9 PANG PULIS NA SABIT SA 990 KILOS DRUG HAUL, TARGET NG PNP

SIYAM pang pulis na kabilang sa 29 na mga aktibo at dating pulis, ang nanatiling target ng manhunt operation ng Philippine National Police matapos na ipag-utos ng Manila Regional Trial Court ang pagdakip sa kanila kaugnay sa pagkakadawit sa P6.7-billion drug haul sa Tondo, Manila. Ayon kay PNP spokesperson BGen. Jean Fajardo kahapon, sa 29 active at dating pulis na pakay ng arrest warrant na inilabas ng Manila RTC Branch 175, dalawampu na ang nasa kustodiya ng Philippine National Police. Sampu rito ang hawak ng iba’t ibang arresting units, siyam…

Read More

PCG PATULOY NA ITINATABOY CHINESE VESSELS SA WPS

PATULOY na naitataboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang malalaking sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea. Kasunod ito ng pahayag ng PCG na wala sa kanilang bokabularyo na magpatakot o magpatinag sa mga monster ship ng Chinese Coast Guard (CCG). Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa WPS, sa gitna ng iligal na pananatili ng malalaking sasakyang pandagat ng China sa loob ng teritoryo ng ating bansa, wala sa kanilang hinagap na dagain, kahit pa mas maliit na barko ang kanilang BRP Cabra, patuloy aniya nitong…

Read More

PROSPERITY TREE LIGHTING SA MAYNILA

MASAYANG ipinagdiwang ang tradisyunal na “Prosperity Tree Lighting sa Plaza San Lorenzo Ruiz nitong Biyernes, Enero 24, 2025 sa Binondo, Manila. Ito ang opening salvo sa pagsalubong ng Chinese New Year 2025 sa distrito ng Binondo, Maynila, ang pinakamatandang Chinatown sa mundo. Ang mga Manilenyo ay nakatakdang salubungin ang ‘Year of the Snake’ na may masiglang pagdiriwang na inorganisa ng Lungsod ng Maynila, Manila Chinatown Development Council (MCDC), Department of Tourism, Culture and Arts of Manila ( DTCAM) at ang Manila Chinatown Barangay Organization (MCBO). Sa inspirational talks ni Mayor…

Read More

PAGTUTURO NG LIGTAS AT WASTONG PAGGAMIT NG INTERNET, ISINUSULONG SA SENADO

ISINUSULONG ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang panukalang naglalayong gawing bahagi ng curriculum sa elementarya hanggang high school ang responsableng paggamit ng internet. Sa Senate Bill 2934 o ang proposed Internet Safety Education Act, minamandato ang Department of Education na bumuo ng age-appropriate at research-based na programa. Para sa edukasyon ng mga mag-aaral ukol sa ligtas, ethical at responsableng paggamit ng internet at ukol din sa pagtugon sa mga problema at panganib sa internet. Pinapopondohan naman ang professional training ng mga elementary at secondary teachers gayundin ang school…

Read More

HIGIT 3K BAGONG ABOGADO NANUMPA

NAIS isentro ng Korte Suprema sa pagpapakumbaba, karangalan at sangkatauhan ang legal na karera ng mga batang abogado sa Pilipinas. Kasunod ito ng oath-taking ceremony para sa 3,962 bagong lawyers na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong Biyernes, Enero 24, 2025. Pinangunahan ng Supreme Court ang seremonya ng panunumpa para sa bar passers na gumuhit sa kasaysayan ng bansa. Pinaalalahanan ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, ang incoming chairperson para sa 2025 bar examinations, ang mga barrister na isentro ang kanilang legal na karera sa pagiging…

Read More

REP. ERWIN TULFO NAMAYAGPAG SA SURVEY

TILA hindi umubra ang kaliwa’t kanang pagbatikos kay leading senatorial candidate at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, matapos lumabas ang pinakahuling survey ng Oculum Research and Analytics sa fourth quarter ng 2024 na nagpapakita na siya pa rin ang malayong nangunguna laban sa mga katunggali sa darating na senatorial elections sa Mayo. Sa survey na isinagawa nitong Disyembre 16-22, 2024, lumalabas na pito sa bawat 10 Filipino ang boboto kay Erwin Tulfo matapos itong magtala ng 70.8% sa mga na-survey na Filipino adults na nagsabi na siya ang iboboto sa…

Read More

ATEACHER NOMINEE NAMAHAGI NG BIGAS, VITAMINS, AT PATABA SA MAHIHIRAP NA MAGSASAKA SA QUEZON

NAMAHAGI ang ATEACHER nominee at philanthropist na si Virginia Rodriguez ng mga bigas, veggie vitamins, mga libro at organikong pataba sa daan-daang magsasaka at kanilang pamilya sa Catanauan, Quezon, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na matulungan ang mahihirap na pamilyang Pinoy. Si Rodriguez ay siya ring nangungunang advocate ng anti-cancer agricultural products sa Pilipinas, sa pamamagitan ng paggamit ng organikong pataba na natuklasan ng mga Filipino scientists. Daan-daang magsasaka at indigent families sa Bgy. San Antonio Pala, Catanauan, Quezon ang nakatanggap ng saku-sakong bigas, pake-pakete ng anti-cancer veggie vitamins, organic…

Read More

KAMARA BUO SUPORTA SA MGA RESIDENTE NG PAG-ASA ISLAND – SPEAKER ROMUALDEZ

MULING pinagtibay ng Kamara de Representantes ang pangako nitong isusulong ang kapakanan ng mga residente ng Pag-asa Island sa Palawan. Sa mensahe ni Speaker Romualdez na binasa ng chairperson ng House Committee on Foreign Affairs na si Pangasinan Rep. Rachel Arenas sa kanyang pagbisita sa Pag-asa island, pinagtibay nito ang suporta ng Kongreso sa paglutas ng mga problema ng mga residente ng Pag-asa at mapabuti ang kalagayan ng kanilang buhay. Ang delegasyon na pinangunahan ni Arenas ay nagdala ng mga pagkain, at grocery items sa may 230 residente kasama ang…

Read More

DOMAIN ATTACK SA EDUCATIONAL INSTITUTIONS PINAAAKSYUNAN

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Network Foundation, Inc. (PHNet) na agad tugunan ang problema sa distributed denial of service (DDoS) attack na nagdudulot ng kahirapan sa pag-access ng mga .edu.ph domain ng mga institusyong pang-edukasyon. Ayon sa senador, mahalagang bigyang-prayoridad ang agarang pag-restore ng online services ng mga apektadong institusyon. Hinikayat din niya ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga insidenteng ito at ipaalam sa publiko ang tunay na kalikasan ng problema,…

Read More