4 LANG SA 15 TINUKOY NA FLOOD CONTROL CONTRACTORS MAY MALINIS NA RECORD

LUMABAS sa pagsusuri ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na apat lamang sa nangungunang 15 flood-control contractors na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may malinis na record sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Batay sa Contractors Performance Evaluation System (CPES) ng DPWH, nakatanggap ng satisfactory rating ang Centerways Construction and Development Inc., Eight J’s Construction Services, Royal Crown Monarch Construction and Supplies, at Topnotch Catalyst Builders Inc. Ginagamit ang CPES upang masuri kung natatapos ang proyekto sa itinakdang panahon at alinsunod sa requirements bago ito…

Read More

PCAB LAW BAGUHIN O IBASURA NA – TULFO

PINUNA ni Senador Erwin Tulfo ang probisyon ng Republic Act 4566 o Contractors’ License Law na nagtatakda na tanging mga kontratista ang maaaring maupo bilang miyembro ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB). Ayon kay Tulfo, malinaw na may conflict of interest dahil mismong mga kontratista ang nakaupo at siyang nagbabantay sa pagpapatupad ng mga proyekto ng konstruksyon. “Paano nila mababantayan at mare-regulate kung maayos, hindi substandard, o walang ghost project kung sila rin mismo ang mga kontratista nito?” tanong ng senador. Ihahain ni Tulfo ngayong Lunes, Setyembre 8, ang isang…

Read More

GOV’T OFFICIAL, MISIS NG ALALAY TANDEM SA SUBSTANDARD PROJECTS

SINO itong mataas na opisyal ng pamahalaan at asawa ng kanyang alalay — na opisyal din ng gobyerno — na diumano’y tandem sa ilang subcontract projects sa bahagi ng Mindanao? Bagama’t hindi flood control projects, napakadelikado pa rin sa publiko ang mga ito dahil sa paggamit ng hindi akmang materyales sa disenyo at porma ng proyekto. Ayon sa mga nakakaalam, hindi lamang sila magkapareha sa trabaho kundi tandem din sa umano’y pagnanakaw sa kaban ng bayan. Kilala ang naturang opisyal sa kanyang pagiging magandang lalaki at pormal na pananamit, ngunit…

Read More

NCRPO HANDANG ARESTUHIN ANG MGA RALIYISTA SA ST. GERRARD CONSTRUCTION

HANDA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na arestuhin ang mga raliyistang nangalampag sa St. Gerrard Construction sa Pasig City, ayon kay NCRPO chief PMGen. Anthony Aberin. Nauna nang sinalakay ng mga raliyista ang compound ng pamilya Discaya kung saan pinagbabato ng putik ang tarangkahan at nagsulat ng salitang “Magnanakaw” gamit ang pintura. Ayon kay Aberin, hindi nila palalampasin ang anumang pagkilos na hahantong sa kaguluhan, bagama’t tiniyak niyang paiiralin pa rin ng pulisya ang maximum tolerance. Nilinaw ng opisyal na wala pang pormal na reklamong inihahain laban sa…

Read More

PARTY-LIST REP UMALMA SA PAGKAKASAMA SA ILBO KAUGNAY SA FLOOD CONTROL ISSUE

PUMALAG ang isang kinatawan ng party-list matapos mapabilang sa nakalagay sa immigration lookout bulletin order na inilabas ng Department of Justice. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakasama sa listahan ang pangalan ni Magsasaka Party-list Rep. Ferdinand Beltran batay sa hiling ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Rodante Marcoleta. Muling iginiit ng kalihim na ang pinagbatayan lamang ng kanilang inilabas na ILBO ay mula sa request ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Senado. Sinabi pa ni Remulla na posibleng hindi pa nakalabas ng…

Read More

2 BABAE, 1 PA TIMBOG SA BUY-BUST

INARESTO ng pulisya ang isang lalaki at dalawang babae na tinaguriang high-value individuals sa isang drug buy-bust operation sa Taguig nitong Setyembre 4. Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Southern Police District (SPD), katuwang ang Taguig City Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilala sa alyas Vince, 43; alyas Urmesh, 34; at alyas Jay, 33. Nasamsam sa operasyon ang 250 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.7 milyon at isang cellphone. (CHAI JULIAN) 149

Read More

PONDO NG PARTIDO, NAPUNTA LANG SA OPISYAL?

NAKAGUGULAT ang balitang lumulutang ngayon tungkol sa isang kilalang opisyal ng isang makapangyarihang partido pulitikal. Imbes daw na mapunta sa mga proyekto at pangangailangan ng kanilang grupo ang koleksyon mula sa mga miyembro, diretso raw itong napupunta sa bulsa ng naturang opisyal. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ginagastos lamang umano ng nasabing opisyal ang pondo sa luho—mga mamahaling kotse na nakaparada sa Davao del Norte at koleksiyon ng mga baril na dapat na raw siyasatin ng NBI at PNP. Hirit pa ng ilan, baka kailangan pang mag-SAF para sa posibleng raid.…

Read More

SUPORTA SA JEEPNEY DRIVERS AT MODERNIZATION PROGRAM, KULANG PA – REP. POE

QUEZON CITY — Nanawagan si Representative Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, Vice Chair ng House Committee on Appropriations, ng mas mataas na suporta mula sa gobyerno para sa mga jeepney driver na apektado ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Sa isang pagdinig sa Kongreso, iginiit ni Poe na ang presyo ng modernong jeep na umaabot sa ₱2 milyon kada yunit ay nagbabaon sa libu-libong tsuper sa pagkakautang. Aniya, hindi dapat maging kapalit ng modernisasyon ang pagdurusa ng mga driver, kundi dapat itong magbigay ginhawa at pag-angat sa…

Read More

2 OPISYAL MAGKA-TANDEM SA PANGUNGURAKOT?

SINO itong dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan na hindi lang magkasosyo sa “tongpats” kundi tila magka-relasyon pa? Ayon sa mga usap-usapan, hindi lang simpleng “kickback” ang usapan dito—may nakatakda pa umanong quota: hindi bababa sa ₱20 milyon kada linggo ang dapat makolekta. Hindi pa roon nagtatapos. May itinalagang lingguhang “parte” rin ang alalay na opisyal, tinatayang nasa ₱200,000. Ang masaklap, imbes na mapunta sa pondo ng bayan, napupunta raw ang milyong ito sa kanilang personal na bulsa at luho. Bukod sa pera, usap-usapan na may mamahaling gamit at luxury…

Read More