MALUGOD na tinanggap nina Quezon Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala kahapon (Disyembre 10) sa Tent City, Manila Hotel ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ayon kay Governor Tan, ang nasabing pagkilala ay parte ng patuloy na paghahatid ng Good Governance na nakapaloob sa kanyang HEALING Agenda, kung kaya’t ang pagkakatanggap ng parangal ay isang pruweba ng tunay at epektibong serbisyo para sa lalawigan ng Quezon. “It’s a concerted effort of everyone, and it’s a…
Read MoreCategory: METRO
VILLAR SUPORTADO MANDALUYONG
NAGPAHAYAG si Senator Cynthia A. Villar, chairperson ng committee on Environment and Natural Resources ng kanyang suporta sa pamahalaan ng Mandaluyong City. Humarap si Mayor Benjamin Abalos at mga kinauukulang ahensiya sa pagdinig ng Senado kung paano maaayos at mapauunlad ang Welfareville property na nagbigay garantiya sa mga 30,000 residenteng nakatira sa nasabing lupa, nagpahayag ng suporta ang senadora sa aksyon ng lungsod. (DANNY BACOLOD) 163
Read MoreBATAS VS TROLL FARMS IKINASA
IKINASA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang magpaparusa sa mga troll farms at maging ang mga politikong nakikinabang sa kanilang pagpapakalat ng maling impormasyon. Nakapaloob sa House Bill (HB) 11178, mas kilala sa “Anti-Troll Farm and Election Disinformation Act” na inihain ng mag-asawang sina Davao del Norte Rep. Cheeno Miguel D. Almario at PBA party-list Rep. Margarita Nograles-Almario na maaaring makulong ng hanggang 12 taon ang mga troll armies lalo na ang mga operator ng troll farms. “Troll farms are not just digital pranks—they are systematic tools designed to…
Read MorePaalala ng DOH ngayong Kapaskuhan HINAY-HINAY SA KATAKAWAN
HINAY-HINAY sa sobrang katakawan ngayong Kapaskuhan. Ito ang babala kahapon ng Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang labis-labis na pagkain ngayong holiday season. Partikular na pinaiiwasan ng ahensya ang mga pagkaing mataas ang sugar content, matataba at mamantika. Sinabi ng DOH, ang naturang mga pagkain ay labis na nakapagpapalala sa iba’t ibang karamdaman lalo na sa mga mayroon nang iniinom na maintenance drugs. Kailangan lamang daw kontrolin ang labis na pagkain lao pa ngayong kaliwa’t kanan ang handaan o Krismas party. Para maging masaya ang Pasko at…
Read MorePAYAPANG HALALAN PANAWAGAN NG GRUPONG AKO SOLUSYON
NANAWAGAN ang grupong “Ako Solusyon” sa kanilang isinagawang National Assembly sa Fort Bonifacio sa Taguig City ng mapayapang halalan para sa 2025 midterm elections. Ayon kay Daisy Encabo, isa sa regional leaders ng “AKO SOLUSYON”, ang grupo nila ay nagmula sa Mindanao Region na ngayon ay unti-unti nang lumalawak sa Visayas at Luzon region upang pagtulungan sa pamamagitan ng panawagan, pagkakaisa at aksyon ang mga kinahaharap na problema ng bansa. Ang naturang grupo ay binubuo ng 4,234,232 members na mula sa ibat ibang bahagi ng bansa. Ani Encabo, maraming kinakaharap…
Read MoreVILLAR NAGPASALAMAT KAY PBBM SA PAGPIRMA SA RCEF LAW EXTENSION
Pinuri ni Senator Cynthia Villar si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpirma ng Republic Act No. 12079, isang makasaysayang batas na nag-aamyenda sa Rice Tariffication Law at nagpapalawig sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng anim na taon. (Danny Bacolod) NAGPASALAMAT si Senator Cynthia Villar kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos nitong pirmahan ang Republic Act 12078, na nag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL), at naglalayong magbigay ng karagdagang proteksyon sa mga lokal na producer ng bigas at tugunan ang mga apela ng mga stakeholder sa industriya ng bigas. “Masayang-masaya…
Read MoreBOC EMPLOYEES PINASISIBAK OPISYAL NA NANININGIL PARA SA TRAVEL AUTHORITY AT PROMOTION
ISANG liham ang ipinarating ng rank and file ng Bureau of Customs (BOC) kay Comm. Bienvenido Rubio hinggil sa paniningil umano ng isang opisyal ng aduana sa mga empleyado sa tuwing sila ay mag-aapply ng travel authority para makapagbiyahe. Ang travel authority ay kailangan ng mga kawani ng gobyerno kapag sila ay mag-aabroad para sa isang seminar, schooling o bakasyon. Hiling ng mga empleyado kay Comm. Rubio na sibakin ang isang opisyal ng Internal Administration Group (IAG) dahil sa paniningil ng bayad para sa simpleng travel authority issuance gayong libre…
Read MoreREP. NOGRALES ITINULAK MATULDUKAN CHILD LABOR
(JOEL O. AMONGO) HINIMOK ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang gobyerno na palakasin ang mga polisiya para puksain o mawala ang child labor sa bansa. “We need to exhaust more measures and enlist more allies so we can protect our children from the dangers of child labor and exploitation,” anang mambabatas. Idinagdag pa nito na parami nang parami ang mga batang napipilitang magtrabaho mula noong pandemya,” batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan ang bilang ng child laborers sa bansa ay tumaas noong 2021. Ayon…
Read MorePAGHULI SA ABUSADONG RICE IMPORTERS, TRADERS PINAKAKASA SA DA
HINIHIKAYAT ni House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo ang Department of Agriculture (DA), sa pangunguna ni Sec. Francisco Tiu Laurel, na umpisahan nang hulihin ang mga mapagsamantalang rice importers at traders sa bansa dahil sa patuloy na mataas na presyo ng bigas sa merkado. Ani ni Cong. Tulfo, “P35 per kilo ang imported rice paglabas sa ating pier, e bakit wala pa rin tayong nakikitang bigas na less than P50 ang kilo sa palengke? Ang ibig lang sabihin nito sa bulsa lang ng mga importers at traders napupunta lahat…
Read More