,895. Sa Caloocan City, anim ang namatay dahil sa pandemya at 931 na ang active cases. Umabot naman sa 16,022 ang total confirmed cases sa siyudad. Sa bilang na ito ay 14,577 na ang gumaling at 514 ang namatay. Isang naman ang binawian ng buhay sa Barangay Tonsuya, Malabon City sa nasabing araw, 39 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay…
Read MoreCOVID-19 cases patuloy sa pagtaas LOCKDOWN AREAS SA QC, SUMIPA SA 34
UMABOT na sa 34 lugar sa Quezon City ang isinailalim sa special concern lockdown areas (SCLA) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. Sa official social media account ng Quezon City, partikular na mga lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay. Kabilang sa mga ito ang No. 64 14th Avenue, Barangay Socorro; No. 64-B Agno Extension, Barangay Tatalon; No. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato; No. 50 K-9th Street, Barangay West Kamias; bahagi ng Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia;…
Read MorePAGBABANTAY SA COVID-19 PINAIGTING SA BULACAN
MAS pinaigting ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagmamatyag at pagsubaybay sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa sa bansa partikular na iyong mga nangagaling sa Metro Manila. Nitong Lunes ng gabi ay naglabas ng panibagong direktiba si Gobernador Daniel R. Fernando partikular na sa kapulisan na mahigpit na ipatupad ang mga minimum health protocol gayundin ang curfew upang matiyak na hindi magkakaroon ng hawahan o pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Ayon kay Atty. Jayric Amil, chief of staff ni Fernando, inatasan ng gobernador si Bulacan…
Read MorePAGBABAKUNA UMARANGKADA SA TAYTAY
RIZAL– SUMIRIT pataas ang antas ng kumpiyansa ng mga residente ng bayan ng Taytay makaraang simulan ng lokal na pamahalaan ang pagbabakuna sa mga medical frontliner laban sa COVID-19, sa unang araw ng pagdating ng vaccine supply mula sa Department of Health. Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, sinimulan ng dalawang local health facilities — ang Manila East Medical Center at Taytay Emergency Hospital ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19 sa mga healthcare worker bilang pagsunod sa alituntuning inilatag ng National Task Force Against COVID-19 na nagbigay ng talaan ng…
Read More