400 LIBO PANG BAKUNANG DONASYON NG CHINA PARATING

BATAY sa “target and timelines” na mayroon ang National Task Force against COVID-19, inaasahan na darating sa bansa ngayong Marso ang 2.3 million doses mula sa Sinovac kung saan ay 400,000 ay mula sa Chinese donation. Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., inaayos na rin nila ang pagbili sa pamamagitan ng DOH ng isang milyong Sinovac. “So a total of 1.4 Sinovac vaccines. And we have an information from WHO that we might be receiving almost a million of AstraZeneca also within this month or maybe early April with 979,200…

Read More

Maayos na Pasko ginarantiyahan 70M PINOY BABAKUNAHAN

BAGAMAN patuloy sa pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, positibo ang pamahalaan na magiging maayos ang Paskong 2021. Pagtiyak pa ng pamahalaan, ginagawa nito ang lahat ng makakaya nito para makamit ang nilalayon nitong herd immunity mula sa COVID-19. “Our declaration is we will have a better Christmas this year. That needs to be our target, that we will have a better Christmas,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. Aniya, ang target ng gobyerno na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino ngayong taon ay nananatiling “achievable”…

Read More

Kinastigo ni Defensor sa pagbabawal sa private sector na bumili ng bakuna POWER OF CONGRESS INAAGAW NG DOH

NAKATIKIM ng pagkastigo ang Department of Health (DOH) dahil inaagawan na nito ng kapangyarihan ang Kongreso nang pagbawalan nito ang mga kumpanya na konektado sa sin products na bumili ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga empleyado. Bukod dito, tinawag ni Defensor na isang uri ng diskriminasyon ang Administrative Order (AO) ng DOH na huwag payagan ang mga negosyante sa industiya ng tobacco, formula milk at iba pa, na bumili ng sariling COVID-19 vaccines dahil sa kanilang negosyo. “Congress never meant to discriminate against any industry when we passed the…

Read More

Sa Oriental Mindoro 66 CLOSE CONTACT NI SINAS, NEGATIVE SA COVID

LAGUNA – Negatibo ang naging resulta ng COVID-19 swab test ng 66 personnel ng Police Regional Office 4-B (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) MIMAROPA, na nakasalamuha ni Philippine National Police chief, Gen. Debold Sinas. Sinabi ni PRO4-B spokesperson, Lt. Col. Imelda Tolentino, kabilang sa nagnegatibo ay si MIMAROPA Police Director Brig. Gen. Pascual Munoz Jr. “The results of the RT-PCR test conducted have been released and all are negative. Likewise, as of this date, not anyone from the identified close contacts experienced COVID-19 symptoms,” dagdag nito. Aniya, ginawa ang test sa…

Read More

Sa paglobo ng COVID-19 cases sa NCR AGRESIBONG TESTING TUGON NG TAGUIG LGU

MAGING agresibo sa pagtugon at pagsugpo sa COVID-19. Ito ang panawagan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano sa kanyang mga kababayan at sa publiko sanhi ng tumataas na bilang ng nahahawaan ng nasabing sakit sa nakalipas na ilang araw, na umabot sa 7,999 kaso sa isang araw lamang. Bilang agresibong aksyon sa panig ng lokal na pamahalaan ng Taguig, inilunsad ni Mayor Cayetano noong Biyernes ang Park ‘N Test sa Vista Mall sa Brgy. Tuktukan para sa mga motorista. Sa Park ‘N Test ay pinapayagan ang mga walk-in patient na…

Read More

15 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng 15 patay sa COVID-19 ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area noong Marso 20, habang lumobo sa 3,198 ang active cases at umakyat sa 1,328 ang pandemic fatalities. Sa Caloocan, 10 ang naitalang patay dahil sa pandemya sa nasabing petsa, at pinakamarami ang active cases sa bilang na 1,068. Umabot na sa 16,257 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 14,665 na ang gumaling at 524 ang namatay. Dalawa naman ang patay sa Malabon City, 79 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 8,114…

Read More

PINOY HINIKAYAT MAKIISA SA VAX PROGRAM

HINIKAYAT ng isang miyembro ng Senado ang mamamayan na makipagtulungan sa gobyerno para sa mas mabilis at maayos na implementasyon ng national vaccination program. Kasabay nito, tiniyak ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na tuloy at hindi maaantala ang isinasagawang vaccine rollout ng pamahalaan. Ayon kay Go, sa kabila ng maraming hamon na kinakaharap ng mga bansa dahil sa limitadong suplay ng bakuna laban sa COVID-19 sa world market, nagawa ng pamahalaan na makapag-secure ng sapat na dami ng doses para sa mga Pinoy. Sa isang pahayag, tiniyak ni Go na…

Read More

PAGBABAWAL SA SIN PRODUCTS COMPANIES NA MAKABILI NG BAKUNA, BINANATAN

BINATIKOS ng mga senador ang plano ng Department of Health at National Task Force na harangin ang pagbili ng malalaking kumpanya ng COVID-19 vaccines. May kinalaman ito sa draft na administrative order ng DOH na nagbabawal sa mga kumpanya na gumagawa ng sin products para makiisa sa tripartite agreement sa pagbili ng bakuna. “Tinutukoy dito ang malahiganteng kumpanya na tulad ng San Miguel group, buong Lucio Tan group, Puregod, Nestle, Destileria Limtuaco, lahat ng softrinks producers, Tanduay, Ginebra, White Castle at iba pa,” saad ni Senador Imee Marcos. “Kapag di…

Read More

12 barangay pa nadagdag sa lockdown HOLY WEEK ACTIVITIES SA MAYNILA, BAWAL MUNA

BUNSOD nang biglang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila, dalawang executive order (EOs) ang ipinalabas ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno,” Domagoso. Kabilang dito ang hinggil sa pag-lockdown sa karagdagang 12 barangay, kalye at building, at ang pagbabawal ng ilang gawain na may kinalaman sa pagdiriwang ng Mahal na Araw. Ayon sa alkalde, nakasaad sa EO No. 8 ang pag-lockdown ng apat na araw sa sumusunod na mga barangay: 107, 147, 256, 262, 297, 350, 385, 513, 519, 624, 696 at 831. Kasama rin sa lockdown…

Read More